(Shana's POV)
“HELLO WORLD TO KATE!!”-Sigaw ko sa kanya pagpasok ko ng classroom.
Pano ba naman kasi, keaga-aga nakabusangot ang mukha habang nakatingin sa kawalan. -_-
“Bakit nakasimangot ka naman? Lunes na lunes pero yung mukha mo parang Biyernes Santo.”
Inabot ko sa kanya yung isang can of coffee na binili ko sa cafeteria bago pumasok sa loob ng room.
“Hayy nako Besty, hindi mo gugustuhing malaman kung bakit nabubwiset ako ngayon.”
Inismiran ko siya tsaka ako nagsalita. “Nako naman Kate. Magtatanong ba ko kung hindi ko naman gustong malaman.”
“Wag na promise, masisira lang ang pangarap mo sa buhay.”
“Wala akong ibang pangarap kundi ang maikasal kay Prince Hell.”
“Yun nga ang problema----Anjan na si Ma'am, bumalik ka na sa pwesto mo.”-Umayos siya ng upo at nag labas na ng libro.
Bumalik na din ako sa pwesto ko at nag kunwari ng makikinig. Haha.
Hindi kasi talaga pang aral yung utak ko eh. Papagurin ko pa sarili ko eh maganda naman na ako.
Anong connect? HAHAHA!
.
.
.“Okay guys! I have an announcement.”-Pagsisimula ng teacher namin. “We will be having a camp after 2 months, so be prepared.”
Agad na nagka-ingay sa loob ng classroom, syempre isa na ako don. Akala mo matatalino na eh. Hahaha!
Buti nalang sobrang luwag ng Mommy at Daddy sakin, kaya kahit wala kong mauwing maayos na grades sa kanila mula toddler hindi pa ako natatakwil hanggang ngayon. XD
“Ma'am saan gaganapin!”-Sigaw ni Mycca, medyo friend din namin ni Kaye to kaya lang medyo hindi din, nerd kasi eh, di bagay sa section namin.
Late kasing nakapag enroll sa Hellder kaya sa last section napunta.
You know, nakikipagkaibigan kami sa abot lang ng capacity din ng utak namin. HAHAHA. Para di kami mag mumukhang bobo kapag may kwentuhan.
"It will be held in The Forest, one of the huge property din ng mga Hellder."
Sabay sabay kaming naglabas ng excitement sa katawan.
My gosssh! Kailangan ko na atang mamili ng madami-daming sunblock.
“Ma'am ilang days tayo don?”-Kent
“Ano pong activities?”-Whydzz
“Eh yung mga dadalhin po? Ano ano dapat Ma'am?”-Nichole
“SANDALEEEE! ANDAME NIYO NA AGAD TANONG, EH 2 MONTHS PA NAMAN BAGO MAG CAMP.”-Nagtawanan kaming lahat dahil sa malakas na sigaw ni Ma'am Abby.
“Yes Mr. Lawrence?”-Nakataas siya ng kamay kaya tinanong na siya ni Ma'am Abby.
“Ma'am pwedeng magsama ng chicks?”-Tanong ni Lawrence
Kaya nagtawanan na naman kaming lahat. Napaka babaero talaga, kala mo naman pogi, di niya gayahin si Prince Hellix ko, superstar pero di mayabang.
Bigla nanaman akong kinilig, naiimagine ko palang yung bebe ko parang gusto ko ng maihi sa excitement! Hihi!
“Enough! Sa susunod ko na sasabihin yung mga dapat niyong paghandaan, napaka excited niyo pag sa usapang gala pero pag sa studies tutulog-tulog kayo."-natatawang sabi ni Ma'am Abby.
Maririnig sa classroom ang pag "sigh" naming lahat nung ipinalabas na ni Ma'am yung mga libro namin.
Huhuhu! Aral na naman! T_T
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Teen FictionA marriage of a hate-love relationship 💛