Chapter 9: Time Bomb

3 2 0
                                    

(Kaye's POV)

  “Irita talaga yung babaeng yon!”-reklamo ni Shana na kanina pa nakabusangot habang nag so-scroll sa page ng Hellder Academy.

  “Sino nanaman friend? Nag aalburoto ka nanaman.”-Tanong ko habang nilalantakan naman yung sandwhich na binigay ni Kuya Stephen kaninang umaga.

  “Si Kera the worm?”-Taas na taas pa din yung kilay niya habang sinasabi niya yan.

Ipinakita niya pa yung isang post sa page about Kera and Hell na magkatabing gumagawa ng project habang nakakapit si Kera sa isang braso ni Hell.

Kung nasa anime siguro kami, baka may usok na yung ulo at tenga ni Shana.

  “Ano bang ginawa niya sayo?”

  “Sakin wala, pero kay Prince Hell meron! Magka-partner lang naman sila sa Science project pero kung umarte siya akala mo naman girlfriend.”

Kung alam mo lang frennywaps! Gustong-gusto ko na ding hilahin yung buhok niya. T3T

Hindi ko din maintindihan kung bakit naiirita akong makita yung post na yon. Ganto ba talaga pag asawa ka na? May karapatan naman siguro akong mainis. HAHAHA.

Etong Hell naman gustong-gusto pa ata na nangungunyapit sa kanya yung babaeng yon, di manlang inalis. Naging issue tuloy sa school. >3<

  “Aysows! Ayon lang naman pala. Hayaan mo na, hangga't hindi si Hell ang nag fifirst move dapat mapanatag ka.”

Tama yan Kaye, i-comfort mo din yung sarili mo. xD

  “Kung sabagay, kasi frenny babaha talaga ng dugo kapag nangyari yon, buti sana kung ikaw ulit yung kasama niya, pero frenny wala ba talagang something sa inyo? Nung nag kiss nga kayo under the rain, para akong nanonood ng live na K-drama! Ang lakas ng chemistry nyo Dzai! Nakalimutan ko ngang ako yung may pantasya kay Prince Hellix kasi gusto ko na kayong i-ship.”

“Ssssshhhh. Wag mo ng ipaalala yon, sandamakmak na pambubully natanggap ko non, remember? kinailangan kong i-cut yung part ng buhok ko na sinabitan nila ng bubble gum, nilocked pa nila ako sa CR, bwiset na mga hipon yon.”

“Ay oo Day! Sarap talagang pag sasampalin ng mga yon. Pero Best friend kung ikaw ang magugustuhan ni Prince Hellix, support ako! Kahit madurog ang puso ko. Huhuhu!”-umarte pa siyang nagpunas ng luha.

“Hahaha! Baliw ka talaga Sha.”

What if umamin na kaya ako sa kanya no? Best friend ko naman siya...

Tsaka baka lalong magalit siya pag matagal akong naglihim sa kanya.

Magsasalita na dapat ako nung may dumaang mga disciplinary committee sa school namin at nag mamadali silang pinapapasok lahat ng studyante sa loob ng building.

Sabay tunog ng school alarm namin kapag may emergency. At nagsalita yung announcer ng school.

“Attention Students. Stay Hidden, wherever you are right now, find a safe place, lock the door and the window. There's a gunman in the campus.”

Nagkatinginan pa kami ni Shana bago tumayo at nakisabay sa mga estudyanteng nagtatakbuhan at nag sisiksikan na sa pagpasok sa entrance ng building.

Break time kasi kaya halos nasa field kaming lahat para mag pahangin sa mga bench dito sa lilim ng puno.

“Attention Students. Stay Hidden, wherever you are right now, find a safe place, lock the door and the window. There's a gunman in the campus.”

Habang nag tatakbuhan kami maririnig mo din yung tilian ng mga estudyante, kasama na kami ni Shana.

Kung sino-sino na yung nakakabangga sakin, at kung sino-sino na din yung nababangga ko.

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon