Kabanata 18: Sinong Makasarili

9 3 0
                                    

KAY BIGAT NG aking pakiramdam. Mabigat ang mainit na bagay na nasa ibabaw ng aking dibdib, mabigat ang mainit na bagay na nasa ibabaw ng aking mga hita, at kay init nang lubos sa kabuuan na para bang ako'y tinutusta sa isang hurno. Kay hirap buklatin ng mga mata kapag bagong gising ngunit kinaya ko't natukoy ang pabigat sa akin. Si Pulis Manalo, mahimbing sa kaniyang pagtulog habang dinadaganan ako.

Alas-diyes na pala kaya't ang init-init, basang-basa sa sariling pawis ko't pawis ni Pulis Manalo mula sa kaniyang mga balat na dumidikit din sa aking balat. Hubad ang kaniyang katawan at siya'y nasa peligrosong pagkakahiga. Tinulak ko siya nang marahan upang ilubay siya sa akin para ako'y makatayo. Nang buong katawan ko'y nagising, bumati sa ilong ko ang nakasusukang asim ng suka ni Pulis Manalo na kaniyang iniluwa kagabi sa sahig.

Hindi niya naman ako hinalikan kagabi na akala ko kong kaniyang gagawin ngunit mabuti na iyon dahil tinanggihan ko naman siya sapagkat siya'y lasing. 'Mag-ingat,' ang sabi ni Ina.

Inalog ko siya upang gisingin dahil hindi na kami maaaring magtagal pa rito o kung hindi'y sisingilin pa kami. Hindi naman siya mahirap bangunin, ngunit mahirap lang tanggihan ang kaniyang maladiyos na wangis kapag siya'y nagigising. Mas mainit pa sa impyerno ang tunog ng namamaos niyang huni. Kung narito sina May-May, Kisses, at Lusio, maaari nila siyang pagkabaliwan.

"Magandang umaga," pagbati niyang namamagaw. "Anong oras na?" Tinatanggihan niya ang sinag ng araw gamit ang kaniyang kaliwang palad.

"Alas-diyes na!" tugon ko. "Hindi ka na sana nagserbesa kagabi, tingnan mo tuloy, nahuli ka sa paggising!"

"Huwag ka nga! Sabay lang naman tayo nagising, nauna ka lang ng minuto kaysa sa akin," paglaban niya, siya'y naupo sa gilid ng kama't kinamot ang kaniyang parehong mata. "Mauna ka nang maligo, lilinisin ko lang itong mga kalat ko rito."

Walang tugon ay nagmadali ako kaagad sa palikuran, minadali ang pagligo't pagbihis kaya't pakiramdam ko paglabas ay hindi kaaya-aya ang aking wangis sa ngayong araw. Ang salubong naman sa akin ni Pulis Manalo ay malinis na silid, natiklop na mga kumot, mga unan na maayos, at siya, na siyang nagpapapawis sa sahig.

"Tapos na ako," aking pabatid sa kaniya.

"Alam ko..." Siya ay hinihingal. "Nakikita naman kita."

Hinayaan ko na lamang siya't ang aking ginawa'y naupo sa gilid ng aking higaan at aking niligpit ang itim kong napsak habang pinakikinggan ang kaniyang pag-igik. Mayamaya, tinawag niya ang pangalan ko't mayroong idinagdag:

"Payhon, maaari ka bang maupo sa pareho kong paa?"

Sinunod ko naman ang kaniyang nais. Naupo ako sa kaniyang talampakan na tinatalikuran siya habang siya'y nakahilata. Ginawa niya ang kaniyang ehersisyo. Angat, hilata, angat, hilata ang kaniyang pagdurusa. Nang siya'y umangat, naramdaman ko ang kaniyang mukha sa kanang bahagi ng aking ulo, partikular sa aking tainga. Bulong niya roon:

"Bakit ka nakatalikod sa akin, ha?" Nahilata siyang muli at umangat at muling bumulong, "Ano kinaiilangan mo riyan?" Nahilata na naman siya at pag-angat, "Humarap ka nga, tapangan mo ako."

Sa kaniyang nais, tumayo akong hinaharap siya. Kanan kong kilay ay nakatindig upang siya'y angasan. "Dami mong alam! Maligo ka na kaya, gusto ko nang umuwi sa El Deseo, hoy!"

"Hala! Hindi pa kaya ako tapos dito! Halika muna rito't tulungan mo ako!"

"Lolo mo!" bumalik ako sa aking inuupan at aking ipinagpatuloy ang pagliligpit sa aking napsak. "Nambabastos ka naman yata, eh! Katulad noong kagabi? Akala mo ba nakatatawa iyon?"

Tumayo si Pulis Manalo na masisilayang patlang na hinihingal, dibdib niya'y parang lobong hinihipan ng hangin saka hihigupin, paulit-ulit. Bago pa siya magsalita'y pinigilan siya ng aking teleponong bumatinting. Pangalan ni Lusio ang lumiliwanag sa balat ng aking aparato kaya akin iyong tinanggap.

Mabayang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon