CHAPTER 33

706 25 3
                                    

Puro paghanga ang maririnig sa mga kasamahan ko nang makarating kami sa loob mismo ng palasyo. Wala pa palang nakakapasok sa loob mismo maliban kay faier.

Nanlamig ako ng maalala ko sya bigla. Napalingon ako sa gawi nya na seryosong nakamasid lang sa mga kasama namin.

Alam ko, ramdam ko, na hindi ako ang prinsesang hinahanap nila. At napatunayan ko iyon nang makita namin ang hari at reyna sa hapagkainan na nag aabang sa akin.

Mahinhin at galak akong niyakap ng dalawa sa oras na makita nila ako.

"Anak, sobra kaming nag alala sa iyo, mabuti at ligtas ka!" naluluhang sabi ng reyna. Napapikit ako. Hindi sila iyon, sigurado ako. Hindi sila ang nasa panaginip ko! Hindi ako nagsalita pero nagmamasid ako. Napagmasdan ko din kung anong pagkakahawig ni amira sa dalawa ng titigan ko ang mga ito.

Pareho silang may masasabi pagdating sa itsura. Talagang sobrang ganda at gwapo pareho! Ang reyna ay mayroong halong asul at dilaw na buhok samantalang ang hari ay mayroong pula at orange na buhok. Matingkad pareho, ibig sabihin, pareho silang malalakas dahil naka-unseal na ang kapangyarihan na meron sila.

Itinuon ko ang atensyon sa pagkain. Kahit masarap iyon ay hindi ko naenjoy dahil nawalan ako ng gana.

Nililingon ko ang pwesto ni amira at napansin ko din ang maya't-maya nyang pagpapalit ng pwesto sa upuan na parang hindi kumportable at maya maya kung hawakan nya ang kanyang insignia. Nabaling ang tingin ko sa pwesto ni faier na katapat ko lang at ganoon ang gulat ko ng makitang nakatingin sya at nakakunot ang noo. Sinundan nya ang tinitingnan ko kanina at ganon na lang ang sakit sa dibdib ko nang magkatinginan sila pareho. Alam kong nagkataon lang iyon at wala lang sa kanilang pareho pero iba ang dating sakin lalo na at si faier ay nakatadhana sa prinsesa. Hindi ako ang prinsesa, hindi sya sakin.

Bahagyang nanginig ang mga kamay ko at dali dali ko itong itinago sa ilalim ng lamesa. Tumayo ako at bahagyang yumuko para gumalang. Nakiusap akong pupunta sa bathroom at sinamahan naman ako ng mga tagapagsilbi.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at pilit na iniisip ang mukha ng reyna at hari, hindi sila iyong nasa panaginip ko. At hindi ako, hindi ako ang nawawala nilang anak.

After almost 10 minutes of thinking inside the comfort room, lumabas na ako at planong kausapin si amira mamayang gabi. Inilibot kami sa buong palasyo at pinagsilbihan, bagay na hindi ko maramdaman kahit pa sabihin na para sakin iyon. Namimiss ko na ang daddy ko.

"Ikaw ang prinsesa, amira." diretsong sabi ko nang palihim ko syang senyasan na pumasok sa cr. Nilock ko iyon at siguradong hindi maririnig sa labas.

"Nababaliw ka na ba? Hindi porke magkapareho tayo ng birthmark ay ako ang anak!"

"Nakaramdam ka ng sakit kanina?"

Nanlalaki ang mga mata nyang napatingin sakin.

"Bat alam mo?" gulat na tanong nya.

"Stupid. Nakikita kita. Nabasa ko iyon sa libro! Sa oras na marecognize nang insignia ng prinsesa ang hari at reyna, unti unti itong kakawala at makakaramdam ng kaonting sakit! Hindi ko naramdaman iyon!"

"Sa iyo gumana ang kwintas!"

"Hindi mo pa nasusubukan!"

"Ayokong subukan!"

Napabuntong hininga ako.

"Just try, please. Ayokong makulong sa bagay na pinaniniwalaan ko pero hindi pala totoo." malungkot at nakikiusap na sabi ko sa kanya.

"Hindi ako handa," nagulat ako nang maglandas ang luha sa mga mata nya. "Ang tanging pagtakas ko ay ang pagtira sa academy para makawala sa tunay na mundo. Napabayaan ako amethyst. Sobrang hirap ng pinagdaanan ko." amin nya. Niyakap ko sya nang mahigpit.

"Mahal na mahal ka nila..." I console her, silently hoping that that would atleast ease her pain.

"Hindi tayo sigurado,"

"Siguraduhin natin." pinal kong sabi at hinubad ang kwintas bago dahan dahan kong isinuot sa kanya.

Ganoon na lang ang pagkagulat namin pareho nang maramdaman namin ang malakas na enerhiya mula doon. Hindi man kasing lakas ng sa akin pero alam kong malakas din ang sa kanya! Bukod doon, nakita ko ang balatay ng sakit sa kanya mula sa kanyang insignia, hindi ko alam kung bakit kaya naman tinanggal ko na muli iyon sa kanya bago isinuot sa leeg ko. Ramdam namin ang muling paglabas ng napakalakas na enerhiya mula doon pero wala akong kirot na naramdaman.

"Hindi ako...." mahinang sabi nya sakin.

Hindi ko maintindihan. Gumana sa kanya pero bakit sumakit ang kanyang insignia? Ang mas nakapagtataka, bakit sa aming dalawa pareho gumana iyon?

Nakatulugan ko ang pag iisip na yon. Nagising na lang ako ng umaga nang makaramdam ako ng gutom.

Naabutan ko silang lahat sa dining area at mukhang mag aagahan na.

"Anak, mabuti at gising ka na. Kanina pa kami naghihintay." masuyo nitong sabi sa akin bago ako hagkan sa noo at haplusin ang buhok ng marahan. Mahinhin nya akong iginiya sa kung saan ako nakapwesto noon. Nasa harap ko pa rin si faier pero andoon na naman iyong sakit sa dibdib ko nang makitang ang katabi nya ay si amira na nakangiti sakin ng totoo. Napangiti ako pabalik pero hindi kasingganda ng ngiti nya.

Kung sya ang prinsesa at hindi ako, ibig sabihin... sila ni faier ang ikakasal?

---

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now