(Kaye's POV)
“Minnnng. Halika na Dali, Kain ka na.”-tawag ko sa kuting na wala pa ring pangalan hanggang ngayon.
Hindi ko Alam kung saan siya nanggaling basta pag gising ko nalang nandito na siya sa kwarto at nag mi-meow.
“Put that annoying thing away from me or I will kill that!”
“Maka-pull that away naman to! Ang layo layo namin sayo.”
“2 meters away is not that far.”-nakasimangot niya pa ring sagot.
“Edi wow naman sa 2 meters mo---halika na nga dito Ming, lumayo na tayo sa masungit na tao baka mahawaan ka pa.”
“What did you just say? +_+”
“What did you just say?? Sungit!”-Kinuha ko na si Miming at lumabas na sa kwarto.
Medyo masakit ang ulo ko kaya gusto ko ring uminom ng malamig na tubig at maglagay ng yelo sa ulo.
Pagbaba sa kusina, kumuha na ako ng pagkain para kay Miming. Buti nalang may mga foods pa sa lamesa na hindi pa nalagay ni Daldalita sa ref.
“Señorita, nakakahika ang balahibo ng pusa. Bakit ninyo ipinasok sa loob ng bahay yan?”-Puna ni Daldalita na nakataas nanaman ang kilay sa akin.
“Ay, kawawa naman kasi kung sa labas lang siya, at saka hindi naman ako yung nag pasok neto sa loob.”
“Hindi ikaw yung nagpasok pero ikaw yung nagpapakain at may hawak. Hmf!”-Umikot yung mata niya at naglakad na palabas ng kusina.
Azaaar. Kung hindi lang ako mabait, baka matagal ng wala dito si Daldalita. xD
Well, hayaan na nga.
“Ming, sa labas ka muna ahh, ayaw ka nila sa loob ng bahay. Bibilhan kita ng lagayan mamaya.”
Pagtapos kumain ng pusa, kinuha ko na siya at iniakyat muna sa kwarto namin ni Hell, hindi ko naman siya pwedeng isama sa pag bili kasi baka di kami papasukin sa mall.
“Bibili muna ako ng lagayan niya, don ko siya ilalagay sa dirty kitchen para di niya kayo naaabala.”
Inilapag ko yung pusa sa lamesa malapit sa bintana.
“Ming, dito ka muna huh? Babalikan kita. :) Kawawa ka naman, maulan pa naman ngayon, baka magkasait ka at mamatay kung pababayaan lang kita sa labas.”-sinadya ko talagang lakasan yung boses ko para marinig ni Hell.
Sana maawa sayo Muning. Huhu! Cute cute mo pa naman.
Huminga siya ng malalim at nagsalita. “Y-you can let h-her stay h-here.”-Hindi ko lang masyadong narinig kasi sobrang hina ng boses niya.
“Ano? Salita ka ng salita jan, tapos ayaw mo naman iparinig.”
“I said you can let her stay here.”
Agad namang lumabas ang malaki kong ngiti at tumakbo payakap sa kaniya.
Naramdaman ko yung gulat niya, kasi kahit ako nagulat din naman sa ginawa ko.
“Ay, sorry, masyado akong na-excite, anyway salamat!”
“N-no it's fine with me.”-sagot niya naman na medyo awkward pa din.
Parang gusto ko tuloy sampalin yung sarili ko. Walanjo.
Umayos kami pareho ng upo sa kama. At para mabago yung atmosphere, nagtanong nalang ako kung paanong napunta yung pusa sa kwarto.
Namula naman siya bigla at sumagot.
“Don't tell me you don't remember anything?”
“Wala nga akong maalala kaya nga nag tatanong ako.”
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Novela JuvenilA marriage of a hate-love relationship 💛