Chapter 22: What to do?

1 2 0
                                    

[Kaye's POV]

After 1 day, na-discharged na din ako.

Si Hell at Daldalita ang kasama ko sa paglabas ng hospital.

Gusto sanang mag sundo nila Lolo at Lola kasama si Tatay Ador kaya lang nagkaroon ng biglaang business trip si Lolo sa company kaya pinauna na namin ang trabaho, na-handle naman ni Hell lahat ng dapat gawin sa hospital kaya maayos na din kaming nakauwi ng bahay.

   “Wanna eat something?”-Tanong ni Hell pag kahiga ko sa kama.

Ngumiti lang ako at umiling.

Gusto ko lang talagang mag tulog, sa hospital kasi labas-pasok ang mga nurses at doctor to check, kaya wala talagang maayos na pahinga.

Tsaka masakit pa talaga yung buong katawan ko dahil sa bugbog nila sakin.

Humarap na ako sa kabilang side ng kama opposite ng kay Hell at pumikit.

Sobra akong nagiguilty kapag tumitingin kay Hell, hindi ko masabi na magiging Daddy na sya.

Kasi natatakot ako sa magiging reaksyon nya.

Magagalit ba sya? Matutuwa? or what?

Kung sasabihin ko ba na buntis ako, maiisip na kaya nya yung dapat gawin namin?

Nung una kasi sabi nya wag munang isipin dahil wala pa naman, pero ngayong dumating na si Baby, ano ng mangyayari?

Ano ng mangyayari sa amin? :'(

--------------

[Shana's POV]

Hindi ko alam kung ako lang ba to? Or bakit parang may naiba kay Kaye mag mula ng naospital sya.

Ngayon sobrang ingat na nya, I mean hindi na tulad dati na grabe syang makipag harutan samin sa room, tas pabago bago pa ng mood, minsan naman bigla nalang iiyak dahil sa sarap ng pagkain niya.

Uwaaaaah! Baka may naalog sa utak ng Beshy koooo! T_______T

Naalala ko nanaman tuloy tong tatlong panget! Tch!

Akala kasi nila high-ranking sila eh, san sila nauwi? Edi sa pagiging expelled students. -_-

Ilang araw din kaming nahirapan sa pag hahanap ng evidence ah. Buti nalang may nakapag video sa nangyari at naisurrender agad sa School Director.

   “Sha, Gusto kong kumain ng white chocolate na ice cream T3T”

    “Hay nako! Ayan ka nanaman sa paglilihi mo pag may regla ka. San tayo hahanap ng ganon? Vanilla lang ang meron! -_-”

   “Ayoko -3- White chocolate ice cream lang pleaseeee.”

   “Punta kang Paris France, baka meron -_-”-Tumalikod na ako sa kanya after.

Mukha talaga tong pagkain! HAHAHA!

*Sob*

*Sob*

*Sob*

Napalingon naman ako ulit sa desk nya ng nanlalaki ang mga mata.

   “Huyyy! Parang sira to! HAHAHA! You're crying over an ice cream?! Buntis ka ba?! HAHAHAHA! HAHA! HA--- Buntis ka?”

Nalimutan kong kasal nga pala sya.

And don't tell me may naganap na talaga sa kanilang mag asawa?

   “Shaaaaaa. Uwaaaaaah. Di ko na matake T_____T”

    “Huyyyy, bakit ba iyak ka nalang ng iyak palagi, di ka naman ganyan noon!”

Inabot ko kaagad sa kanya yung panyo, buti nalang lunch break at nasa labas yung mga classmates namin, kami kasi ni Kaye dito na kumain sa loob ng classroom dahil may baon naman kami, iwas siksikan na din sa cafeteria.

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon