Chapter 13: Yellow Bag

6 2 0
                                    

(Kaye's POV)

Masaya na naming nilalantakan yung lunch na ginawa ni Lola para sa amin ni Kuya Stephen, yung kay Hell kasi ako ang nag luto at nagprepare kaya di na siya ginawan ni Lola.

Nakichismis kami ni kuya nung biglang umingay yung mga estudyante, kasabay ng paghinto ng bus namin dahil huminto rin yung mga bus sa unahan.

Some of them parang naiihi na sa kilig.

Anong meron?

  "May madadaanan ba tayong shooting ng mga artista?"-Bulong ko kay Kuya.

Ngumiti muna siya ng nakakaloko bago sumagot.

  "Yung katabi mo mukhang artista."-bulong nya sabay tawa.

  "Luh? Ang yabang kuya. HAHAHA."

Tinaas-taas niya lang yung kilay niya habang tumatawa ng mahina. Ako naman sumubo nalang ng spam at rice.

  "OMG! Our Prince is comiiiinggggg!"-Tili ni Iszy, sabay pa kaming napalingon ni Kuya sa likod. Oh well, siya pala lumingon lang kasi kita niya na agad, ako tumayo pa para chumismis ulit sa loob naman ng bus namin.

Bakit kasi ang taas ng upuan ng bus? :3

  "Yeah! Is he coming to us?"-Aya, muse to ng section D kaya kilala ko, kaka-chismax syempre ng mahal kong kaibigan.

  "Nope. He's only coming to me."-Hirit naman ni Darlene. Muse naman ng section B.

Samin si Iszy ang muse eh. Well, kahit morena naman siya kakabog talaga yung ganda niya.

  "Tch. Dream on ladies! Hindi siya pupunta para sa inyo. I swear!"-Shana sabay bigay sakin ng makahulugang ngiti.

  "Just wow! You're so unlike you Shana, You're the president of our fansclub and yet you don't look excited knowing na pupunta siya here."-Hessed, muse naman ng Section C.

Bakit ba nag sama-sama sila dito sa bus namin? May pageant ba paglabas?

"Righty! Are you giving up na ba on our Prince? Since he doesn't make pansin of you?"-Halos umikot yung eyeballs ko sa pagkakarinig sa boses ni Diana, muse naman ng Section E.

  "Owgahd! Ang aarte! Paano bang natatagalan ni Shana tong' mga to. -_-"-bulong ko sabay kagat naman ng hotdog.

  "Hahaha! Chill young lady."-Kuya Stephen.

Di na ako sumagot at umirap nalang ulit, kahit wala naman akong iniirapan.

Para matapos na yung curiosity ko naglabas ako ng phone at tumingin sa page ng school.

Ang daming naka-live, pero sa iisang tao lang naman nakatutok....

Kay Hell, na naglalakad sa kalsada, kasunod ng mga bodyguards niya. Kung nasa anime siguro kami, makikita mo na yung itim na awrang nakasunod sa kanya. Yung itsura niya parang kakain ng buhay na tao any moment.

Pero sobrang napaka-eye catching ng yellow na bag ko sa kamay niya, bukod sa makinang dahil nasisilawan ng araw yung mga beads at glitters, puro flowers pa naman yon at may designed na cute bear.

Seriously? Di siya nahihiyang bitbitin yung bag ko? Hahaha!!

  "Pftttt!!! HAHAHA! He wanted to be cool with a bag like that?!"-Napatingin ako kay Kuya Stephen na namumula na sa kakatawa. Nag check na rin pala siya sa cellphone niya.

  "C-cute naman ahh. Hindi kasi agad lumalamig yung food sa lunch bag ko na yon eh."

  "Pftttt. HAHAHAHA!"-Hindi pa nakontento sa pagtawa si Kuya, in-on nya pa yung screen record ng cellphone niya to copy the live.

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon