(Kaye's POV)
Excited ang lahat habang sumasakay sa bus.
At kapag sinabi kong excited, parang sa ibang bansa ang punta namin dahil sa dami ng dalang bagahe.
5 days camp ang pupuntahan namin.
5 days kaming nasa bundok.
5 days kong di makakatabi ang aking asawang giliw. XD
Okay na pala kami ni Shana, di naman siya nagalit nung nalaman niya yung about sa amin ni Hell.
Yun nga lang, araw araw na siyang nangungulit kung may nangyari na ba sa amin.
Nasa kabilang part siya ng bus, pero Bus 6 din katulad ko, nag bunutan kasi ng numbers kanina kung sino ang magkakatabi sa bus, halo-halo kaming section, hindi yung usual na dapat magkaka-classmate ang nasa iisang bus, kaya lang ibang number ang nabunot ni Shana, swerte niya si Iszy ang katabi niya. One of our kabogerang classmate.
So di na awkward pag nagtabi sila dahil nasa iisang room naman kami palagi, tsaka bagay silang magtabi dahil pareho sila ng hilig... Make up -_-'
Akin kaya? Sino kayang katabi ko?
Dahil nag-aantay pa naman kami ng mga kasabay namin nag suot muna ako ng earphones.
At plinay ang Mic drop ng BTS. Medyo mahina lang naman kaya aware pa ako sa paligid.
Yeah, I'm an Army ^__________^
Kung sa local artist naman, fan ako ng SB19.
Na palaging sinasabihan na feeling K-Pop. Like duh?!!! May K-Pop bang nag susuot ng damit na inspired sa mga Pilipinong katutubo ang mga design ng damit?
Tsaka kaya halos parang pareho sila, dahil iisa sila ng genre. -_- P-Pop, K-Pop, J-Pop, T-Pop, C-Pop, ALMOST the same.
Palibhasa walang mga alam sa musika kaya puro pambabash lang ang alam... >_<
“Puso mo.”-Napaayos agad ako ng upo ng magsalita si Kuya Stephen.
“K-kuy----Sir, ikaw pala. Hehe.”-Umurong ako malapit sa bintana ng bus para makaupo si kuya.
“Yep! Si Hellix nalang ang inaantay sa bus na'to, He didn't know that you're his seatmate. So he ride on his own car.”
“M-meaning same kami ng nabunot na number? Ang alam ko kasi ayaw niya talaga ng gantong set up. Baka daw kung sino pa yung makatabi niya.”
“Uhum. That's why I'm sitting here in exchange of him.”
“Okay na yon kuya, kesa kung sinong maarteng studyante pa yung tumabi sakin.”-Bulong ko sa kanya.
Natawa naman ng mahina si Kuya. At sumandal na sa upuan niya tsaka pumikit. Nakipikit nalang din ako at nilakasan yung volume ng tugtog sa cellphone ko.
Sa kabilang side na tapat ng akin dapat si Kuya Stephen uupo, katabi siya ni Paches, kaya lang sa tabi ko na siya umupo.
Deep inside, nanghinayang pa rin ako, kasi kung si Hell na yung katabi ko, edi first time niya sanang nag bus kasama ako.
Ang arte arte naman kasi.
Nasa pinaka-unahang upuan kami ni Kuya sa bus 6. May limang bus pa sa unahan namin.
Sa pagkakaalam ko, based kay Shana, sila Hell ang nasa pinaka unahan ng mga bus kasama syempre ang sandamakmak niyang bodyguards na akala mo naman President siya ng Pilipinas. -_-
Ichat ko kaya? Hindi naman siguro masamang mag update sa kanya at mag sabi ng ingat.
Asawa naman niya ako. :D
BINABASA MO ANG
I am secretly married to a Campus Prince
Novela JuvenilA marriage of a hate-love relationship 💛