Mula Kay Bonny Ueryau

6 1 0
                                    

Talaawitan

  1.) Sino ni Unique Salonga
  2.) Kisapmata ng Bandang Rivermaya
  3.) Gising ng Bandang Autotelic
  4.) Nagbabalik ni Rico Blanco at ng Bandang IV OF SPADES
  5.) Huwag Ka Sanang Magagalit ni Unique Salonga

  Pakinggan ang opisyal na talaawitan ng Mabayang Liwayway sa anumang platapormang didyital!

Para sa mga mambabasa,

  Isang karangalan para sa akin na iyong matapos ang salaysaying ito. Ikinalulugod ko ring nakipagtulungan ka sa akin, at sa mga pangunahing tauhan, na sagutin ang kanilang mga katanungan.

  Grabe! Panahong isinusulat ko ito'y ang daming mga nangyaring kakatwa't hindi kapani-paniwala sa buhay ko, haha! Sa mga araw ng kalungkutan, kasiyahan, kalasingan, at galit, kina Payhon at Ellias ako kumakapit. Kung palagi ka sa Twitter, siguro mayroon kang alam sa mga nangyayari sa akin kung nakikita mo man ang mga tweets ko, subalit hindi na ako naglahad pa ng iba. Tatalakayin ko na lamang siguro ang mga iyon sa susunod.

  Hoy, pero bago ang lahat, Leni-Kiko't Tropang Angat po lahat ng mga tauhuan ko—palaman na lang sa nutribun ang mga masasama, charizzz!

  Gayon pa man, nais ko nang tuldukan ang Mabayang Liwayway. Gusto kong itumbas sa mga salita kung gaano ako tuwang-tuwa't nagpapasalamat ngunit hindi ko iyon magagawa. Isang pangmalakasan salamat na lamang po sa inyo, mga mambabasa! Kayo ang pataba sa akin na isang munting punong umuusbong!

Sa ibaba nito ang talakayin na aking binuo:

Bakit ako gumamit ng makathang-isip na tagpuan para sa aking akda?

  ⁃ Wala lang. Gusto ko lang... sawang-sawa na ako rito sa tunay na mundo kaya bumuo na rin lang ako ng sarili kong tagpuan, kasi bakit naman hindi? Gusto kong malulong sa sarili kong kuwadro.

  ⁃ Gusto ko ng bago. (Iba ang pangalawang rason ko sa Madagtum'ng Bahaghari kaysa rito sa Mabayang Liwayway dahil doon, mabata-bata pa ang isipan ko't noon ay takot ako sa mapagkunwang kritiko ng Wattpad.)

  ⁃ Ngunit para mabigyan kayo ng larawan sa mapa ng Pilipinas kung saan naroroon ang Lalawigan ng El Abrazos, napili kong gawing basehan ang kalahati ng Lalawigan ng Quezon, sa timog bahagi, bilang maging mapa ng El Abrazos; walang pagkakaakibat ang lalawigang umiiral, sa tagpuang gawa-gawa ko lamang.

Ano ang kabuang aral ang natutuhan ko habang sinusulat ang salaysaying ito?

  - Natutuhan ko kung paano kumilala ng tao, paano saliksikin ang tao, paano makitungo sa tao. Ang mga nabanggit ay siyang dapat tinataglay nating lahat ngunit ang mga natutuhan ko mula rito sa akda'y parang naging karagdagan ko lamang.

  - Natutuhan ko ang wastong paggamit ng panghusga.

  - Ilahad mo naman ang sa iyo sa kahong ito:

Ano ang isang/mga aral na natutuhan ko sa ilalim ng mga mata ni Payhon Juno?

  - Lumaki si Payhon Juno na mas matimbang ang kaniyang malambot na pagdaramdam. Mayroon namang bahagi sa kaniya na matapang siya at iyon ay bibihira lamang sa kaniya. Iyong ang natutuhan ko mula sa kaniya habang siya'y aking hinuhubog dahil ako'y mayayamutin at mahina. Kumpara kay Payhon na magkaibang timbang ang dalawang katangian, ang sa akin naman ay pinagtimbang kong patas ang dalawang katangian na iyon.

  - Si Payhon ang salinwika ko—nang kaunti—ng buhay ko pag-ibig. Ako ay mahilig sa pansin ng lalaki kaya't 'tulad niya'y nakakalimutan kong siyasatin ang mga ginugusto ko dahilang ako'y masasaktan tulad niya at hindi pa matututo. Natutuhan ko kung paano pakitunguhan ang damdamin, ipinagtanto niya sa akin kung gaano pa ako natatangi't mas karapat-dapat sa isang natatanging lalaki.

  - Natutuhan ko mula kay Payhon at sa kaniyang mga kaibigan kung paano mahalin ang buhay, kung paano gamitin nang husto ang buhay.

  - Ilahad mo naman ang sa iyo sa kahong ito:

Ano ang isang/mga aral na natutuhan ko sa ilalim ng mga mata ni Ellias?

- Kay Ellias ko natutuhan kung paano manindigan sa mga pangako.

- Siya ang talinghaga ko ng aking galit. Iyong madali siyang magalit, ganoon din ako. Kaya habang sinusulat ko siya, paunti-unti ko ring natutuhan kung paano makisama sa galit, at paano kontrolin ang galit.

  - Ilahad mo naman ang sa iyo sa kahong ito:

  Ang puwestong ito ay para sa maikling biyograpiya ng mga pangunahing tauhan. (Mga sukat na napapalitan ay ayon sa taon na sila'y inilarawan; may mga tagpuang umiiral, mayroong kathang-isip lamang.)

Payhon Juno Gomez Casco
Araw at lugar ng kapanganakan: Setyembre 07, 1999, La Union
Kinalakihang bayan: Lungsod ng El Deseo, El Abrazos
Kasalukuyang bayan: Bayan ng Sol Dorado, El Abrazos
Timbang: 71 Kilogramo
Tangkad: 175 Sentimetro
Edukasyon: Kursong Agrikultura sa Pambansang Dalubhasaan ng El Deseo
Kulay: Kayumanggi, Kahel
Pagkain/inumin: Igado, Jollibee Chicken Joy, pandan samalamig
Libangan: Pagpipinta, kumain at magkape, mamasyal, magbasa at manood

Ellias Laud Manalo
Araw at lugar ng kapanganakan: Agosto 12, 1992, El Abrazos
Kinalakihang bayan: Bayan ng Corazon De Oro, El Abrazos
Kasalukuyang bayan: Lungsod ng El Deseo, El Abrazos
Timbang: 82 Kilogramo
Tangkad: 177 Sentimetro
Edukasyon: Kursong Kriminolohiya sa Pamantasan ng Estrella Del Sur
Kulay: Bughaw
Pagkain/inumin: Bibingka na pinagdalubhasaan ng kaniyang ina, sikwate, lamandagat
Libangan: Pagluluto, gym, bilyards, kalaruin si Sumy

  Mga talakaying patungkol sa akdang ito ay aking ililimbag sa aking Twitter Page, Bonny Ueryau, elsinapadas, sa anumang panahon!

  Mga talakaying patungkol sa akdang ito ay aking ililimbag sa aking Twitter Page, Bonny Ueryau, elsinapadas, sa anumang panahon!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bonny Ueryau, 2022

Mabayang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon