Chapter 18: Last day of Camp

4 2 0
                                    

[Kaye's POV]

Kakatapos lang ng awarding at kasalukuyan na kaming nasa loob ng bus.

As usual, Hell got the highest point, dahil pinakamataas ang points na nakuha ng team namin, plus sila din ni Kera ang may pinakamataas na score sa ribbon event.

Pangalawa lang kami ni Cedrick, then si Kera and so on.

    “Move.”-utos ni Hell na kakaakyat palang sa bus. Umusog naman ako sa bandang bintana mg bus.

   “Di'ba naka-kotse ka?” bulong ko sa kanya.

   “Am I not allowed to sit here? It's my place.”

   “Hehe. Wala naman akong sinabing bawal.”

Hindi naman na siya sumagot, sumandal nalang siya at pumikit. Ganon din ang ginawa ko.

Tutulog muna ako, mukhang malayo layo pa naman ang biyahe namin.

......

    “Kaye c'mon let's take a photo with this dog!”-Shana

    “Sha. Lahat na ata ng hayop dito sa Baguio na makita mo nag papapicture ka. -_- Kanina sa kabayo, tas sa kalabaw na dumaan, pati sa bakang nag papasuso pinakeelaman mo pa. Dati ka bang hayop? HAHAHA!”

Inismiran naman ako ni Shana.

    “Buset ka. hahaha! naku-cutan lang ako. Alam mo naman sa Manila, bihira ang may ganyan sa mga daan daan natin doon.”

    “Edi sana nag Manila Zoo nalang tayo para pati sa crocodile nakapag pa picture ka.”

     “Hahaha! badtrip ka talaga! Jan ka na nga, andito na si Eddie, sa kanya nalang ako sasama.”

     “Edi shoo shoo shoo! Mag sama kayo!”

Sabay pabiro ko syang tinulak papunta kay Eddie.

Tumawa lang silang pareho at iniwan na ako.

Andito kami ngayon sa Burnham Park. Sobrang sarap sa feeling ng hangin, ang lamig kahit mag tatanghaling tapat na. Napaka peaceful pa ng scenery. Hayy, sana araw araw na ganito yung nakikita ko.

    “Care to share the table?”-Kuya Stephen na may bitbit na dalawang baso ng strawberry taho.

   “Oo naman Ku-Sir.. Hehe. Sir, upo kayo. xD”

    “Ku-sir? HAHAHA! Pinapatawa mo nanaman ako Kaye...” ginulo niya nanaman ang buhok ko ng marahan at nag salita ulit “...Okay lang naman na kuya, wala namang studyante dito, busy sila sa pag babike doon sa kabila.”

    “Kahit na, mas maganda pa din ang sigurado.”

He just smile at inabot na sakin yung isang taho.

   “Wow! Thank You po! Hindi ko kasi to naabutan kanina nag hanap pa ako ng wallet sa bag, bibili sana ako kaya lang nakaalis na si Kuyang nag tataho.”

   “You're welcome! I thought about you nung bumibili ako, you love strawberries right? ^____^”

Tumango naman ako at humigop sa strawberry taho.

   “Hmmmm! Ang sarap kuyaaaa. Thank you ulit.”

Nag smile naman siya at sabay na kaming tumingin sa sky.

Unlike kahapon, maganda ang panahon ngayon, tirik ang araw pero malamig pa din ang paligid.

No wonder Summer Capital nga to' ng Philippines. :)

.........

Strawberry Farm na ang last naming pinuntahan, dun na din kami namili ng mga pasalubong.

Pang chapsuey ang binili ko tsaka syempre di mawawala ang strawberries, pechay Baguio, souvenirs at iba pang nakita kong kutkutin na pampasalubong kela Lola, binilhan ko na din ng mga crochet bag sila Daldalita, kahit naman palaging galit yun sakin inaasikaso pa din nila kami ni Hell.

Tsaka baka lalong umusok yung ilong niya kapag di ako bumili ng pasalubong para sa kanya eh. xD

--

3:30 pm, nagsimula na ulit kami ng biyahe pauwi. Delikado daw kasing maabutan ng hamog sa daan lalo't mga naka-bus kami, delikado pag nag zero visibility yung daan dahil sa mababang hamog.

Nakakalungkot man kasi tapos na yung 5 days camp namin sa Baguio, pero no choice ang mga beshy nyo.

Kailangan ng bumalik sa katotohanang mag aaral na ulit kami at mag babasa ng sandamakmak na libro.

Huhu.

Pwede pa bangmag extenddddd? T_T

----------

[Ponia Juana's Note: Hi Ponias! It's been a long time. 😁 Ngayon nalang ulit nakapag update. kamusta kayo? Well, me? I'm perfectly good. Maiksi muna yung update ko today, bawi ulit sa next chapter! :) Ingat palagi Loveyy! 💛]

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon