CHAPTER 45

682 24 6
                                    


"Dad," tawag ko kay daddy ng nasa kwarto na kami.

"H-how.. did you know that the king.. ahm, has, ah.." hindi ko alam paano ko itatanong.

"Yes, Tim told me." he sighed. Nagugulat na napatingin ako sa kanya.

"Dad,"

"Mali iyon. Si Faier ay anak ng hari sa ibang babae, bunga iyon ng kasalanan. Nagamitan sya ng potion that's why Faier was.. you know. kaya sya napunta sa ibang pamilya dahil walang pwedeng makaalam. Ipinangalaga sya sa matalik na kaibigan ng hari. Sa galit at selos ng ina ni Faier, kinuha niya si Amira at ibinigay sa ibang pamilya. She's the.. long lost princess." Paliwanag nya. Napaawang ang bibig ko.

"A-ako dad, b-bakit---?"

"Are you ready for your 18 birthday?" Naguguluhan akong napatingin sa kanya. He changed our topic, why?
"At 12 midnight, this Saturday, was Amira's end of birthday and will be your day."

Firday ang birthday ni Amira. Pagsapit ng alas dose ang birthday ko. Huwebes ngayon at isang araw na lang bago ang aking kaarawan.

"Ano ang... pinaghahandaan natin dad?"

"Digmaan," malungkot na sabi nya.

"Bakit kelangan umabot sa ganito? Hindi ba iyon nadadaan sa usapan?"

Umiling sya.

"Ang underworld at ang mundong ito ay hindi nagkaroon ng usapan at ugnayan. Gusto mo bang maitigil ito?"

Nagugulat ako napatingin sa kanya.

"Magagawa mo iyon. Your name will be known. Your name will shouts power. Your enemy will bow down to you. You shall fear no one because you are brave. You get me? You'll end this war."

"I-is this a responsibility you're giving me, daddy?"

Nalilitong tanong ko. Ang mga mata at kilos nya ay hindi ko mabasa. Ano ang gusto mong sabihin dad?

"You'll know when you turned 18--"

"That's the day of the war,"

"That's the plan, we'll never know if something will change."

"That will be the most tragic birthday that I'll ever have,"

"You'll protect Amira, right?"

Napatingin ako sa kanya. Why me?

"D-dad..?"

"They're my... friends," malungkot na wika nya. "Faier's foster parents, Amira's parents, me, your mom, Tim, we are all bestfriends." Malungkot na saad nya.

"What happened dad?"

"It was my fault," nakita kong mamuo ang luha ng daddy ko na syang ikinagulat ko.

"Daddy..." Hindi ko na alam ang sasabihin. Am I going tp comfort him? Give advices? Or just.. listen?

I choose the last one.

"We used to be best of friends. Not until... I-- met your mother,"

He sighed, seems like hes having a hard time opening this topic to me.

I wanna know more.

"You see... your mother and I, we can't be together," malungkot nyang pahayag saken.

"But... I, you're my real dad, right?" I ask for an assurance. He nodded. I sighed in relief.

"We met in the enchanted forest, I sneak out and saw her sleeping in the tree. I was mesmerized by her beauty," he smiled a little, "Naabutan nya akong nakatitig. She just smiled and told me not to stare, thats a crime, literally. We get to know each other. Paulit ulit kaming bumalik doon at patagong nagkikita." Tumayo si dad ay lumapit sa isang drawer doon at ipinagpatuloy ang salita habang may ginagawa. "Hindi ko matiis noon, gusto kong maging saken sya. Sa Akademya, lahat ay sya ang pantasya. Lahat ay sya ang gusto. Tinitingala sya maging ng mga babae at propesor. Niligawan ko sya at dahil nahulog na din sya sa akin ay naging kami. We kept our relationship a secret one. Kahit sa mga kaibigan ko ay hindi ko sinabi dahil alam ko ang mangyayare kung sakaling may makaalam..."

Tumingin sya ng mariin sa akin.

"Maaari kaming mamatay,"

Napasinghap ako. Hindi ko akalain na ang pag iibigan nila ay iba ang kakahantungan.

"Kaya ba.... hindi ko nakilala ang nanay ko?" Tanong ko.

Umiiling syang tumingin sa akin saglit bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Natamaan ng palaso sa puso ang nanay mo ngunit walang nakakita ng kanyang katawan," malungkot nyang saad.

Napailing ako. Magsasalita na sana ng bigla syang tumayo at may inaabot sa akin magmula sa drawer ma hinahalungkat niya.

I was awed by its beauty.

How come it looks so colorful but dull at the same time.

It is a moon necklace.

I can't figure its color. The sides seems like a violet color but also seems like blue. The inside seem like white but also seems like light yellow. I don't understand. It looks beautiful tho.
Lumapit si daddy sa akin at ikinabit iyon.

Biglang para akong may naramdaman ns kung ano sa katawan ko matapos itong maisuot.

Kumirot ang insignia ko dahilan para manlaki ang mata ko. Dali dali akong tumakbo sa salamin at basta hinila ang manggas ng damit na suot.

Umiilaw ang insignia ko!

Nawala ang kirot at napalitan ng maayos na pakiramdam. Pakiramdam ko ay para akong walang kahit na anong bigat na dala dala saking dibdib.

Sa pag ilaw ng insignia ko ay sabay ng pag ilaw ng kwintas na suot ko. Ang ganda! Sobrang ganda!

Lumapit si daddy sa akin. Humawak ang kamay sa balikat ko at pareho naming tinitingnan ang kwintas sa salamin.

Napangiti siya.

"Nuong araw na makita ko iyan na suot ng ina mo ay grabe din ang paghanga ko. Napakagandang pagmasdan. Sa tuwing umiilaw ang kwintas ay umiilaw din ang buhok niyang lilac." Nakangiting pahayag niya.

"Talaga daddy?" Excited kong tanong. Gusto kong makilala ang mommy ko pero malabo na. Mukhang wala na sya talaga.

"Hm-mn. Kamukha mo sya. Parehong lilac ang mata, parang niyebe ang balat at animo anghel ang boses,"

Napatitig ako sa kwintas na suot. Napakagandang buwan. Napakaliwanag.

"Kung sana nagtiwala at naniwala sila sa akin, baka nasa akin, baka nasa atin pa rin ang mama mo," naiiling nyang saad.

Marami pa akong hindi alam. Bakit hindi ito naikwento sa akin noon?

Bakit ako mismo na kanilang anak ay hindi niya masabihan?

Bakit ako na nakakaranas ng kakaiba sa mga pagbabago sa pangangatawan ko ay walang alam sa sarili ko mismo?

Ang dami kong tanong.

Nakabasa ako ng mga libro. Iba't ibang libro maging ang kasaysayan ng lugar na iyon pero wala akong makitang makatutulong sa akin.

Ang taong nasa harap ko ay alam kong walang balak na maglatag ng kabuuang inpormasyon sa harap ko mismo.

Hindi napupulot ang impormasyon, pinaghihirapan itong makuha at mabuo.

Hindi kayang masagot ng libro ang tanong ko.

Hindi basta maikukwento ng kung sino ang nangyare noong unang siglo.

Hindi basta basta na lang ang naranasan ng mga tao sa Akademya na nasa paligid ko.

Ipinapatong sakin ni daddy ang responsibilidad na maging ako mismo ay di sigurado sa kakayanan ko.

Paano ko aayusin ang lahat kung hindi ko alam ang kwento?

Paano ko tatapusin ang gulo at digmang ito kung ako mismo, hindi kilala ang sarili ko?

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now