~Luhan~
Andito kaming lahat ngayun naghihintay sa resulta ng check-up ng anak namin.
"Hyung, bat ang tagal naman ng doctor??" Nag-aalalang sabi ni Sehun.
"Maghintay lang tayo" mahinahon kong sabi sa kanya.
Lahat kami andito sa labas naghihintay. Yung iba naka-upo, yung iba naman nakatayo. Lahat naghihintay.
Alam ko naman na lahat kami ay sobrang nag-aalala para sa anak namin. Di namin kaya na makita si Hyemi na nahihirapan.
Sobrang napaka-importante nya at higit sa lahat mahal na mahal namin sya.
"Sana maging okay na yung anak natin" mahinang sambit ni Tao.
"Magiging okay din sya, Tiwala lang" sabi naman ni Kris. Kahit sa tingin nyo parang di sya nag-aalala pero ang totoo nyan sobra yang nag-aalala para sa anak namin.
Inispoiled nya kaya yun masyado. Ay mali, di lang pala sya ang nag iispoiled. Halos lahat pala kami.
"Excuse me, kayo po ba ang kamag-anak ni Lee, Hyemi?" Biglang sabi sa amin ng nurse.
"Oo kami nga po" sagot naman agad ni Suho.
"Pwede na po kayong pumasok sa loob" sabi nya sa amin at umalis na.
"Ang suplada naman ng nurse na yun kala mo naman ikinaganda nya yung eyeliner nya" mahinang sambit ni Baekhyun habang papasok na kami sa loob ng room ni Hyemi.
Andun siguro yung doctor naghihintay sa amin. Sana lang po maganda yung resulta.
Kahit kelan talaga tong si Baekhyun. Tsk. Napailing nalang ako. Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng biglang magtanung si Lay.
"Doc, kamusta po yung anak namin?"
"Lagnat lang naman pero checheck pa rin namin sya just to be sure na walang ibang dahilan ng lagnat nya just in case na tumaas ulit yung temperature nya, as for now she needs some rest dala na rin siguro sa pagod kaya sya nilagnat, but everything is fine" mahabang explanition ng doctor.
Lahat kami ay nakahinga ng maluwag dahil sa narinig namin. Salamat naman at lagnat lang.
"So, ibig sabihin doc lagnat lang talaga?" Curious kong tanong sa kanya. Syempre fatherly instinct. Db?
"Yup, lagnat lang masyadong mataas yung temperature nya dahilan ng pagnonose bleed nya"
"Kelan naman po sya makakalabas doc?" Si Chen yun kahit naman troll yun eh nag-aalala pa rin yun sa anak namin noh. Mahal nya kaya yun.
"If naging stable na yung temperature nya at walang ibang complications sa check-up ay pwede na bukas but I would suggest na maybe the other day para makapagpahinga muna sya."
"Ahh.. Thank you po doc." Pasalamat ni Suho hyung.
"No problem, sige aalis na ako" paalam ng doctor sa amin at palabas na. Nagpasalamat naman si Kyungsoo sa doctor.
Eto kami ngayun tinitinganan ang anak namin habang mahimbing na natutulog.
"Hyemi, anak magpagaling ka huh?"
"Andito lang sila appa babantayan ka"
"Magpagaling ka kaagad" hinalikan ni Kai yung noo ni Hyemi.
Maya-maya ay dumating sila manager hyung at ang iba pang staff ng SM. Lahat sila ay nag-aalala sa anak namin ng malaman ang balita. Pati rin ang production team ng hello baby ay andun.
Para silang nabunutan ng tinik ng marinig na lagnat lang yung sakit ni Hyemi at kailangan nyang mgapahinga.
Pinagalitan pa nga kami ni Manager hyung eh. Baka daw kasi masyado naming pinapagod si Hyemi kaya ganun.
Ngayun ko lang narealize na madami pala kaming nagmamahal sa kay Hyemi. Naging isang malaking pamilya kami ng dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfic"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...