Kabanata 5: 'Pagbibigyan Kita'

37 3 0
                                    

PAYHON JUNO | Libo-libong beses man haplusin ng katabi kong ginang pulis ang aking likuran ay hindi pa rin ako mahihimasmasan at hinding-hindi na ako mahihimasmasan pa. Ang pangyayaring ito'y dadaloy na lamang na parang dugo sa aking buhay hanggang sa kinabukasan ng aking kamatayan.

Sa ilalim ng pagluha kong ito'y gusto kong hindi paniwalaan ang hindi makatarungang pagkamatay ni Kuya Panongon. Ayaw kong paniwalaan na siya'y mawawalay na sa akin. Bawat isa'y hihirangin sa kamatayan ngunit ang sa kaniya'y kay aga. Kung hindi ko siya kayang buhayin muli, nais ko na lamang na sumama sa kaniya upang ang bagong suliranin kong ito'y matapos na.

Gusto kong malagutan ng hininga dulot nitong hagulgol kong walang magawa-gawa sa bangkay ni Kuya sa itaas na pinagpipistahan ng mga armado't ahente. Ang mga mata kong sa mga kamay ng orasan nakatitig ay kay labo ngunit pinagmamasdan ko sa aking isipan ang pagbabaka sakaling hihinga pa siya.

  Kung kaniyang magagawa'y hindi siya makapagwiwika. Paano ko ito tatanggapin sa aking pang-araw-araw na pamumuhay; sinong alagad ni Sitan ang magpapakay sa mata ni Kuya? Bakit niya iniwan ang kaniyang dila? Hindi siya magbabayad, madurusa siya;

Si Kuya Panongon na lamang ang natitira kong kakampi, at palagi kaming magkakampi. Malago ang aming mga alaala simula ng aming pagkabata na dapat kong alalahanin, ngunit sasadyahin ko pa bang ngayon alalahin?

Mukhang wasto ang paraan na ipinapayo ng ginang pulis sa akin na mapahanggang ngayo'y kaniya pa ring sinasambit, "Tatagan mo lamang ang iyong sarili."

Sana ay kaya kong patatagin ang aking kaloob-looban, sana'y kaya kong maging matatag katulad nina Lagawe, Rene, Adia, Tiya Raniag, at ang katipan ni Ate Estancia na kahit isang patak ng luha sa kanilang mga mata ay hindi nagawang patuyuin ng hangin.

Inabot sa akin ng ginoong pulis ang isang baso ng tubig na sa pagkatatanda ko'y ang ipinag-utos ng kasamahan niyang ginang. Ibinalot ko lamang sa malamig na balat ng babasaging baso ang aking mga kamay, at naupo naman siya tabi ko kasabay nang makarinig ako ng pagtakbo mula sa pinto ng aming sala patungo kay Tiya Raniag. Si Anna, kumandong sa kaniyang ina, siya'y nagtataka.

"Ina, bakit may mga pulis?" pagtataka ni Anna, ang mga dungis sa kaniyang damit at bahagi ng kaniyang balat ay nagsasaad na siya'y nagbabad sa araw upang makipaglaro sa mga bata ng aming kapitbahayan.

"Pinatay si Kuya mo Panongon, Anna," tugon ni Lagawe. Nais ko na lamang hablutin ang baril ng katabi kong pulis at iputok iyon sa tiyan niyang lulobo na sa makalawa basta't kaunting subo niya na lamang ng kanin, sa aking tansiya.

Tulad ng tauli kong pagtitig kay Lagawe, tinitigan din siya ng mga pulis. Kung nakababasa man ako ng saloobin, ang sinisigurado kong wikain ng mga pulis sa kani-kanilang kaloob-looban ay hindi kaaya-aya ang ipinakikita niya, si Lagawe.

"Diyos ko," wika ni Lola Alegria, luha niya'y hindi rin nahihinto at ang mga daliri niya'y kumakatog sa ibabaw ng kaniyang dibdib kung saan niya nilapat ang dalawa niyang kamay. "Hindi ko alam kung anong gagawin natin, m-mas mainam siguro kung tawagan mo't papuntahin dito si Ransohan... Raniag, maaari mo ba siyang tawagan?"

Mapaglaro ang naging kilos ng mga mata ni Tiya Raniag na siyang nagwiwika ng kaniyang pagkasuklam sa sariling kapatid. Bakit? Si Tiyo Ransohan ang piniling tagapagmana ng lupang kinatatayuan nitong bahay. Hinanakit din iyon ni Ate Estancia ngunit hindi na niya piniling makigalit pa.

"Bakit niyo siya tatawagan? Siya ba ang ama? Ang tawagan niyo'y si Enrique nang malaman niya't mauwi rito! Sabihin niyo rin iyan sa kaniyang ina, mas mainam pa!" Ang puwesto ni Tiya upang sumagot ay siyang inagaw muli ni Lagawe na umaabot na sa dulo ng aking hangganan. Kaya ang wika ng ginang pulis:

Mabayang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon