Ang lugar na ito ay may apat na emperyo, ang altan, lugar ng mga nilalang na katulad namin, may kakayahan at abilidad na natatangi, may kapangyarihang taglay.
Ang ikalawa ay ang Harim na pinamumunuan ni hades ng underworld. Bagama't underworld, ang lugar na iyon ay mga taong nabubuhay na may taglay ring kapangyarihan, ang pinagkaiba, may halong dark spells ang bawat kapangyarihang meron sila.
Ang sumunod ay ang Marin, lugar ng mahika gamit ang mga bagay at ritwal. Ang lugar para sa mga wizard, at mga witch. May kanya kanyang sakop sila sa lugar na iyon at may kanya kanyang buhay.
Ang huli ay ang Rajin, lugar para sa walang kakayahan sa mahika pero may natatanging lakas. Ang mga naninirahan dito ay bihasa sa pakikipaglaban. Magagaling, malalakas at mabibilis. Karaniwang panlaban ay ang mga teknolohiya at ang iba pang gamit sa pakikipaglaban katulad ng pana, baril at espada. Hindi man nabiyayaan ng kapangyarihan, sila naman ay may natatanging bilis lalo na kapag nakikipaglaban. Bata pa lang ay namumulat na sa mundo ng pakikipaglaban, hindi katulad sa amin na iyon ay proseso pa lamang para malaman kung ano ang kapangyarihan at kakayahan na meron kami. Bata pa lang ay talagang magagaling na silang makipaglaban, sinasanay sa ilalim ng tubig, sinasanay umakyat ng mabilis sa mga sanga ng puno at magtatalon dito, sinasanay tumakbo ng mabilis sa bulubundukin at maging sa mga lubak na lugar. Mga bagay na hindi basta basta masasabayan ng mga normal na tao o mga katulad namin na walang sapat na ensayo.
Ang apat na emperyo ay may kanya-kanyang namumuno na pinangangalagaan ang bawat teritoryo. Walang pakealam sa isa't-isa ang mga ito kaya naman payapa ang pamumuhay. Ngunit nagkagulo ang lahat ng sa di malamang dahilan ay bigla na lang nagrebelde ang mga rajin. Ginusto nilang sakupin ang ibang emperyo dahil gusto nilang maging superior sa lahat. Gusto nilang patunayan na sila ang pinakamalakas laban sa mga nilalang na may kapangyarihan.
Labing pitong taon na ang nakalilipas ng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng apat na emperyo. Natalo ang rajin sa tulong na din ng Luna.
Ito lang ang summary nang nabasa ko sa aklat ng history ng mga lugar dito. Ito pa lang pero nananakit na ang ulo ko. May kanya kanya naman palang pinamumunuan tapos gusto pa sumakop ng iba.
Hindi marunong makuntento!
Napailing ako at napahawak sa sentido. Ibinalik ako ang libro na iyon pero isang tanong pa rin ang bumabagabag sa akin. Sino ang luna?
Naputol ang pag iisip ko nang may lumapit sa akin na estudyante at sinabi na ipinapatawag ako ng headmistress. Kagagaling ko lang don, ah? Nagkibit-balikat ako at tumuloy na din.
"Maupo ka." isinenyas nya sa akin ang upuan pagkatapos ay lumapit sa sulok na may maraming libro. Pasensya ka na kung nabigla ka sa bakitang isasama ka namin sa misyon. Hindi man buong emperyo ang kalaban ay malalakas pa rin sila. Nagbabalak sila na muling magkaroon ng digmaan para masakop ang buong lugar. Ang mga rebelde. Mga rebeldeng nagsama sama dahil ayaw sa patakaran ng pinuno nila. Hindi lang ikaw ang isasabak sa training. Lahat din ng mahihina at bago pa lang. Ibang case ang sayo dahil naiiba ka. " pagpapaliwanag niti at paminsan at lumilingon sa akin bago muling babalik sa paghahanap ng libro.
Hinintay ko sya ng ilang minuto bago sya tuluyang lumapit sa akin dala ang libro at isang kwintas na may malaking bato na kulay pula.
"Basahin mo ito," aniya at iniabot sa akin ang libro, "at suotin mo ito," ngayon ay inilapit naman nya ang kwintas. Nangunot ang noo ko.
