Chapter 7: Istorbo

5 2 0
                                    

(Kaye's POV)

“Ba't ang dilim ng kabahayan ngayon? Nawalan daw ba ng kuryente?”-Tanong ko kay Hell, pareho kaming nakatayo na sa harap ng pinto, wala kasing kahit katiting na ilaw sa Mansion.

Nag shrug lang siya ng balikat.

Ang tanga ko mag tanong don. Malamang hindi niya rin alam dahil kanina pa kami magkasama sa school.

Inaayos namin pareho yung bathrobe na suot namin.

Oo, nag lagay na sya ng bathrobe sa sasakyan. Ganoon nga ata kami kasuki sa basaan. :D

Bukod sa mga panloob namin, wala na kaming ibang suot.

Oy oy oy!! Ang isip huh? Magkatalikuran kami nung nag tanggal kami ng mga basang damit sa kotse niya. Safe naman kasi yung windows ng kotse, hindi ka tanaw sa loob kapag nasa labas ka ng kotse.
.
.
.
.
.
Isa sa mga bodyguard niya ang nagbukas ng pinto.

Oo nga no? Ba't di namin naisip gawin yon? HAHAHA!

“CONGRATULATIONS!!!!!!”

“AHHHHHHH!”-Parehong sigaw namin ni Hell at nagkayakapan pa ng wala sa oras dahil sa gulat nung sinalubong kami ng malakas na sigawan sa loob, kasabay ng pag putok ng mga party popper at palakpakan ng mga tao.

Ang dilim dilim kasi ng kabahayan tapos biglang may paganon.

Susme naman! Wala akong sakit sa puso pero ngayon parang meron na. T_T

“Hoyyy, bawal gulatin ang buntis, ba't nag sabay sabay kayo ng pagbati---”-Napahinto sa pag sigaw si Lola Horra nung napansin niya yung suot namin. “Galing ba kayo ulit sa honeymoon at pareho pa kayong naka-bath robe?”

Inulan na naman kami ng kantyaw mula sa mga taong nasa harap namin ni Hell, mga naka pang Hawaii na damit sila Lola, ganun din ang mga bisita na karamihan ay ka-edad lang nila.

“Oo nga, we need to be cautious for my future great grandchild.”-Lolo Howard naman.

Ibinaba na ulit ako ni Hell, mula sa pagkakasampa ko sa kaniya kanina.

“Grandma, Grandpa, what are you doing??!”-Irritated na tanong niya sa mga matatanda na ang lawak lawak ng ngiti ngayon.

“Can't you see Apo? We are celebrating!”-Lolo Howard

“Celebrating for what?!”-Hell na kunot pa rin ang noo.

“Celebrating for our soonest little Apo sa tuhod!!!”-Lola Horra

Sabay sabay namang nag “Wuhoo!!” yung mga bisita at nag simula ng mag sayawan na parang hindi galit na Hell ang nasa harapan nila ngayon.

Feeling talaga nila nasa Hawaii sila? XD

“Haissssssst!!!”-Frustrated na react ni Hell at hinila na ako paakyat sa kwarto namin.

Buti nalang soundproof yung kwarto namin kaya hindi na namin naririnig yung maingay na party sa baba.

“They're gone crazy!”-Sigaw ni Hell sabay salampak ng upo sa kama at naglabas ng cellphone.

Agad naman akong umismid sa kanya.

“Yah! Beystus ka! Lolo't Lola pa rin natin sila, don't tell them that they're crazy.”

Na-shift yung masamang tingin niya sakin na kanina lang ay naka-focus sa phone niya.

Grrrrrr. Bigla akong nilamig. =d

“You are all crazy!”-Sigaw niya at pumasok na sa loob ng bathroom.

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon