"Suho!!!" Tawag ni Sunny isang member ng Girls Generation. Kasunod naman nya ang iba pang members.
Napalingon naman si Suho at nakitang hingal na hingal ang mga ito. Nakita nya sa mga ito ang pag-aalala.
Ang dami talagang nagmamahal para sa anak nila.
"Kamusta si Hyemi?" Agad na tanung ni Yuri ng makabawi ng hininga.
"Di pa lumalabas ang doctor mula sa operating room.." ang tipid ng sagot nya halatang nag-aalala para sa anak nila.
"Asan yung ibang members?" Nagtatakang tanong ni Seohyun ng mapansing wala ang iba at si Suho lang ang andun.
"Pinauwi ko muna sila .. pinagpalit ng damit, babalik rin naman agad yung mga yun.."
Tumango naman sila. Andun lang sila sa labas ng operating room naghihintay. Halos dalawang oras na pero hindi pa ring balita mula sa mga doctor.
Sa loob ng dalawang oras na yun ay madami nang naghihintay sa labas mga iba't-ibang gropo mula sa Kpop world. Aakalain mong may awarding ceremony dahil isa itong pambihirang pagkakataoon na sila ay natitipun-tipon lahat.
Pero andito silang lahat para sa iisang rason, para sa isang batang napamahal na sa kanila. Ang isang batang nagdala ng kasiyahan sa kanilang buhay.
May ibang naka upo sa gilid, may iba namang nakatayo. Bawat oras ay importante sa kanila. Bawat bukas ng operating room lahat ay titingin kong ang doctor na ba yung lumabas.
"Kumain muna tayong lahat" basag ng nag-iisang G-dragon na ngayun ay may dala dalang pagkain para sa kanilang lahat.
Kahit naman ay nahihiya dahil halos lahat ng andun ay juniors palang sa industriya. Nagpasalamat pa rin naman silang lahat sa kanya at nagsalo-salo sa pagkaing dala nya.
"Kumain ka muna .." aniya ni G-Dragon mula sa tabi ni Suho habang binibigyan ng pagkain. Napansin nya kasi itong hindi kumuha ng pagkain.
"Maraming Salamat sunbae.." kahit paano ay di pa rin nya nakakalimutan maging magalang sa mas beterano sa industriya.
"huwag mo na kong tawaging sunbae pakiramdam ko ang tanda ko na tuloy .." at tumawa sya at dahil dito napangiti rin naman sya kahit sandali.
Indeed, he is g-dragon.
"Wag ka mag-alala, alam ko, alam naming lahat na hindi tayo iiwan ni Hyemi .. kasi kung mahal natin sya mas mahal nya tayo at nangako syang hindi nya tayo iiwanan .." sabi nito kay Suho dahilan para mas lalo pang lumakas ang loob ni Suho at naniniwalang hindi sila iiwan ng anak nila.
Kahit pa may nangyaring masama, ay napangiti bigla si Suho ng pagmasdan nya ang paligid. Isang nakakatuwang eksena ang kanyang nakikita ngayon.
Mga bagong magkakaibigan ang nabuo, ang sarap kamong tingnan walang entertainment boundary, walang nag-iilangan halos lahat ay masayag nag-uusap.
Napangiti ulit sya, kasi kundi dahil sa anak nila, sa little princess nila, hindi ito mangyayari. Isa ngang kahanga-hangang pagkakataon ito para sa lahat.
Maraming Salamat, anak. Maraming salmat, kundi dahil sa iyo, kung hindi dahil sa pagmamahal nila para sayo ay hindi ito mangyayari.
Maraming salamat Hyemi.
Our little princess..
The little Angel of Kpop ..
~Lee Soo Man~
"What?!!"
Di maari to. Paanung nakatakas ang batang babaeng yun.
"How could this be happening?" Isang bata lang natakasan pa sila? Impossible. Tsk.
"Were doing our job sir, para mahanap ang suspect pati na rin ang kasabwat nila." I heard him say.
Tsk. Bakit parang may pakiramdam akong hindi sya mapagkakatiwalaang tao?
"You should." I told him at umalis na sa harapan ko.
This is not right. Nasa panganib pa ang buhay ni Hyemi.
We need to double the security around her. I can feel na may hindi magandang manyayari.
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfic"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...