Chapter 11: Last Will...

4 2 0
                                    

(Shana's POV)

Natapos ang klase namin ngayong araw na walang Kaye na dumating.

Nahihiwagaan na talaga ko sa best friend ko na yon, palagi nalang nawawala.

  “Ms. You need some help?”-ang pogi naman ng boses.

Di ko nga lang makita dahil natatakpan na nga halos ng mga regalo para kay Kaye yung daan ko.

Yes, sa hindi malamang dahilan, sobrang taas ng grades na nakuha ni Kaye sa summative test namin.

Kahit ako nagulat.

Impossibleng nangodigo siya eh, may CCTV yung room namin, tapos katabi pa siya ni Ma'am sa harap.

Tsaka never gagawin ni Kaye yon, mas pipiliin niya pang bumagsak kesa mandaya.

  “Ms.??”

  “A-ahhh, yes please.”

Nagkagulatan pa kami nung nalaman kong si Sir Stephen pala yung tumulong sakin.

  “S-Sir ikaw pala yan. H-hehe.”

  “Ow. Ms. Rameses. You have a lot of gifts huh? From your suitors?”

  “Haha. No Sir, para kay Kaye to.”

  “Kaye's suitor?”

  “Hindi din po. Hahaha. Regalo namin to sa kanya kasi mataas yung nakuha niyang grades, nailigtas niya yung buong section namin.”

  “Ahahaha! Nailigtas is the term. xD Well, the faculty teachers called her a Miracle because of what happened.”-I am totally mesmerized by his handsome laughters.

Medyo matagal na hindi ako nakasagot kaya nagsalita na siya ulit.

  “I know her address. I'll drop it off to her home since it's along the way naman.”

  “S-SAMA AKO!”-Nabigla ako nung naisigaw ko yan.

Miski rin naman si Sir nagulat.

  “S-sorry Sir. HAHAHA!”

  “Hahaha! No worries, go ahead. You're Kaye's best friend right?”

  “H-huh? ah o-opo.”

  “Sige.”

Gusto kong mag sisigaw sa mga oras na'to dahil isasakay ako ni Sir Stephen sa kotse niya.

Huhuhu! Kayeeeee! Thank You!

After naming ilagay sa backseat yung mga regalo para kay Kaye, ipinag bukas naman niya ako ng pinto sa passenger seat.

OMGGGGG. Ang gentleman.

Sorry Prince Hell, loyal ako sayo pero pwedeng kiligin sa pinsan mo kahit one day lang?

  You don't want to hop in?”-nabalik ako sa realidad at nalaman kong nakatayo pa pala kami pareho sa labas.

  “A-ay hahaha. S-sorry Sir Stephen.”-Pumasok na ako sa loob ng kotse. Hinarangan niya pa yung ulo ko just to make sure na hindi ako mauuntog sa bubong ng kotse.

Wala na. Wala na talaga.

Na-fall na yung puso ko sa iba.

Sorry Prince Hell. Isi-ship nalang kita kay Kaye.

Huhuhu. Pero ba't nagi-guilty ako na tatalikuran ko nalang basta si Prince Hell kung pwede namang dalawa sila right?

Tama, dalawa pa rin silang crush ko.

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon