~ Xuimin ~
On the way na kami ngayun papunta sa bahay namin. Matapos kasi ang comeback show ay dumiretdso na agad kaming umuwi. Wala na kasing ibang schedule.
Kung nagtatanong kayo kung bakit ang tahimik, wag na kayong magtaka. Badvibes kasi kami dahil dun sa batang yun.
Psh.
Self-proclaimed na boyfriend ng anak namin.
Tsk.
Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang magtanung si Chen. Ang tanung na lahat kami ay iniiwasang sagutin dahil sa natatakot kami.
Natatakot kaming harapin ang katotohanan.
"Hyung.. naisip nyo na ba panu kung kunin ng mga magulang nya si Hyemi.. ang totoo nyang mga magulang?" Seryosong tanung ni Chen.
Lahat kami ay napatingin sa kanya at base sa mga mata nila ay nakikita kong natatakot sila.
First time kong din nakitang ganun kaseryoso si Chen. Alam ko at alam nila na possibleng mangyari yun lalo na ngayun na makikita sa T.V si Hyemi.
Panu na ngalang kung kunin sya sa amin?
Panu nalang kung mawala sya sa amin?
Nakakatakot mang isipin pero alam naming lahat na hindi sya amin. Hindi sya namin pag mamay-ari na pwedeng angkinin lang dahil may mga magulang syang totoong nagmamay-ari sa kanya.
"Sa totoo lang, laging kong tinatanung sa sarili ko panu nalang kung mawala si Hyemi sa atin," sabi ni Lay habang nakatingin sa labas. "Iniisip ko palang nakakatakot na, panu nalamg kaya kung totoo na, alam nyo yung pakiramdam na natatakot kang mawala yung taong nagpapasaya sayo?" Huminga sya ng malalim at tiningnan kaming lahat "pero alam nyo ang lagi kong sagot sa sarili ko, di ko hahayaan na mangyari yun.. ipaglalaban ko sya .. dahil sya ang dahilan kung bakit ganito tayo ngayun.."
"Ipaglalaban natin sya dahil tayo ang mga magulang nya, tayo ang mga appa nyang laging magproprotekta sa kanya, mga magulang na mahal na mahal sya at handang gawin lahat para sa kanya.. hinding-hindi natin sya sasaktan" sabi ko sa kanila.
Totoo naman kasi kahit na hindi kami ang mga magulang nyang totoo ay pinaramdam namin sa kanya na hindi sya iba sa amin, na sya ang pinakaimportanteng bagay sa amin.
Lahat ay gagawin para sa kanya wag lang syang masaktan dahil alam namin na madami na syang pinag-daanan.
"Nangako tayo sa kanya at gagawin natin ang lahat para matupad lang yun dahil kung malaki man ang mawawala sya sa kanya, ay malaki din ang mawawala sa atin" sabi ni Kris habang nakatingin sa labas.
Kahit naman sinasabi ng mga fans na cold city guy sya pero pagdating kay Hyemi ay sya ang pinakamalambing at protective na tatay pagdating kay Hyemi.
Lahat kami ay nagbago simula ng dunating sya sa buhay namin. Hindi namin mamakaya kung mawawala sya amin.
Sila Tao, Chen at Luhan naman ay tahimik lang habang nakikinig sa amin pero alam ko na pare-pareho ang laman ng isip namin. Ang ipaglaban si Hyemi.
"Andito na tayo." Sabi ni manong driver..
Agad naman kaming bumaba, halos kasabay lang namin ang EXO-K na masayang nag-aasaran, pero kami ay tahimik lang at dretso sa paglalakad kahit na si Chen ay tahimik lang din.
Ewan ko ba medyo naging awkward yung atmosphere sa amin dahil dun sa napag-usapan namin kanina.
Haaay.
No one dares to talk.
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfic"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...