~Suho~
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagpabili ng laruan si Hyemi at kung tatanungin nyo sa akin ang nangyari malamang sa malamang ay nagkagulo kami sa toy store.
Mabuti nalang kamo at nakalimutan nya nang ipabili sa amin yung sinasabi nyang malaking ibon na kumakanta, nagsasalita at nagsasayaw. Seriously? Saan ba makakakita nun?
G*gu kasi tong si Chen eh, trinoll ang bata.
"APPA!" narinig kong sigaw ni Hyemi mula sa living room nanonood kasi sya ng T.V habang kami ay buzy sakung anu man ang pinaggagawa.
"Yes baby?" Tanung ko sa kanya. Ako lang siguro ang nakarinig sa sigaw nya eh.. panu kasi mga buzy nga db?
"Sya yung sinasabi kong gusto kong laruan appa!" Galak nyang sabi habang tinuturo yung T.V. pumapalak pa at tumalon talon.
Agad naman akung napatingin sa tiniro nya. Nanlaki naman yung mata nang makita kung anu tinuturo nya. Ahh.. si yellow bird pala ng sesame street..
WHAT THE??! SI YELLOW BIRD!!
Sa dinami dami ng laruan bakit yun pa? Yan pang yellow bird na yan? No offense alam kung cute sya .. pero guys gusto ng anak namin na katulad nang nasa T.V yung gumagalaw.
Nakita ko pang tumakbo sya sa kwarto nya. Panigurado magpapalit ng damit yun. Magpapabili yun ng laruan.
CURSE YOU CHEN. Argh! Panu ko ba i'eexplain 'to sa kanya.
"CHEEEEN!!" tawag ko sa kanya. Alam nyo yung feeling na wala kang magawa sa gusto ng anak mo dahil sa hinayupak na troll na yun.
"Bakit hyung?" Inosenting tanung nya pa sa akin.
"May problema tayo, at ikaw ang dahilan" mahinahon kong sabi kahit sa isip ko ay gusto ko na syang tirisin.
"Bakit naman?" Sabad ni Luhan sa usapan. Anu ba naman ang mga to bigla biglang sumusulpot parang mga kabuti.
"Kasi nakita na ni Hyemi ang gusto nyang laruan at--" naputol yung sinabi ko dahil may biglang sumabad.
"Yun lang naman pala ee.. edi bilhan mo sya hyung" sabad ni Baekhyun. Patapusin nyo kaya muna ako pwede?
"Ang dali dali naman ng problema mo hyung" saad ba ni Chanyeol.
"Anung madali?! Sabihin nyo nga 'san kayo makakahanap ng katulad nyan!" Sabay turo ko sa T.V.
Ngunit bago pa sila makapagsalita nakita namin si Hyemi na hinahatak si Lay papuntang living room. Napa'facepalm nalang ako.
"Appa, bilisan mo dali .. tingnan mo yung gusto kong laruan .. yung pinapabili ko sa'yo .. Appa.." sabi nya habang hinahatak si Lay.
Halatang sobrang excited yung anak namin. Panu ba to i'eexplain sa kanya. Kasi naman .. Argh!
"Sya appa! Sya appa! Ang gusto kong laruan!!" Excited nyang sabi at tinuturo naman si Yellow bird na andun sa T.V. Tumatalon talon pa habang nakangiti ng ubod ng tamis.
Nakita ko ang mga reaction ng mga kasama ko. Parang nakakita ng multo. Oh anu kayo ngayuh? NGA-NGA tayong lahat.
Anu ba kasi nakita nya sa Yellow Bird na yan at gustong gusto nya magkaroon ng ganyan?
Di ba pwedeng Hello Kitty, Mickey Mouse, Doreamon, Pikachu o anu pa man, bakit kasi yan pa?
"S*it" mahinang sabi ni Kai pero sapat na upang marinig ko.
"Sinu ba kasi nagdala ng sesame street video dito sa dorm?" Tanung ni Kris pero walang may sumagot.
Isang malaking problema 'to.
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfiction"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...