Chapter 17: Fourth Day of Camp

7 2 0
                                    

(Kaye's POV)

Day 4...

  “Good morning Students! Today is the last day of your activities here in the campsite, tomorrow we will hold an awarding and also our Baguio escapade, are you all excited?!”

Agad namang napuno ng sigawan yung lambak dahil sa announcement ng facilitator. Syempre pati ako nakiki sigaw na din. XD

Minsan lang naman makapag-Baguio.

Buti nalang tumalab yung gamot namin ni Hell kasi pareho na kaming okay ngayon. Though, medyo wala pa rin akong ganang kumain ng marami, pero atleast nakakasama na ako sa mga camp activities.

  “In addition to that, we already total your scores from day 1 until yesterday, unfortunately, a lot of groups failed to do the task that's why kakaunti nalang kayo ngayon. We scattered those group na din na kaunti nalang ang natira.”

Tama sya. Kakaunting grupo nalang kami kasi mula Day 2 hanggang kahapon may mga grupong umaayaw na. Siguro ngayon, nasa mga hotel na sila at nag papakasaya na.

Habang nakikinig sa sinasabi ng facilitator sa harap, naramdaman ko nalang bigla yung pagpatong ng makapal na jacket sa balikat ko.

  “You left this.”---Sabi ni Hell. “It's 5:00am in the morning. Malamig.” Dugtong pa niya tsaka bumalik sa tabi ni Dionivic.

Sinundan ko naman siya ng tingin at nag pasalamat ng mahina. Pero mukhang di niya na narinig kasi nag-focus na siya ulit sa harap.

  “Uyyy, namumula si Kaye”-pang-aalaska ni Rey na nasa gilid ko.

  “Issue ka. May sakit ako kahapon kaya ganyan yan.”-Bulong ko na ikinatawa naman niya.

Hindi na kami muling nakapag usap ni Rey dahil pinalapit na kami sa harapan at pinabunot ng papel para sa last activity na gagawin namin.

  “Okay everybody! Do you have your papers already?”-tanong ng facilitator.

And we answered “Yes” in unison.

  “Okay sige, now unfold the paper in your hands and see what's the number written on  it.”

Agad ko namang binuksan yung papel ko.

Number 5 ako.

  “Who got number 1?”-tanong ni Ma'am Abby.

Nag taas naman ng kamay si Shana at Eddie.

Ang babae, nag ningning ang mga mata, aba malamang, grupo ko ang pangarap niyang kabilangan dahil puro heartthrob. Tapos ngayon si Eddie pa nakasama niya eh di din naman maipagkakailang gwapo din yon'.

Sino kaya kapareho kong number?

  “Number 2?”

Si Hell naman ang nagtaas ng kamay at si Kera.

Kasabay non ang pagbubulungan ng mga kaklase at ka-schoolmates ko.

Well, hindi na din nakapag tataka dahil top 1 and Top 2 ng buong academy lang naman ang magkasama ngayon.

Sayang, kala ko si Hell na yung makakasama ko. :(

Oh wait! Did I just say sayang? What for?! Anong ini-expect mo Kaye?! -_-

Agad kong iniling yung ulo ko para burahin sa isip ko si Hell, nag kasakit lang ako nagkaganito na ako----Ay oo nga, baka may sakit pa ako kaya ganito yung pakiramdam ko...

Tama Kaye! Nothing more nothing less!!

Para di na mag isip pa ng kung ano-ano, nag focus na ulit ako sa harapan.Nag tawag pa ng numbers si Ma'am Abby hanggang sa number ko na yung tinawag, kasabay ng pagtaas ko ng kamay ay ang pag taas din ng kamay ni Cedrick.

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon