(Shana's POV)
“Mag u-overtime ka nanaman ba? Tama na yan, ako ng mag liligpit ng mga to.”-Saway ko kay Kaye na ayaw pang mag bihis at umuwi.
10:00 pm na, baka hinahanap na siya nila Lola, lalo na ng asawa niya.
“Ano ka ba Besty, di naman mabigat na trabaho to. Tsaka mahaba yung tulog ko kanina. Nakakahiya na nga kayla Tita na ang laki ng binabayad sakin tapos ganito lang ginagawa ko araw-araw.”
“Sira. My Mom would love to help you lalo't need ni Baby ng mga pang ultrasound. Puro cards kasi kayo sa mga Hellder, talagang madedetect agad pag ginamit mo yung cards mo sa Ob-Gyne kasi recorded sa transactions mo.”
“Kaya nga eh, hayaan mo pag kaya ko na, babawi ako sa parents mo.”
“Walang problema yon Besty! Alam mo naman kung san kami nanggaling nila Mommy noon diba? Talagang nagsipag lang si Papa kaya kami nakaahon sa hirap.”
“Hayyy, siguro nga kung buhay pa si Papa, maganda na din ang buhay namin. Edi sana may Lolong aabutan si Baby :'(”
“H-huyyy, hala Best, don't cry. Sorry napaalala ko pa ata sayo si Tito Armando. :(”
Pinunasan niya naman yung luhang pumapatak sa mga mata niya at ngumiti sakin.
“No Shana, sadyang roller coaster lang talaga yung mga emotions ko ngayon, siguro naiiyak si Baby sa loob kaya ang bilis ko din umiyak xD”
“Oh nooo. Sorry baby, napa sad ko pa ata si Mommy mo.”-Gentle na pagkausap ko sa tiyan ni Kaye habang hinihimas ito ng marahan.
Sabi kasi nila dapat daw iparinig mo yung boses mo sa baby kapag nasa loob palang sila ng tiyan, kasi kapag nakalabas na sila at narinig nila ulit ang boses mo, makikilala ka kaagad nila.
Medyo may baby bump na si Kaye.
Konti nalang lalaki na ng tuluyan yung tiyan niya.
“Best, ayaw mo ba talagang sabihin pa kay Hellix yung about kay Baby? May baby bump ka na ohh. Konting panahon nalang, hindi mo na pwedeng itago si Baby.”
“I-im trying my best naman Besty, ahhhm, h-hindi ko palang alam kung kelan, I mean tumi-tyempo pa ako.”
Napabuntong-hininga nalang ako.
Ang hirap naman ng kalagayan ng best friend ko.
Buti nalang malapit na kaming grumaduate, kaya makakaiwas siya sa mga chismakers sa school. -_-
“Sige, basta anuman ang kailanganin nyo ni Baby, sabihan mo lang kami ni Mommy, we will do everything for the both of you, kung paanong tumutulong din kayo sa amin noon. Ngayon kami babawi sa inaanak ko.”
“Hahaha, ano ka ba Best, family tayo noon pa man, kaya yung naitulong namin sa inyo, di niyo kailangang suklian.”
“Edi ganto nalang, kung ano yung kailangan nyo ng little baby ko, sabihan mo lang ako, diba ganon pag Ninang? Pangalawang nanay kaya responsible din ako sa kanya. :)”
“Tch. Hahaha! Oo na kumare.”
Nag tatawanan pa kami ng biglang tumunog yung wind chimes na nasa pinto ng coffee shop namin, meaning may pumasok sa loob.
Teka? Di ko ba nalagay yung signboard na close na yung shop?
Tumayo ako at humarap sa bandang pinto.
“Sorry we're close---Prince Hellix? I mean H-Hellix!”
Nagkandautal na salita ko.
Bigla ding napahinto si Kaye sa pag pupunas ng lamesa at dahan-dahang lumingon kung nasaan si Hellix.
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Fiksi RemajaA marriage of a hate-love relationship 💛