(Kaye's POV)
4 AM...
Sinadya ko talagang gumising ng maaga ngayon dahil may pre-natal check up kami ni Baby,
para kapag umalis ako, tulog pa silang lahat.Nag iwan lang ako ng note sa ref na maaga akong nag exercise at diretso pasok na din sa school mamaya.
--------------
Madilim-dilim pa sa labas dahil mag si-six am palang naman.
Pero kailangan ko na din kasing pumila ng maaga sa lying in para hindi ako abutan ng mahabang pila mamaya para sa mga buntis na mag papa check up din.
Sakto lang din kasi 11am pa naman ang klase namin ngayon, hindi naman siguro ako malilate.
-----------------
After kong mag pa check up, nalaman kong medyo malaki na din si Baby sa loob at may mga nafuform na din sa parte ng katawan niya. Nakakatuwa nga din kasi malakas yung heartbeat niya sa loob kaya payapa na din akong umalis ng clinic.
Buo na din ang desisyon ko na ipaalam na kay Hell ang tungkol kay Baby.
-------------------
12:00PM
School Cafeteria...
“KYAAAAAAHHHH! GIRLS YOU WOULDN'T BELIEVE IT!”-Sigaw ni Aya sa loob ng cafeteria.
“What?!”-Tanong naman ni Shana na isa na sa nakapalibot kay Aya na mukhang may dalang malaking chismis.
“SI PRINCE HELL! MAY KAHALIKAN NA GIRL DOWNSTAIRS! AND GUESS WHAT?! I THINK SHE'S THE GIRLFRIEND!!!!”-Sigaw ulit ni Aya
***CLANG***
Napatingin silang lahat sakin dahil naibagsak ko lang naman yung tinidor sa gitna ng katahimikan nila.
“H-hehe sorry, d-dumulas.”
Agad ko namang pinulot yung tinidor at niligpit yung kinakainan ko.
“WHAT DID YOU SAY?!”-Tanong ni Shana na halata sa mukha niya ang inis katulad din ng ibang babae.
Tumingin siya sakin ng may pag tataka, nag kibit-balikat naman ako.
Hindi ko naman kasi talaga alam.
Baka nadokleng lang si Aya kasi impossible namang gawin ni Hell yon.
“C'mon let's go! See for yourself.”-Aya
At sa isang iglap lang, nawala na ang lahat ng studyante sa cafeteria, tanging ako nalang ang naiwan sa loob pati yung mga crew.
Tumayo ako at binitbit ang bag sabay sunod sa kanila.
Sino ang humahalik sa asawa ko?? -_-
--------
Unti-unti akong sumiksik sa crowd na nasa harapan ko hanggang sa makita ko nga si Hell at ang magandang babae na tinutukoy nila, pero nakatalikod sakin yung babae kaya hindi ko makita yung mukha niya kaya di ko din alam kung maganda ba talaga.
At tama nga si Aya. They're kissing.
My husband is currently kissing another woman in front of me.
All of a sudden, para akong nahirapan bigla na huminga.
Ang sakit ng dibdib ko. Nakaka-suffocate.
“Where's that linta girl na umaaligid palagi kay Prince Hell?! Owww! You're here...”-Nakita ko ang unti-unting pag lapit sakin ng mga babaeng patay na patay kay Hell. “Now you see na ba kung san ka dapat lumugar? HAHAHA!”
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
JugendliteraturA marriage of a hate-love relationship 💛