(Kaye's POV)
"Oh Apo gising ka na pala. Good morning:)"-bati sakin ni Lola Hera pagkababa ko sa kusina.
6:00 am palang pero nag aalmusal na sila ni Lolo.
"Good morning Lola, Good morning Lolo."-Bati ko din sa kanila.
"Sit down Iha, eat your breakfast---Daldalita, please give us another set of spoon and fork."-Lolo Howard.
Umupo ako sa pwesto ko at nagsandok na din ng pagkain.
"Where's Hellix?"-Tanong ni Lolo Howard.
"Tulog pa po si Helix Lo."
"Nako, mukhang napagod sa Baguio Tour nyo."-komento naman ni Lola Hera
"Kaya nga po La."-sagot ko naman sabay subo ng bacon.
"You rise up early today, anywhere to go??"-Lolo Howard
"Yes. She's coming with me."-sabay-sabay naman kaming napalingon sa kararating lang na si Kuya Stephen, nakaayos na siya at ready to go na.
Pambihira! Ako maliligo palang! xD
"Good morning granny's, Good morning Kaye!"-bati niya kayla Lola at nagkiss sa matatanda, tinap naman niya ako sa balikat sabay upo sa tabi ko.
"Good morning Apo, san ang lakad niyong dalawa?"-Lola na nag abot na ng isa pang set ng plato't kutsara para kay Kuya.
"We'll go to art museum Lola. Dalawa kasi yung ticket ko galing sa board of director ng school, for every teacher. And since wala naman akong ibang dadalhin don, si Kaye nalang yung ininvite ko."
"Oh, I see. How about Hell? He's not coming with you two?"-Lolo Howard
"Ahhhhm hin---"
Agad akong pinutol ni Kuya sa pagsasalita.
"I only have 2 tickets Lo, he's not invited. Baka simangutan niya lang yung mga tao don. Hahaha!"
Agad namang tumawa ng malakas ang matatanda.
"You're so silly Apo. I can book another ticket for him naman kasi if you want?"-Pangungulit naman ni Lola.
"Nope Lola. We're good. Let him rest today. :)"-magalang na pag tanggi ni Kuya.
Sumuko naman na ang dalawang matanda sa pangungulit sa kanya at nag patuloy nalang sa pagkain.
----------
11:00 pm na natapos ang event.
Ang sakit na ng mga paa ko dahil sa heels na pinasuot sakin ni Kuya Stephen, kala ko naman kasi mag titingin-tingin lang kami sa mga arts nila yun pala magiging instant businessman meet up dahil sa dami ng mga kilalang business man na hindi na naka focus sa arts kundi sa mga businesses na nila.
Pa-bonggahan ganon.
Di naman kasi ako sanay magsuot ng matataas na sandals T____T
Buti nalang masasarap yung pagkain kaya hindi na ako lugi sa pag punta kahit wala akong kilala doon. xD
"Are you fine? Pulang-pula ka na. HAHA! Ladies drink lang yung sinerve sayo kanina ah."
"Kaya nga Kuya. Ang sarap pa naman, ang tatamis. Tapos alak pala. Huhu! Lagot ako kay Hell neto."
"Don't worry, If Hell scold you sabihan mo lang ako, akong bahala sayo."
Napatawa naman ako ng mahina.
"Hindi magagalit yun Kuya. Wala namang pakielam si Hell ano mang gawin ko."
"Pero asawa mo sya."
"Sa papel siguro ^_^' "
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Teen FictionA marriage of a hate-love relationship 💛