Panimula

110 5 0
                                    

NANG MAGALIT ANG nagtatago'y pinutol niya ang dila ng kagalit.

  Binabalot ang itim na silid ng makalawang na amoy mula sa dugong ilog kung dumaloy sa seramikong sahig. Bukana ang putol na dila, talon ang dibdib na tinadtad ng saksak. Tanging liwanag ng kasamaan upang punan ang kaniyang patlang na layon ay sinag ng mga poste't mga makukulay na bumbilyang alitaptap, at mga Sinturon ni Hudas na walang hintong sumasabog sa labas, sa kalsadang puno ng mga taong nagdiriwang, nagsasaya sa mga nakabibinging patugtog nila.

  Naupo siya sa kama ng kaniyang pinaslang, dalawang siko'y bumagsak sa kaniyang dalawang hita na binabalutan ng pantalong itim, at wala siyang pangamba sa bawat bakas ng dugong gumuguhit sa mga pundang dilaw, sa luntiang kumot, at sa linong sapin ng higaan.

  Ang kaniyang paghingal ay hindi pantukoy sa kaniyang kaba kundi sa pagod na kaniyang nakuha mula sa pakikipagdigma sa pinaniniwalaan niyang daga ng kanilang pamilya—hindi daga ng kaniyang ugat na pamilya, ang daga ng kaniyang pamilya na siyang bumuo, na siyang nagpapausbong.

"Bago mo siya ilibing, maaari mo ba akong pasalubungan ng kaniyang sariwang mata?" Naalala niya. Iyon ang bilin ng isa para sa kaniya.

Mga mata niya'y naglibot sa kadiliman ng silid at sa pagsabog ng isang bughaw na paputok sa kalangitang itim ay nakahanap siya ng garapong puno ng mga barya. Dinampot niya iyon saka masusi't matahimik niyang tinanggal ang mga salapi. Isang bote ng tubig ang kaniya pang nasilayan kaya nilagyan niya ang garapon nang kalahati. Pagkaraan, muli niyang nilapitan ang bangkay ng kaniyang kadugo.

"Manigong bagong taon, munting Casco!" bulong niya, ang kaniyang ngising tinatakpan ng itim na panyo ay maihahalintulad kay Sitan na naghahasik ng kababalaghan. Ang hinlalaking daliri sa kanan niyang kamay na binalutan ng asul na guwantes ay kaniyang pinambukas sa kaliwang mata ng bangkay na matinong nakahilata sa sarili niyang lawa ng dugo.

Pinulot na namang muli ng masama ang kaniyang pilak na balisong na kumikinang dahil sa masusi nitong pagkakapanday at pagkakahasa. Sumilip siya sa kaniyang sariling aninag sa patalim saka naghanda sa kaniyang lagim.

Kung nag-uumapaw nga ang kaniyang galit sa kaniyang pinaslang, siguro'y dahilan ito na mawalan siya ng kahit isang butil na konsensiya. Umagos muli ang mabayang dugo't bumalot sa mukha ng maputlang bangkay dahil ninakawan siya ng matang inilagay sa garapong may tubig. Ang putol na dila sa makatuwid ay nanatili sa sahig.

Pagkahari kung siya'y tumayo, bitbit ang garapon sa kaliwa niyang kamay, ang patalim ay nasa kanan niya naman. Sabi niya't habang kaharap ang walang kaawa-awa, "Sa inyo na ang dila niyang ginapangan ng higad."

Sapat na rin ang malademonyo niyang ngiting umaabot hanggang kaniyang mga tainga. Iniisip niya pang humalakhak bilang pagdiriwang niya ng kaniyang tagumpay ngunit nangangamba siyang baka ito'y marinig ng sinuman sa loob ng mansiyon, at sa labas ng balatkayong mansiyon.

Sa kaniyang pagkakatayong pumipinta ng anino sa sahig, binunot niya ang kaniyang telepono sa bulsa ng kaniyang pulang damit sa bandang dibdib. Pangkat ang gaptol sa kaniyang teleponong may basag hindi dahil sa kaniyang ginawang pagkitil ng buhay kundi dahil sa kaniyang pagiging pabaya. Pumindot-pindot siya roon saka niya iyon inilapit sa kaniyang kanang tainga. Naghintay siya ng mga segundo ngunit walang tugon mula sa nais niyang tawagan.

Sinubukan niyang muli ang kaniyang nais ngunit wala muling tugon kaya ibinalik niya na lamang muli sa kaniyang bulsa ang elektroniko. Ang naiisip niya na lamang na paraan ay maglinis ng mga munting bakas na nagmula sa kaniya, hindi ang bangkay na hahayaan niya lamang na langawin hanggang sa madatnan siya ng sinuman sa kanila.

Sa loob ng isang linggo niyang pag-iisip ng paraan, naaral niya nang husto ang kaniyang pinaplano. Tapos na siya sa unang patlang: ang patayin siya. Sa pangalawang pagsubok niya ay pagliligpit, na kaniya nang ginagawa.

Mabayang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon