Exo's Daughter - Chapter 34

2.9K 83 4
                                    

"Little princess.."malambing naming tawag sa kanya.

Lumingon sya sa amin, at ngumiti ng napakalambing, syempre ngumiti rin kami, anak namin yun eh.

Pero ..

Bigla syang tumakbo papalayo sa amin.. nung hahabulin na namin sya ay biglang di namin maigalaw ang katawan namin.

Parang pinipigilan kaming sundan ang anak namin .. Kahit anung pilit namin, ayaw pa rin, anu ba yan, nakakalayo na yung anak namin!

Nakakaasar na ah. Anu ba nangyayari sa katawan namin?

"HYEMI!!!" Sabay-sabay naming tawag sa kanya at pinipilit pa rin na igalaw ang katawan namin para sundan sya.

Mahirap pa naman, madilim baka kung san pa magpunta yun. Matatakutin pa naman yun.

"HINTAY, ANAK!!!" tawag ulit namin sa kanya. Huminto naman sya at tumingin sa amin.

Pero bakit ganun? Umiiyak sya. Natatakot ba sya kasi di kami sumunod sa kanya? Anu ba nangyayari?

"Anak, tahan na~ papunta na sila appa dyan.." may isang nagsabi sa amin pero di ko alam kong sinu.

Busy kasi kami sa pagpapagalaw ng katawan namin, ng bigla syang magsalita.

"Appa's~~, saranghae.." tapos tumakbo ulit sya. Papalayo sa amin .. Papalayo sa aming lahat ..

"HYEMI~!!!" Tawag namin sa kanya pero di sya lumingon patuloy pa rin sya sa pagtakbo.

Tinawag ulit namin sya pero hindi pa rin sya lumilingon sa amin. And to tell you honestly, it hurts. It hurts so much.

Masakit na nakikita namin syang umaalis sa amin, at heto kami walang magawa para sa anak namin.

Masakit na nakikita namin syang umiiyak pero ang mas masakit ay ang iwanan nya kami. Ang iwanan kami ..

"HYEMI!!!!!!"

~Chen~

Nagising ako bigla ng may maramdaman akong sampal. Ang sakit ng mukha ko. Grabe naman yung sumampal sa akin walang awa sa maganda kong mukha.

Makita ko lang kung sinu yun, sasapakin ko---

"Xuimin hyung.."sabi ko ng magpagtanto ko kong sinu. Ay sya pala, hehe. Joke lang pala yung sinabi ko kanina na mananapak ako.

Takot ko lang kayhyung oy~ nakakatakot pa naman kamay nun. Pero teka nga lang..

Bakit nasa tabi ko si hyung? Bakit andito sya sa higaan ko?

Biglang nanlaki ang mata ko ng may marealize. Hala baka pinagsasamantalahan ako ni hyung habang tulog.

OMG! Bakla si hyung!!! Kailangan ko tong sabihin sa ibang members!!! Kailangan nilang malalaman na berde ang dugo ni hyung!!!!!

Bigla naman akong binatokan ni umin hyung. Aray ko, sakit nun ah~

"Di ako bakla, Chen. Gago"

Paanu nya nalaman? Paanu nya nababasa yung utak ko? OMG! Baka may super powers sya.

"Wala akong powers"

Hala! Nalaman nya ulit!! Ang creepy na ni---

"Aray ko!! Masakit yun hyung ah!" Sabi ko habang hinihimas yung batok ko Bigla ba naman kasi akong batokan ULIT.

"Kung anu-ano kasi pumapasok dyan sa isip mo!" Naiiling nyang sabi sa akin tapos bumalik na sya sa higaan nya.

"Eh, bakit kasi andito ka sa higaan ko?"

"Nananaginip ka kasi kanina, tinatawag mo yung anak natin ng napakalas.. di ka kasi magising agad kaya sinampal na kita"

"Wow hyung, sampal talaga? Di kana naawa sa mukha kong gwapo"

Narinig ko sya napa-tsk. Bakit totoo namang gwapo ako ah. Tapos may sinabi syang di ko marinig.

"Anu yun hyung?"

"Wala, sabi ko matulog kana ulit."

"Ah, akala ko kasi meron pa"

"Wala, pero teka nga anu ba yung panaginip mo?"

Tapos ayun kwenento ko sa kanya lahat-lahat as in.

"Wag ka mag-alala, di mangyayari yun" sabi nya sa akin matapos ang kwento ko.

"Pero hyung, panu kong sign na yun? Paanu kong iiwan talaga tayo ni Hyemi? Paanu kong wala tayong magawa na mga appa nya? Hyung paano?"

"Chen, ang lahat ng panaginip ay hindi nagkakatotoo, tska labing-dalawa tayong mga appa nya na handang sya protektahan sa lahat ng ating makakaya kaya kong pwede, wag ka mag-isip ng kong anu-ano kasi alam mo mahal tayo ng anak natin kaya di nya tayo iiwan, at mahal din natin sya.mag-isip ka nga."

Bigla akong napatahimik. Tama naman si hyung eh, andito kaming lahat handa sya protektahan sa lahatng makakaya namin.

Tska, mahal nya kami kaya di nya kami iiwan.

"Tama ka hyung, dapat pala di ako nag-iisip ng ganun"

Walang may sumagot. Ay sus naman oh~ tinulugan ako ni hyung ang daya. Tsk. Nagmomoment pa nga ako eh. Iniwanan ako sa ere. Sus.

Makatulog na nga lang din ulit. Sana lang wala ng bad dream. Dapat good dreams na.

Hala cge, ipagpapahinga ko na tong gwapo kong mukha.

Matulog na rin kayo oy~ gabi na. Wag yung puro pictures ko yung tinitingnan nyo baka mamaya di kayo makatulog sa sobrang gwapo ko.

Goodnight~ ;)


EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon