~Luhan~
Lahat kami nanlaki ang mga mata ng makita ang katawan ng batang binibihisan ngayun ni Lay . Kung makikita mo sa mukha nito ay parang isang anghel habang natutulog pero hindi mo aakalain na may nangyayaring masama sa kanya.
Naaawa ako sa kanya..
At galit sa taong gumawa nito sa kanya ng ganyan.. mga walang awa para saktan nila ang isang batang walang kalaban-laban sa kanila.
Hindi nya dapat maranasan ang mga ganyang bagay napakabata pa nya..
"sh*t!" Narinig kong sabi ni Tao mahina pero madiin. Halatang naiinis. Sinu ba ang hindi maiinis sa makikita nila di ba?
"Tao!" Saway ko sa kanya. Curse word yun. Baka marinig ng bata.
"Bakit ganun hyung?!" Tanong ni Tao habang pinagmamasdan nito ang katawan ng bata. nakita ko sa mata nya ang inis at galit.
"Sinu bang gago ang gumawa nyan sa katawan nya? Halos puro pasa ang buong katawan!" Inis din na sabi ni Kai. hindi na siguro napigilan ang sobrang inis kaya ayan ..
"yung ibang pasa nya ay parang bago lang.." sabi ni Lay habang pinupunasan sya "habang yung iba naman ay medyo matagal na"
"hindi ko alam kung bakit kailangan sya saktan, pero bata lang yan at walang kalaban-laban sa kanila.." madiing sabi ni Kris. Teka parang nasabi yun ng isip ko kanina ah?
"Suho anu ba talaga ang nangyari?" Tanong ulit ni Xuimin habang tinitingnan si Suho na nakaupo lang sa gilid ng kama.
"hindi ko din alam .. basta nakita ko nalang sya kanina sa bus stop na basang basa at nanginginig sa lamig .. tapos ng lalapitan ko na sya ayan nawalan sya ng malay .." sabi nya.
"pero bakit puro pasa ang katawan ng bata?" Tanong ko naman sa kanya ..
Lahat kami ay naaawa sa bata na ngayun ay mahimbing na natutulog..
Sa musmus nyang katawan ay nagawang gawin yan ng isang demonyong tao. Hindi ko lubos maisip na may mga tao nga talaga sa mundo na mas masahol pa sa hayop ang ugali.
"Hindi ko din alam Luhan.." sabi nya.
"mabuti pang sa labas muna tayo at hayaan syang makapagpahinga" aya ni Kyungsoo sa amin.
Sumang'ayon naman kami, nag umpisa na sila magsilabasan pero bago pa man ako lumabas may sinabi muna ako.
"goodnight little princess" paalam ko sa kanya at lumabas na.
~Baekhyun~
"anung gagawin natin sa kanya?" Tanong ko sa kanila.
Andito kami ngayun sa sala at naka'upo habang— naka'upo lang po. At nang dahil sa tanung ko ay biglang napatingin silang lahat sa akin.
"oo nga hyung, panu na?" si Sehun yun at tiningnan si Suho. Tama Suho lang kasi POV ko naman 'to eh. Wag lang kayo magsumbong kay hyung yari ako.
"hindi ko din alam" kibet balikat na sabi ni Suho hyung.
"hintayin nalang natin sya magising" sabi ni Lay hyung.
"hyung kung dito nalang natin sya patirahin muna" suggestion naman ni Chanyeol
"panu naman yung fans natin?" tanung ulit ni Chen. "Don't get me wrong pero minsan kasi mga OA din sila eh"
"Oo nga! Baka mamaya mapagkamalan ko pang anak yun!"
"Teka nga bakit anak mo?"
"Bat di pwedeng sa amin?"
"Gwapo ako, cute yung bata natural sa akin ma'iissue yun"
"Anung tingin mo sa amin pangit?"
"Bakit diba?"
"Naku pigilang nyo ko!"
"Tama na yan" awat sa amin ni Kyungsoo. Syempre tigil naman kami kayo kaya mapalo ng sandok keri nyo?
Eto na, serious mode ulit...
"mas mabuti siguro kung sasabihin natin kay Manager hyung tska kay Lee Soo Man" suggestion ulit ni Luhan hyung.
"pakiramdam ko kasi na kailangan natin syang protektahan hyung at base sa nakita ko parang nahihirapan sya kung anu man ang pinagdadaanan nya hyung" sabi ko naman.
Tama naman eh, kung makikita nyo lang yung mga pasa at sugat nya sa katawan poprotektahan nyo rin sya."oo nga hyung .. nakakaawa sya, yung katawan nya sobrang hindi dapat maranasan yun ng isang batang katulad nya" sang-ayun naman ni Tao.
"pakikiusapan nalang natin sila manager hyung, cge na please hyung" pagmamakaawa ni Sehun kay Suho at Kris hyung.
Nagtinginan naman sila Kris at Suho hyung. Alam kasi nilang mahirap ang desisyon na gagawin namin. Gustohin man namin na kupkupin yung bata pero maaari rin itong ikapahamak ng career namin.
Nakita kong huminga ng malalim si Suho hyung. "pag-usapan nalang natin to bukas, ang sa ngayun magpahinga na tayo at may schedule pa tayo bukas" sabi Suho.
Tumango nalang kami at nagsipagpasok na sa sariling kwarto namin.
'wag kang mag-alala little princess we will protect you ..
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfiction"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...