EXO's Daughter - Chapter 18

4.4K 137 13
                                    

~ Hyemi ~

"Luhan hyung!" Rinig kong sigaw ni Chen appa.

Bakit naman kaya ang iingay nila? Tumingin ako sa alarm clock ko. Six o'clock na pala pero bakit ang aga nila magising? Usually naman tanghali na sila masyado magising.

"Chen, anu ba ang ingay nyo naman!"

"Bilis na kasi"

"Oo na!"

"Eto na nga db?"

Lumabas ako ng kwarto para alamin kung bakit maiingay ang mga appa ko.

"Good morning little princess!" Bati sa akin ni Lay appa.

"Good morning din po appa" sabi ko habang kinukusot ang mata ko. Dala-dala ko yung teddy bear ko. Inaantok pa kasi ako. "Anu po nangyayari appa?"

Ngunit bago pa makasagot si appa ay nakita kong papalapit sa amin si Baekhyun appa at Chanyeol appa na may dalang ewan di ko alam tawag nun eh.

"Good morning little princess!" Bati nila sa akin.

"Good morning din po , Anu po yan?" Turo ko dun sa dinadala nila. Syempre curious ako eh.

"Eto ba?" Tanung ni Chanyeol appa. Tumango naman ako.

"Video camera yan little princess" sagot naman sa akin ni Baekhyun appa.

"Anu po ang video camera?"

"Yung parang nirerecord yung bawat galaw mo tapos makikita mo sarili mo sa T.v"

"Talaga?"

"Halika magvideo tayong dalawa" aya sa akin ni Baekhyun appa. Syempre excited din akong makita sarili ko sa T.V.

Naks. Magiging artista na ko! :)

At nagpacute na kaming dalawa ni Baekhyun appa habang si Chanyeol appa ang may hawak ng video camera tapos ngiting-ngiti sa mga pinaggagawa namin ni Baekhyun appa.

"Hyemi, ipakilala mo sarili mo dali!" Sabi ni Chanyeol appa.

"Magandang araw po! Ako po si Lee Hyemi" nagbilang muna ako bago ko sinabi yung edad ko "one, two, three, four, five. FIVE years old na po ako" at nagpout.

"Sabihin mo ikaw yung baby namin!" Sabi ni Kai appa. Nang-aasar nanaman sya sa akin. Ganyan si Appa eh. Di na nga po ako baby.

"Appa! Di na nga po ako baby!! Big girl na po ako! Big girl." Sagot ko naman sa kanya at nagpout pa. Si appa naman kasi.

"Sinu nagsabi sayong big girl kana?" Si Kris appa tinanong ako bigla.

"Ako po." Turo ko sa sarili ko at nagpout ulit ako. Totoo naman kasi na big girl na ko eh db? Db? Db? Pero kasi sila appa hilig pa din tawagin akong baby.

"Bakit ka naman naging big girl?" Si Sehun appa nanaman.

"Eh kasi po kaya ko nang matulog mag-isa, kaya ko na po maligo mag-isa, di na po ako umiiyak, tska .." hmm. Anu pa ba ginagawa ng isang big girl. AHA! alam ko na! "Di na po maskit ipin ko!"

Kala nyo huh? Big girl n kaya ako! Hmp. :)

Tapos nag sitawanan sila. WAE? May nakakatawa ba?

"Alam mo Little princess kahit sabihin mo pang big girl kana, baby ka pa rin namin" ngiting sabi ni Tao appa.

"Eh kelan po ako magiging big girl sa inyo appa??" Curious kong tanung sa kanila.

"Pag pumuti na si Kai appa mo" sagot ni Chen appa. Tapos nagsitawanan silang lahat.

"HYUNG!" asar na sabi ni Kai appa tapos naghabulan silang dalawa tapos si Chanyeol appa naman ay vinivideohan sila. Nakakatuwa silang tingnan.

Ang saya ng pamilya ko. Medyo wierd pero keri na. Haha. Masaya naman eh, maalaga pa kaya lang medyo strict sila. Only girl daw nila ako eh.

"Appa's" tawag ko sa kanila. Nagsilingon naman sila sa akin.

"Wae?" Tanung nila sa akin.

Wala trip ko lang kayong tawagin De joke. Haha. May sasabihin lang ako.

"Ang swerte ko kasi kayo ang naging appa's ko, ang naging pamilya ko, isa lang hiningi ko pero sobra-sobra ang binigay sa akin.. kaya Salamat po mga appa ko! Mahal na mahal ko kayo!" Nagdradrama na ako dito. Umagang-umaga eh noh? Wala eh, ganyan ko sila kamahal.

Natahimik sila bigla sa sinabi ko. Di ko nalang namalayan na umiiyak na pala sila. Hala may mali ba sa sinabi ko?

"Tahan na po mga appa ko" pag-aalo ko sa kanila. Para kasing crying babies silang lahat eh., ang tatanda na pero mga iyakin.

"Mahal na mahal ka din namin baby" sabi ni Kyungsoo Appa sa akin at ngumiti.

"GROUP HUG!" Sigaw ko at naggroup hug kami.

Ganito ang umaga namin. Ganito kami. Ganito ang pamilya ko.

Masaya, maalaga at mahal namin ang isa't-isa.

EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon