(Kaye's POV)
Day 2...
Tuyo, tinapa, kanin, itlog na maalat na may kamatis, tortang talong, saging, pakwan at adobong kangkong, fresh buko naman ang inumin namin meron na ding sawsawan na toyo with kalamansi at sili, tsaka sukang maanghang. Ayan ang mga pagkaing nakahain sa dahon ng saging para sa lunch namin, na sobraaaaaang nakapag lalaway na.
Huhu! Namissed ko to! Kela Lola kasi palaging pang sosyal ang ulam. T3T
Nakapalibot na kami sa dahon ng saging na mala-boodle fight ang style.
Kaninang umaga, nakain pa nila yung mga pagkain kasi mga hotdog, ham, itlog pa ang hinain, pero ngayon, lahat sila nakatingin na parang diring-diri sa pagkain. Wala na ring ibinigay na gamit like pinggan or kutsara at tinidor, magkakamay nalang kami.
“A-are you sure it's edible?”-Tanong ni Jhon na dahan-dahan pang itinuro yung mga pagkain.
“Oo naman! Ihahain ba nila yan kung hindi? ^_^”-Sagot ko sa kanya.
Atsaka ako nag hugas ng kamay.
“I'm a camper but we always brought food pack with us. These are not familiar to me.”-Cedrick
“I understand na ngayon palang kayo nakakita or makakakain ng ganito. Pero sure ako na mag eenjoy kayo sa mga pagkain na'to and boys, ang rules satin, once na nagbigay ng mission, kailangan nating sumunod lahat, kasi kung hindi, grades din naman natin ang mababawasan. Eating this food is one of our mission.”-Paalala ko sa kanila.
Bawas grades kasi pag may hindi kumain sa amin.
“B-but I didn't know how to eat this. Eto nalang ang akin.”-Rey sabay kuha ng pakwan.
Nagsikuha na din ng pakwan at saging ang iba pa, even Hell. Kawawa naman kanina pa sila nag rereklamong gutom na sila eh. Tapos ganito pa yung foods, hindi pa nila alam. Sakin ayos lang, kasi sanay ako sa ganto, pero sila hindi.
Pakagat na silang lahat sa pakwan nung tumayo ako at pinigilan sila, sabay-sabay naman silang napatingala sakin habang naka-nganga sa ere.
HAHAHA! Putek. Ang cu-cute. XD Bakit kasi walang camera?
“Boys, ginawa ang camp na'to para may matutunan tayo at para na rin sa bagong experience. Madaming Pilipino, ganito ang pagkain pero masaya pa din sila. I swear. I've been there. ^_^”
Pero nakatingin pa din sila at di manlang kumilos. Kaya umupo ulit ako at nag kuha na ng kanin mula sa gitna ng dahon ng saging at nilagay sa part ng dahon na kakainan ko. Kumuha rin ako ng tortang talong at isinawsaw sa toyo tsaka ipinatong sa kanin ko, sabay subo.
“Hmmmmmm. Ang sharaaaaaaaap!”-Nilakasan ko talaga yung pagkakasabi ko dahil halos lahat ng kasama ko sa camp, 'di rin nag sisikain.
Tsk tsk. Hirap talaga pag puro rich kid ang kasama.
Nakita ko naman yung sabay-sabay na paglunok ng mga kagrupo ko habang nakatitig sa pag-nguya ko.
Yan tama yan! Mainggit kayo. HAHAHA! XD
“I-I'm hungry. I really do.”-Neilcon na lalong naningkit yung mata dahil sa pag-iinarteng parang bata.
“Hahaha. Try mo kasi.”-Naglagay ulit ako ng ulam sa ibabaw ng kanin at iniumang sa kanya.
“Oh, masarap to promise! ^_^”-Masayang alok ko ulit sa kanya.
Hesitant pa siya nung una pero sinubo niya din yung ginawa ko.
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Teen FictionA marriage of a hate-love relationship 💛