Chapter 21: A comforting hug from Hell.

6 2 2
                                    

[Kaye's POV]

3 weeks had passed. Mula ng may nangyari samin ni Hell.

Buti naman at di na naulit pa. Nakakaloka naman kasi ilang araw akong di mapakali.

So far wala naman akong nakita or naramdamang changes sa katawan ko bukod sa ilang araw na nanakit yung mga singit ko at para akong pika kung mag lakad.

So meaning safe kami nung gabing yon.

Hayy, thank God.

.
.
.

So here you are girl!

Napabangon naman ako sa pagkakahiga ko sa damuhan ng bigla akong buhusan ng malamig na juice ng noisy trios sa section nila Hell.

   “HOY ANO BA! ANO BANG GINAWA KO SA INYO?!”

   “Sa amin wala! Pero kay Queen Kera meron! Like duh! You always following our Prince Hellix! Para kang linta.”

Agad namang nag roll yung mga mata ko sa inis.

   “Una, di sya prinsipe, pangalawa di ako ang sunod ng sunod sa kanya, pangatlo wala kayong alam kaya manahimik kayo okay? Pagod na pagod na ako sa mga walang kwenta nyong pambubully! Dito na nga ako sa likod ng building pumwesto para matahimik yung mundo ko pero sunod pa din kayo ng sunod!”

   “Ah ganoooon! Girl! Let's do it now!”

Sunod-sunod na sampal ang naramdaman ko, sambunot at kalmot sa kung san sang parte ng katawan ko.

Pero di ko magawang lumaban, dahil sobrang hilong-hilo na yung pakiramdam ko.

Alog na alog na ata yung utak ko dahil sa mga to.

Narinig namin yung sigaw ni Shana sa pangalan ko. Kaya agad silang nagtatakbo palayo.

All of a sudden nakita ko nalang siya na tumatakbo palapit sakin.

   “OMG!!! Kaye! What happened! K-kaye! Heeeeelp! Pleaseeeee! Help us!”

Hindi ko na alam kung sino ang bumuhat sakin, basta ang alam ko nag dilim na lang ang paligid ko at wala na akong naiintindihan sa mga sunod na nangyari.

---------------------------

Nakakasilaw na liwanag ang nag pagising sakin.

Tumingin ako sa buong kapaligiran.

Nakasuot din ako ng hospital gown at may suero sa kamay.

Tsaka ko lang naalala ang dahilan kung bakit andito ako ngayon.

Bwiset na mga babaeng yon! -_-

   “You're awake Mrs. Hellder.”

Napalingon agad ako sa doctor na kakapasok lang.

   “M-mrs. Hellder?”-Pag kuconfirm ko, kasi Legazpi pa ang gamit ko sa lahat ng ID's ko eh.

   “Yep, Your husband rushed you to the hospital. He also gave us all of the information we needed. And one more thing...”-huminto sya sa pag sasalita at tiningnan yung chart na hawak nya.

   “A-ano po yun doc?”-Nakakakaba naman kasi, ang seryoso nya.

   “Are you aware that you are 3 weeks pregnant already? There's a sign of miscarriage ng dinala ka dito kanina, thankfully mahigpit ang kapit ni Baby.”

   “P-po?”-Parang may libo-libong sasakyan na bumundol sa dibdib ko.

    “Yes Mrs. Hellder. You are 3 weeks pregnant.”

   “Did my husband know? Or may iba pa po bang nakakaalam?”

   “No, I waited for you to wake up, dahil underage ka pa. I don't know if you want others to know, kaya hindi ko muna sinabi sa kanila yung results ng laboratories mo.”

Kahit papaano, nakahinga ako ng maayos.

    “T-thank You Doc, please do me a favor, wag nyo po munang sabihin sa iba yung pregnancy ko, even sa asawa ko.”

   “I respect your decision Mrs. Hellder. Kung wala ka ng questions, I'll go ahead. And oo nga pala, I forgot, your husband bought food for you downstairs kaya di mo sya naabutan pag gising. Halatang mahal na mahal ka ng asawa mo, hindi pa nga sya kumakain mula pa kaninang umaga pag dala nya sayo dito dahil sa pag aalala. You must keep him. :) I'll go ahead.”

   “Thanks Doctora. Ingat po. :)”

Paglabas nya ng kwarto.

Sunod-sunod na pumatak yung luhang kanina ko pa pinipigil.

Napahawak din ako sa tiyan ko, kahit wala pang sign ni Baby.

Nung sabihin ni Doc na buntis ako, akala ko negative yung mararamdaman ko, pero bakit sobrang saya ng puso ko??

Di ko ma-contain yung saya kahit alam kong dugo palang sya sa loob ng tiyan ko, pero bakit nakaramdam na ako ng sobrang pag mamahal para sa kanya? Ganito ba pag first time mom?

   “Uwaaaaah. Baby, sorry. Di ko alam na nag iexist ka na. Sorry kung natatakot si Mommy na dumating ka. Pero thank You kasi kumapit ka ng mahigpit kahit nasasaktan na si Mommy kanina. Uwaaaaaaaah!!! Baby, promise ko sayo mamahalin kita habang-buhay.”

Agad akong nag punas ng luha ng bumukas ulit ang pinto at nag mamadaling-pumasok si Hell sa loob.

   “W-why? what happened? How are you? Why are you crying? are you in pain?”-Puno ng pag-aalala yung mga mata nya na nakatingin sakin.

It is my first time seeing him in this kind of emotion

Pero kahit isa sa tanong niya ay wala akong sinagot.

Inilapit ko lang ang katawan ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit, Sa dami ng gusto kong sabihin, wala manlang lumabas sa bibig ko kundi mahihinang hikbi.

Unlike kanina, wala na syang sinabi ngayon, pero naramdaman ko yung pagyakap nya din sakin ng mahigpit at mahihinang pag tap sa likod ko.

This is all I needed right now...

A comforting hug from Hell.

----------

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon