CHAPTER 12

1.7K 50 1
                                    


Dire-diretso lang akong naglalakad ng may marealize ako kaya naman bigla akong napatigil.

Nag-aalangan naman akong lumingon sa kasama ko na walang pagbabago ang itsura. Kaya naman napabalik ako sa huwisyo at binalik ang blanko kong mukha.

"Bat ba di mo man lang sabihin kung san gagawin yung test!?" Naiinis kong tanong

"Bat ba di ka marunong magtanong?" Yung boses talaga nya shtz!

I just roll my eyes heavenward sa tanong na binalik nya sakin.

Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko kaya naman ang ginawa nya ay humakbang sya sakin pauna kaya ngayon ay sya ang nasa una ko.

In fairness, ang firm ng likod nya. So kahit pala nakatalikod sya, ang gwapo pa rin nya. Matangkad sya. Tapos maputi. Tapo---

"Ano ba!?" Sita ko ng bigla syang tumigil!

Tsk. Tumigil kasi sya kaya naman nauntog ako sa likod nya. Ang tigas ah! Tsk sakit.

"You're spacing out." Sabi nya at lumiko

Inirapan ko naman sya kahit na hindi nya ko nakikita.

Tinantanan ko na rin ang kakatitig sa likod nya. Wala naman akong makitang mali para ipintas sa kanya e tsk

Nag-isang liko pa ulit kami sa corridor bago kami pumasok sa isang room.

May hinawakan sya sa bandang kanan- whoah! Finger print eh? Pasosyal ah. Kala mo naman may gintong mananakaw sa loob! Nang ma-scan na yung finger print nya, bumakas ang pinto.

Pagpasok na pagpasok ko, unang-unang nakita ko ay ang higaan na namomove. Nalimutan ko na tawag dun e. Kayo na bahala mag-isip.

May mga wires na iba't-ibang kulay na nakatakid sa parang pinakang computer na nakadikit sa iba't-ibang parte ng bed.

"This is your first test for today. We will test your physical and emotional strength. Now, lie down." Sabi nya ng di pa rin nagbabago ang mukha. The hell!

Napakunot naman bigla ang noo ko sa sinabi nya.

"Why would i!?" Cold ko ding sabi. Kala nya ba sya lang nakakagawa nun!? Tsk.

Bahagya namang kumunot ang noo nya at bakas na bakas ang pagkainis sa mukha nya.

"Di ka ba marunong makinig!? Kakasabi ko lang diba?! I wont repeat it again! " Sabi nya.
Nangilabot naman ako ng banggitin nya yung word na 'lie down'. Para kasing may halong pagbabanta yung boses nya e! How did he do that!? Geez.

Wala na akong nagawa pa at sinunod ang utos nya.

Humiga ako. Pero pababa sya. Alam nyo yun diba? Yung ginagamit na bed sa hospital? Yung parang nakahiga ka pero hindi pantay? Ah basta yun na yun!

Naglakad naman sya sa may drawer at binuksan yun. Nakita ko naman na may kinuha syang pang-inject at black na wire.

Pareho kaming hindi nagsasalita at pinagmamasdan ko lang kung anong mga ginagawa nya.

Nilapat nya yung wire sa braso ko at in-inject sakin yung hawak nya. Para namang namanhid bigla yung buong katawan ko. Napansin ko na mas lalong lumiwanag sa buong room at naging kulay purple ito. Pero napansin ko din na yung ibat-ibang kulay na wire ay mas lalong tumingkad ang kulay.

Geez. Rainbow ba nakikita ko? Mygaaaad! Umiikot ang paningin ko! Pakiramdam ko may malakas na force na humihila sakin pailalim!

Unti-unti, bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

"Show me what you've got... Ms. Amethyst." Was the last thing i heard bago ako mapadpad sa lugar na to.

Gubat. Madilim. Maraming puno. Puro ingay lang ng mga ibon ang naririnig ko. Tanging ilaw ng sinag ng buwan lang ang ilaw ko.

Napatingin naman ako sa suot ko. Geez. Am i one of the characters in one of those conputer games? Yung suot ko, akala mo sasabak ako sa kung saang digmaan! Well, mukhang maganda naman sya. Saktong-sakto sakin. Di ko ganong maaninaw ang kulay kasi nga madilim medyo. Napahawak naman ako sa gilid ng suot ko.

Wait. Pocket? Kinapa ko ito at kinuha ang nakalagay doon. Laking gulat ko na lang ng makita ko ang dagger.

A-anong gagawin ko dito!?

Kinapa ko naman yung kabilang side at may pocket din. Nang kapain ko ito, halos magtayuan lahat ng buhok ko sa katawan ng mapagtanto ko kung ano ang hawak ko.

Unti-unti ko itong inangat at halos panghinaan ako ng lakas ng mapagtanto kong tama nga ang hinala ko!

Baril. Pero hindi sya basta baril lang. Ewan ko pero feeling ko hindi ito katulad ng baril lang na nakikita ko sa picture. Alam kong may kakaiba rito bagamat parehong pareho ang style.

But that's not the point. Baril pa rin ito! And this is the first time na makahawak ako ng ganito.

Napatigil ako bigla sa pag-iisip ng maramdaman kong parang may kumakaluskos sa may likod ng puno malapit sakin.

Parang napako ako sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin at gawin.

For the first time in mh life, ngayon ko lang naranasan na parang mag isa lang ako.

Ngayon ko lang naranasan ang manghina at matakot.

I used to be one of the strongest person in earth back then pero ngayon, ramdam na ramdam ko ang panghihina ko na parang anytime ay bigla na lang along magco-collapsed lalo na ng makita ko ang isang nakakatakot na nilalang na masa harap ko ngayon...

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now