(Kaye's POV)
2 weeks later....
Isang classical na tunog ang sumalubong samin habang papasok kami sa loob ng Hall kung san ginaganap ang graduation Ball namin.
May mga table naman ng naka set para samin kaya after naming mag pa picture sa red carpet ay agad na din akong inaya ni Shana na maupo.
Lahat sila may mga partner na pumasok sa loob ng hall.
Si Hell ang kasama niya sa Red Carpet kanina ay si Venus.
Which is naiintindihan ko din naman kasi magugulat naman siguro ang buong school kung ako ang kapartner niya diba?
Pero syempre, di ko pa din naman maiwasang mainis ng very light kasi ako yung asawa ni Hell tapos iba yung nakahawak sa mga braso niya.
Hindi ko na din alam kung anong lagay nilang dalawa sa bahay ngayon kasi inoff ko muna ang phone ko.
Ngayon lang din ako nagpakita kela Shana.
Kasi mahigpit ang attendance sa graduation ball. Ayoko mang mag pakita pa sa kanila, pero baka di pa ako grumaduate dahil lang doon.
------
I am now staying in our old house, nag paalam na muna ako kay Lola na hindi muna ako uuwi sa mga Hellder kasi ayokong mag hinala si Venus.
Everyone's health matters, after all wala namang kasalanan si Venus.
Sadyang umasa lang siya ng sobra sa naging laro nila noon at nakikita ko namang totoong mahal niya si Hell.
Hindi ko naman gustong mag lapit silang dalawa, totoong naiirita ako, pero wala akong magawa kasi may sakit yung tao, laban palang sa cancer sobrang hirap na, tapos mag kakaroon pa siya ng emotional stress because of me? Na-uh!
Ganon din naman si Hell, wala naman siyang kasalanan sa nangyari dahil pinag bilinan lang siya ni Papa tungkol sakin, tumupad lang siya sa gustong mangyari ni Papa kaya nag pakasal kami at naging kababata naman siya ni Venus noon. Alam ko namang naiipit din siya sa sitwasyon namin ngayon, kaya mas pinili ko nalang lumayo, kesa naman makadagdag pa sa isipin ni Hell.
---
So ayon na nga, may mga umaya din naman sakin before na sila na lang ang maging date ko para sa gabing to', pero hindi ko na tinanggap kasi bukod sa may asawa na ako, may anak pa ako, kaya nga din medyo pa-balloon gown yung pinili namin ni Shana para kahit papaano matakpan pa si Baby, medyo kita na din kasi talaga yung baby bump ko.
“Sige na Sha, maki join ka na doon, dito nalang ako sa gilid, nakakahilo kasi yung disco lights.”
“Hindi Best dito lang ako, samahan kita hanggang pag uwi.”
“Sure ka?”
“Oo naman! Sure na sure.”
----
Meanwhile...
“BEST ANO? OKAY KA PA JAN??!”-Sigaw ni Shana sakin, halos di na din kasi kami mag karinigan dahil sa lakas ng tugtog.
Inirapan ko lang siya ng mata at nag sip na ulit sa juice na hawak ko.
Sasamahan daw hanggang pag uwi pero halos 2 hours ng nakikipag sayawan sa gitna ng dance floor. -_-
“HAHAHAHA! SORRY NA KAYE! MABENTA YUNG KAGANDAHAN NG BEST FRIEND MO TONIGHT! MALAY MO MAY MASUNGKIT NA AKONG FAFA BAGO MANLANG TAYO GRUMADUATE!”
“BALIW! HAHA! SIGE NA! MAKIPAG SAYAW KA NA HANGGANG MAPUTULAN KA NG PAA!”
Nag flying kiss naman ang bruha at nakipag sayawan na ulit sa mga classmates namin.
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Fiksi RemajaA marriage of a hate-love relationship 💛