~Sehun~"Hoy Tao magluto ka pa nga ng popcorn dun!" Sabi ni Kai habang inuubos ang natitirang popcorn.
Nanonood kasi kami ngayun ng pororo. Kaming tatlo lang ang andito sa bahay sila hyung kasama si Hyemi andun may inaasikaso daw. Iniwan ako sa dalawang 'to.
"Bakit ako? Si Sehun nalang!" Turo naman sa akin ng eyebags na 'to. Seryoso kung makapanood. Tsk. Akala mo naman kagwapohan.
"Hoy! Bakit ako? Eh kayo nga umubos nyang popcorn eh!" Sumbat ko sa kanila. Totoo naman eh sila lang ang umubos di ng ako nakakain eh..... -__-
"Eto kasing si Kai kung makakain ng popcorn parang patay gutom" sumbat naman ni Tao habang tinuturo si Kai.
"Hoy! Anung patay gutom eh ikaw nga tong lamon ng lamon ng popcorn dyan!" Ayan nanaman sila. Magtatalo ng dahil lang sa popcorn.
"Anung lamon? Di nga ako nakakain ng madami eh!"
"Anung hindi! Eh andami kaya ng kinukuha mo!"
"Anung ako? Ikaw kaya!"
"Ikaw noh!"
"Ikaw nga!"
"Ikaw!"
"Ik---"
"Aish. Ako na nga lang!" Pinutol ko na pagtatalo nila kasi ang ingay na sobra. Masakit na sa tenga.
Kung hindi pa ako kikilos malamang mamaya pa yan sila matatapos. Tumayo na ako at dumiretso sa kusina.
"SALAMAT SEHUN!"
"ANG BAIT TALAGA NG MAKNAE NAMIN"
Rinig ko pang sigaw nila. Nagpoker face nalang ako at nagsimula nang magluto ng popcorn para sa dalawang yun. Mga tamad eh.
Narinig kong may nag doorbell. Siguro sila hyung na yun. Miss ko pa naman ang baby namin.
"Sinu?" Tanung ko sa kanila mula sa kusina. Pakiramdam ko kasi parang hindi naman sila hyung. Aish.
"Mga crew ng hello baby, maglalagay na daw sila ng camera sa dorm" sagot ni Kai sa akin.
"Ah. Cge." Sabi ko at pinagpatuloy ang paggawa ng popcorn.
Minutes passed.
"Oh ayan na ng popcorn nyo!" Sabi ko sa kanila at binigay na sa kanila ang popcorn.
"Akin na!" Ngiting sabi ni Tao.
"Hoy! Sa akin mo ibigay Sehun!" Ngunit bago pa maagaw ni Kai ay mas nauna sa kanya si Tao.
"Bleeeh! Naunahan kita.. hahaha" tawa ni Tao habang ngumunguya ng popcorn.
Kita mo 'tong dalawang 'to di man lang nagpasalamat. Uso magpasalamat mga dre. -__-
"Mamigay ka naman!"
"Ayaw! Sinabihan mo kung patay gutom kanina!"
Ayan nanaman sila ang ingay nanaman. Nag-aagawan pa kahit pareha namang kumakain. Tsk.
"TAO! bigyan mo ko"
"Ayaw ko nga!"
"Isa!"
"Dalawa!" Hindi pa rin pinansin ni Tao si Kai.
"Tatlo!" At nag-agawan na nga sila.
Dahil sa pag-aagawan nila ay biglang natapon ang popcorn sakto naman na bumukas ang pinto. Sila hyung dumating na.
Patay.
Napansin kong nanlaki ang mga mata nila nang makita ang kalat sa dorm. Ganun din ang dalawang nag-aagawan kanina.
Lagot. Lagot sila. -__-
Wala akong kinalaman dyan. Yang dalawa kasing yan ang kukulit.
"Anung nangyari dito?" Sabi ni Suho hyung.
"Eto kasing si Tao eh!" Turo ni Kai. Magsisihan nanaman yung dalawang 'to.
"Anung ako? Eh ikaw nga tong nakikipag-agawan ng popcorn sa akin eh"
"Ayaw mo kasi mamigay"
"Tama na yan." Rinig kong sabi ni Kris hyung."Linisin nyo nalang yang kalat nyo"
"Hyung naman!" Reklamo ni Kai.
"Kris-gege si Kai naman ang may kasalanan eh" turo ni Tao tapos nagpa cute pa. Yuck. Ang sagwa tingnan.
"Anung ako? Ikaw noh!"
"Ikaw nga sabi"
"Ikaw"
"Isa. Titigil kayo at maglilinis o hindi kakain?" Banta naman ni Kyungsoo hyung.
"Sabi nga namin titigil na kami at maglilinis" sabi nung dalawa at nagsikuha ng pang linis. Mabilis pa sa alas kwatro.
"Hyung si hyemi?" Tanung ko kay Luhan hyung ng mapansin na walang tumawag ng appa sa amin.
"Ayun, nasa kwarto. Tulog na, napagod yata"
"San ba kasi kayo galing?"
"Pinamili namin sya ng mga damit"
"Nagshopping kayo hyung? Di man lang ako pinasama" nakakatampo naman sila.
"Malamang kasi nga iniwan namin kayo" at ngumiti.
Napapoker face nalang ako. Yan tayo hyung eh. Maayos nagtatanong yung tao eh. Babasagin lang. Tsk.
"Oh!" Sabay abot sa akin ni hyung ng isang bag.
"Anu to hyung?"
"Edi tingnan mo."
Tiningnan ko naman at BOOM. MAY BOMBA. ay mali FIREWORKS pala. De joke lang. Masyado kayong seryoso. Bubble Tea po ang laman. Ang paborito ko. Di pala nakalimutan ni hyung ang paborito ko.
"Thanks hyung!" Masiglang sabi ko sa kanya. At yinakap ko sya. Ayee. Masaya na ako kahit di ako nakasama atleast may bubble tea na ako. Salamat kay hyung.
*click*
"ang sweet nyo naman! Pang teleserye lang ang peg" rinig kong sabi ni Chen hyung at napalingon sa kanya."Sehun, Luhan at ang bubble Tea" with ngiting nakakaloko. "Ganda ng title nyo!" Dun ko lang nakita na pinicturan nya pala kami.
"HYUNG!"
"CHEN!"
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfic"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...