"Para saan po ang kwintas?" naguguluhan kong tanong.
Huminga sya ng malalim bago tumingin ng diretso sa akin. "Mula umpisa, napansin na namin na may kakaiba sa iyo. Until now, we are still observing you para ma-point out namin kung ano iyon. Noong nakaraan, especially the cafeteria issue, napansin namin ang kakayahan na meron ka at pati na rin ang kakayahan na tinataglay ng isang prinsesa. Nawala ang prinsesa kasabay ng digmaang iyon. Nabasa mo na iyon, diba?" isang tango ang sagot ko sa tanong na yon.
Nabasa ko din iyon pero hindi ko na gaanong pinagtuunan ng pansin. Nawala ang prinsesa sa araw mismo ng digmaan. Sa sobrang gulo ng lahat ay hindi na nila nahanap pa ang bata. Muntik ng ikamatay ng hari ng hanapin nya ang prinsesa sa labas ng palasyo ng makuha ito pero nasaksak sya ng punyal. Mabuti na lang at nakita agad sya ng kawal na malapit sa kanya kaya naialis sya agad doon at naagapan.
Napabuntong-hininga ako.
"Ah, napanaginipan mo na ba ang sarili mong.... kasama ng hari at reyna?" tanong nya sa akin, "ang usapang ito ay hindi na lalabas pa sa opisinang ito." paalala nya.
Napakagat-labi ako at tumango.
Sumilay ang ngiti nya. "Pwede ko bang makita ang... tattoo na meron ka sa kaliwa mong braso?"
Napaangat agad ang tingin ko sa kanya at bahagya pang nanlalaki ang mga mata.
"Ang prinsesa ay mayroong insignia sa kaliwang braso sa parteng may manggas. Hindi namin alam ang itsura niyon pero alam namin na mayroon," nakangiti nyang paliwanag. "Sa araw ng kanyang ikalabing walong kaarawan, pagsapit ng eksatong alas dose ng umaga, ay iilaw ito at magbabagong anyo ang prinsesa. Iyon ang nakasulat sa aklat. Pero epektibo lamang iyon kung suot nya o nasa malapit sa kanya ang kwintas. Kaya ibinibigay ko sa iyo ang bagay na yan."
"P-paano po kung hindi ako ang prinsesa?" naguguluhan kong tanong. Malaki ang posibilidad na hindi ako iyon.
"Pero maraming bagay na nagkakatulad kayo. Isa pa, ang buhok mong lila ay naiiba. Maaaring iyan ay buhok ng prinsesa." napatungo ako. Pakiramdam ko ay napakalaking responsibilidad niyon. "Ah, may nais pa akong sabihin. Si Faier ang nakatakdang maging hari, kaya kung ikaw nga ang prinsesa, paniguradong siya ang mapapangasawa mo." nanlalaki ang mga mata ko sa narinig kasabay ng mabilis na pintig ng aking puso. Palagi itong nangyayare sa tuwing malapit at nakakatitigan ko ang lalaking iyon. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko pero pinipilit kong alisin sa akin iton dahil natatakot akong aminin. At natatakot akong tanggihan nya at di suklian ito.
"Isuot mo na ito at magpahinga ka. Narito ang libro kung paano kontrolin at kung paanong gumagana ang bagay na iyan." tango lang ang sagot ko at kinuha ang parehong gamit.
Gabi na ng makabalik ako sa loob at naabutan ko ang mga kaibigan ko na kumakain.
"Amethyst, kain naaaa!" sigaw nila. Umirap lang ako bago pumasok sa loob. Naupo ako sa kama. Sa kandungan ko ay ang libro at sa ibabaw nito ay ang kwintas na hinahaplos ko. Matapos ang matagal na pag iisip ay isinuot ko ito at binasa ang nasa libro. Nang masuot ay pakiramdam ko, biglang umaliwalas ang paligid, guni guni ko lang siguro.
Matapos ang ilang oras ay natapos ko ang pagbabasa pero hindi ako kuntento. Pakiramdam ko ay may kulang. Ang pag iisip na iyon ay nakatulugan ko na din at hindi na nakakain pa.

YOU ARE READING
ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)
FantasyALISTAIR ACADEMY ------ Every beginning has an end. But the what-so-called end is just the beginning. Everything starts from the start. But their story begin from the end.