Pinapasok kami sa isang room kasama na ang holy rankers. They were trained as well.Sa ngayon ay nagpaplano na ang mga professors ng academy, si daddy at pati na ang Headmistress.
Kaming tatlo ay nakaupo sa sahig at kaharap ang isa't isa habang ang holy rankers naman ay nasa couch.
Tria made a castle from her own powers and add some snow around her little castle. Eya, being the dumb that she is, create a fire around the castle kaya naman natunaw ang yelo.
Away na naman.
Kumuha si Tria ng snow at ibinato iyon kay Eya na mukhang gulat pa. Siraulo talaga.
"Akala ko hindi matutunaw!" Sigaw nya samin.
"Ay boba!" Parehas lang kaming napasapo sa noo ni Tria sa kanya.
Hindi ako makakilos ng ayos dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa akin.
Napapikit ako.
Ang awkward naman!
Bigla kong nilingon ang lugar nila at ampucha, lahat sila ay nakatingin sa amin!
"Hoy Amethyst!" Tawag ni tria bago sinundan ang tinitingnan ko.
"Ay hehe. Hiii! Join kayo hehe" pabebeng tawag nyan. Jusko naman Tria, umiiwas nga!
Naunang tumayo si Faier at walang pagdadalawang isip na lumapit dahilan para manlaki ang mata nilang lahat sa gulat. Hindi nagtagal at sumunod din ang iba pa papunta sa pwesto namin.
Bahagyang umusog si Tria palayo sa akin para bigyan ng space si Faier. Ang tanga tanga talaga!
Tinaliman ko sya ng tingin at inosenteng nagtatanong ang mga mata nya saken.
Boba! sigaw ko sa isip ko para kausapin sya.
Arte mo. Inaano ba kita?
Bat umusog ka?
Tanga. Para tabi kami!
Edi sana saken ka umusog!
Wala akong tiwala kay Eya!
Mas wala akong tiwala sayo Tria ha! sabat ni Eya sa usapan. And yes. Kaya naming iconceal ang telephatic conversation namin sa ibang tao.
Ako naman ang binalingan ni Eya.
Amethyst, palit tayo pwesto hehe.
Napangiti ako doon. Tatayo na sana ako ng bigla akong hawakan sa braso ni Faier. Pareho kaming nagulat. Reflexes nya lang ata kaya nya ako hinawakan.
"A-ahh.. san ka pupunta?" Utal na tanong nya
"Papalit daw kami pwesto e," turo ko kay Eya.
"H-ha? Bakit?" Bat sya nagtatagalog?
"Bakit din?"
Wag na nga. Dyan ka na. Ikaw yata ang gusto nyan hmp.
Napatingin ako sa kanya bigla at umirap pa sya saken. Ingrata!
Napabaling ang tingin ko sa kamay ni Faier na nasa braso ko. Napansin nya iyon kaya agad nyang inalis.
"A-ahh. Huwag ka na lumipat---"
"Ay hindi pwede e. Magagalit si Eya kapag hindi ako lum--"
"Ha? Hindi naman ako nakikipagpalit ng pwesto?" Kunway inosenteng sabi nya na akala mo wala talagang alam sa nangyayare. Gago amp.

YOU ARE READING
ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)
FantasiALISTAIR ACADEMY ------ Every beginning has an end. But the what-so-called end is just the beginning. Everything starts from the start. But their story begin from the end.