(Kaye's POV)
Instant PE Class kami ngayon, absent kasi si Sir Oriel dahil may sakit, kaya kay Sir Stephen muna kami, imbes na vacant na eh! :3 Baka daw kasi magliwaliw lang kami sa school kaya isinama na kami sa klase ni Kuya, BUT! Nagmukha kaming bikini contest dahil sa itsura ng mga kasama ko, halos mag labasan na yung mga kuyukot at halos lumuwa na din yung mga papaya nila. Buti inaallow ng school yung ganitong suotan sa swimming class namin.
Section ko ba naman at section nila Hell ang magkasama today so nagpapa-bonggahan tuloy sila.
Yep, originally, sila Hell lang dapat ang may klase sa PE.
Speaking of Hell, ayorn, nasa kabilang side ng pool katapat ko,nakatingin nanaman ng masama sa akin.
Walanjo talaga to! Akala mo laging pasan ang mundo. Kagabi lang may pa-Heaven heaven pa siyang nalalaman. Tapos ngayon, balik na siya sa usual self niya. -_-
Tumingin ako kay Shana nung umahon na siya sa pool at naka-ngiwing naglalakad palapit sakin.
Inabutan ko siya ng tuwalya at nagtanong. "Oh, bakit ganyan nanaman itsura mo?"
Kinuha niya muna yung tuwalya at nagpunas ng basang buhok niya, saka nagtanong rin, "Swimsuit na ba talaga sayo yan Beshywap?"-halos ladlad na ladlad na din ang katawan ng babaita.
Pero in fairness, may ibubuga naman ang bestfriend ko.
"Eh ikaw? Swimsuit pa ba ng dalaga yan? Eh parang pangswimming nalang ng bata yan eh, pag sumabit ka ng konti, mahuhubuan ka na talaga. -_-"
Agad naman siyang nag flip ng hair.
"Sira! Swimsuit pa to! Tawag dito, pang-akit."- idinaan niya pa sa seductive voice kaya medyo nakakadiri.
"Ewan sayo, mag babanlaw muna ako sa shower room baka magsimula na yung lesson ni Ku--Sir Stephen."
"Tara samahan kita?"
"Hindi na. :) Saglit lang naman ako, enjoy yourself nalang muna."-Sabi ko sa kaniya at umalis na para magpunta sa shower room.
Naramdaman ko yung pagsunod ng malamig na tingin ni Hell pagdaan ko sa tapat niya, pero inignore ko nalang.
After kong magbanlaw sa shower room, nagpunas lang ako ng buhok para hindi gaanong basa, kasi hindi ko naman talaga balak lumublob sa pool dahil di naman ako marunong lumangoy. HAHAHA.
Susunod lang ako, ano mang iutos ni Kuya Stephen.
Napatili ako nung may humila sa akin sa gilid ng shower room, pero di na lumabas yung boses ko dahil tinakpan niya yung bibig ko.
Sisipain ko na dapat siya patalikod pero nagsalita siya. "Why are you wearing that kind of swimwear?"-Kunot-noong tanong ni Iceberg King, siya pala yung humila sa akin.
Umalis ako sa pagkakakulong ko sa braso niya, "So what? Di naman masyadong revealing ah? Look, halos tube na nga 'to eh, tas may maliit pang palda sa baba."
"Tube? You're body is exposed!"
Napatulala ako sa sinabi niya. This is the first time na nagreact siya sa sinuot ko.
Is this really my husband?
UwU
Napaka-caring niya ata today?
"Yieee, concern ka?"-pang aasar ko nung makabawi sa gulat.
"D-dream on Woman. You might just catch a cold and I might be infected if it happens. Change your outfit."
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Teen FictionA marriage of a hate-love relationship 💛