Kabanata 28: Hapunan ng Pagtanggap

7 2 0
                                    

NADATNAN KONG NAG-IISA si Ama sa aming bakuran na nagninilay-nilay sa ilalim ng itim ng gabi. Ang buhok niyang inilugay ay hinahangin na parang isang malambot na kurtina; hindi siya giniginaw katulad ko gayong suot niya'y kakaunting tela lamang. Natahan na siya pag-iyak mga ilang oras na ang nakalipas, ngunit alam kong siya'y nasa malalim pa ring kapighatian at matinding galit gawa ng kaniyang nalaman kamakailan.

Ako rin ay binabalot ng matinding pighati at nanggigitgit na galit ngunit hindi sila maipagsanib sa isa't isa kaya kahit ang kumalma ay hindi ko magawa-gawa. Iyon ang ibinilin sa akin ni Ellias bago niya ako iwanan kanina.

Hindi pinili ni Ama na samahan sina Lola at Tiyo Ransohan sa himpilan sa kapitolyo. Si Ate Estancia naman ang inatasang magbantay kay Anna na mapahanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil sa paghagulgol, dito'y rinig na rinig ang kaniyang tinig. Hindi ko na alam kung saan naparoon sina Rene at Adia at parang wala namang pakialam si Adia sa kaniyang ama—tauli niya'y hindi maihahalintulad noong dinakip si Tiya Raniag.

Gaganapin ang paglilitis ni Lagawe sa huling Biyernes ng Abril. May panahon pa upang makapaghanda si Ina bago siya umuwi rito, at kami rin ni Ellias ay mayroong panahon bago ako umamin sa kanilang dalawa, kina Ina at Ama.

Bumalik kay Ama, akin siyang nilapitan at saka tinanong, "Ama, nais mo ba ng kasama?"

"Hindi naman, Anak, ngunit halika rito nang ako'y magaanan."

"Kumusta ka na 'ho?"

"Wala pa mang kasagutan kung si Lagawe nga ang may sala, ikinagagalak kong paunti-unti na nating nahahalungkat ang mga posibilidad, salamat kay Ransohan," kaniyang salita. "Kaya medyo nagagaanan ako't nabibigyan ng pag-asa."

"Siyang tunay, Ama." Nginitian ko ang kalangitang tinuldukan ng hiyas. "Tiyak kong natutuwa si Kuya."

"Ipabatid mo kay Nayla ito at anyayahin natin siyang bisitahin ang Sol Dorado kapag nakarating na rito si Lilibeth."

Tumango ako, at ang winika, "Ama."

"Hmm?"

"Noong nabubuhay pa si Kuya Panongon, palagi na naming napagpaplanuhang gumawa kami ng hakbang upang pagbalikin kayo ni Ina sa pag-iibigan. Na kapag inyong nagawa, gagastusin daw namin ang aming mga ipon upang tayo'y magbakasyon sa Ehipto na pareho niyong pangarap noong kayo'y nasa ligawan pa lamang. Ama, wala na ba kayong pag-asa ni Ina na magkabalikan pa?"

Lumayo ang paningin ni Ama. Hindi ko alam kung sa buwan ba siya nakatingin o sa mga tala. Ang naging tugon niya, "Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gugustuhin ko talagang magkabalikan kami, ngunit mga matatanda na kami, Payhon. Katulad mo, mayroon na kaming mga sari-sariling desisyon na dapat hindi tinatanong. Ang pasiya ng Ina mo ay aking gagalangin gayon din ang aking pasiya, kaniyang gagalangin."

"Idarasal ko na lamang ang aming nais, Ama."

"Puhon," basbas ni Ama. "Ngayon ay matulog na tayo. May pasok ka pa bukas, hindi ba?"

"Mayroon po, Ama, ngunit kahit mauna na po kayo. Hindi pa naman ako inaantok."

Tumango na lamang si Ama bago niya umpisahang umusad papasok sa bahay.

"Pagpalain ka ng magandang panaginip, Ama," basbas ko.

Tumugon si Ama ng pasasalamat bago niya ako tuluyang iwanan na tinakasan ang tahanan. Hindi naman lubusang tinakasan dahil sa tindahan ng anak ni Lola Claridad ako naparoon na 'sandaang metro lamang ang layo mula sa aming bahay upang kitahin daw si Ellias kahit saglit lamang.

Kape lamang ang kaniyang binili at naubos na niya iyon. Nang maibalik niya ang tasa sa may-ari, ipinalayo ni Ellias ang aming puwesto. Nag-umpisa siya ng paksa na hindi ko aakalaing lalabas mula sa kaniya.

Mabayang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon