Chapter 10: Good Student

4 2 0
                                    

(Shana's POV)

2 weeks na magmula nung natapos yung attempted suicide ni Dylan, hindi na siya nakapasok ulit sa school. Ang balita ko mula kay Kaye, nag papagamot pa si Dylan sa psychologist, hindi din gaanong mabigat yung parusa sa kanya kahit drop out talaga yon, kaya lang kinonsider nalang ng board of school na out of emotional and physical  trauma yung dahilan kaya nagawa niya yon. Isa pa, binalikan nila yung school records ni Dylan, sobrang linis at ang tataas ng grades kaya pinagamot nalang muna siya bago bumalik sa school.

At mga Hellder na ang sumagot ng lahat ng expenses. Pag ako siguro kinasal kay Prince Hellix baka di na ako magtrabaho. xD

Pero balita ko din, na-expelled yung mga studyanteng nambubully at nangbubugbog sa kanya araw-araw.

Hah! Serves them right!

Umiikot nanaman yang eyeballs mo.”-Kaye na kararating lang ng classroom.

“Na-late ka ata ngayon bff fries?”-Tanong ko sa kanya.

Baka nagtataka na kayo kasi iba iba kami ni Kaye ng tawag sa isa't isa. :D Wala talaga kaming official callsign,kung ano lang mabanggit, yun na yon.

“Wala naman, nabubwiset lang ako sa mga bully, di nila alam na nakakasira na sila ng buhay.”

“Kaya nga eh, buti nalang naghigpit lalo yung Anti-Bullying department natin, para wala ng ako o Dylan na mahirapan pa.”

“Yun nga lang, di pa rin naaalis yung social rankings sa school.”-sagot ko sa kanya bago manalamin. Pag mayaman ka, top ka pa rin.

Maya-maya lang darating na si Prince Hellix, kailangan fresh pa din.

“Ganon talaga, mayayaman sila eh.”-Kaye na may kinakain nanamang lollipop.

Nagkukwentuhan pa kami ng biglang sumigaw si Ma'am Abby, pagpasok na pagpasok niya sa classroom, halos maibato ko naman yung salamin na hawak ko dahil sa gulat.

“OKAY! WHOSE EXCITED TO OUR SCHOOL CAMP?”

Sabay-sabay kaming nag “Wuuhooo!” dahil excited naman talaga kami, dapat 2 months after mag simula ng klase may camp na kami eh, kaya lang na-move dahil nirenovate yung buong camping site.

“Ma'am kailan?”-Excited na tanong ni Kaye.

“Pag tumaas na yung marka mo, lagi ka nalang bottom.”-Sagot ni Ma'am Abby sa kanya.

Nagtawanan naman ang buong klase, at syempre, may totoong kaibigan ba na hindi tatawa kapag nagaganito yung tropa nila? HAHAHA! Syempre wala!

“TAMA MA'AM! TAMA!”- Pag gatong ko.

“Che! Isa ka pa, .1 lang naman yung tinaas mo kay Kaye kaya siya naging bottom.”

Parang moodswing lang ng nag mimeno pause dahil biglang nabago at ako na yung pinag tatawanan ngayon at hindi na si Kaye.

“HAHAHA! Sabi ko nga po shut up nalang ako.”-sagot ko pa, na lalong ikinatawa ng mga walangya kong classmates.

“O sige ganto nalang, kapag mataas ang nakuhang grades ni Kaye ngayong end of 3rd grading, bibigyan ko kayo ng plus 10 directly sa card. Dalawang major subject ang hawak ko sa inyo at parehong plus 10 yun kaya paniguradong mahihila yung grades ninyo, malay niyo din malipat na kayo sa higher section next year.”-Nagsigawan naman kami sa tuwa dahil sa announcement ni Ma'am Abby, habang si Kaye naman, parang napagsakluban ng langit at lupa.

“But!!”-Nahinto kami sa pag sasaya dahil may karugtong pa pala.

“But if Kaye will be the bottom again, I will give you another exam to add your grades.”

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon