~Lay~
Pagpasok na pagpasok pa lang namin ng bahay ramdam na agad namin ang lungkot. Ang pangungulila para sa anak namin.
Katahimikan ang sumalubong sa amin. Wala nang Hyemi na sasalubong, yayakapin at hahalikan kami para mawala ang pagod namin galing sa practice namin.
Sh*t. Ang hirap. Bawat sulok ng bahay nakikita ko sya. Nakikita ko ang anak namin. Ang sakit-sakit.
"Appa.. maglaro naman tayo!"
Kahit pigilan kong wag umiyak ay hindi ko mapigilan. Namimiss ko ang anak ko. Namimiss namin ang little princess namin.
Namimiss ko ang mga ngiti nya..
Namimiss ko ang paglalambing nya sa amin..
Namimiss ko syang asarin ..
Namimiss ko ang mga tawa nya ..
Namimiss ko ang lahat sa kanya ..
"Appa, mahal ko kayo .."
Naalala ko pa nung tinuturuan ko syang magpiano ..
"Appa, mahal mo naman ako diba? Di mo naman ako sasaktan tulad ng ginawa ng appa ko diba?"
"Oo naman baby, pangako di ka iiwan nila appa lagi ka naming proprotektahan.."
"Promise?"
"Promise."
Im sorry anak ..
Im sorry..
Im sorry kasi di ka namin nagawang protektahan ka sa oras na kailangan mo kami ..
Sa oras na kailangan mo ang tulong namin ng mga appa mo ..
Sorry kasi wala kaming nagawa..
"WAAAAAHHHH!!!!" Sigaw ni Baekhyun ngayun.
Eto nanaman, iyakan nanaman kami. Walang sawang iyakan. Parang di nauubusan ng luha 'tong mga mata namin.
Ramdam namin sa bawat isa ang sakit na nararamdaman at pangungulila sa anak namin. Para kami ngayung basag na pinggan na walang ibang makakabuo kundi ang anak namin.
Lahat kami ngayun ay wasak na wasak. Nawalan kami ng isang taong napakaimportante sa amin.
Isang taong nagbibigay ng kasiyahan sa amin. Ang taong nagbigay ng kulay sa buhay namin.
Ang taong pinadama sa amin kung paanu magmahal ng walang kapalit ..
Ang hirap ng ganito. Di ko alam kong makakaya ko, kung makakaya ba naming lahat.
Bakit pa kasi sya? Di nalang kami? Bakit???!!!
Ang isang batang musmus, at nagsisimula palang maramdaman ang totoong pagmamahal ..
Bakit sya pa?!!!
Ang hirap. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
~Mr. Soo~
"Maraming salamat pare.." sabi ko sa isang malapit kong kaibigan.
Hinatid nya dito sa bahay ang anak ko matapos ng insedenteng ginawa nito. Mabuti nalang at kumpare ko kaya naman madali kong nakuha si Jaehyun.
Manang-mana talaga tong anak ko sa akin. Magaling. Iniisip ko pa nga lang ginawa na ng anak ko.
Tsk. Isa talaga syang Soo.
"Walang anu man, buti nalang at ako ang incharge kung hindi diretso itong inaanak ko sa kulungan.." maaasahan ko talaga 'to sa oras na kinakailangan ko sya.
"Cge pare,ako ng bahala." Hinatid ko na sya sa labas ng bahay namin.
"Wag mo kakalimutan ang pinag-usapan natin.." ngumiti sya sa akin. Alam ko na ibig sabihin nya.
Isa lang naman eh, pera. Syempre yung makukuha kong pera mula sa SM Entertainment.
"Oo naman, ikaw pa ba."
"Cge pare, aasahan ko yan" paalam nya at umalis na rin.
Akala naman nya bibigyan ko talaga sya. Tsk. Mga uto-uto.
Bumalik na ko sa loob ng bahay para pag-usapan namin ang nangyari.
Di naman ako galit sa anak ko proud pa nga ako eh. Manang-mana talaga sa akin kung mag-isip.
Kung hindi makuha sa santong dasalan daanin sa santong paspasan.
"Appa."
"Di ako galit sayo." ngumiti ako. "Proud ako sayo dahil pinatunayan mong isa ka talagang Soo, anak nga talaga kita.."
At sabay kaming nagtawanan.
"Mabuti nga dun sa hampaslupang batang yun! Bat di mo nalang tinuluyan?!"
"Tsk. Dumating kasi sila ninong. Ipuputok ko pa sana eh."
"Sa susunod, wag ka ng magdalawang isip. Iputok mo na agad."
"Tsk. Wag ka mag-alala appa, binugbug ko muna yun bago binaril."
"Naks! Ang galing talaga ng anak ko!! Naka ilang putok kaba?"
"Tatlo sana kung di pa dumating yung sila ninong. Tsk. Kainis nga eh dapat pala sana pinagbabaril ko na, sa una palang."
"Asentado ba?"
"Oo appa, sinigurado kong mamatay sya sa dalawang putok na yun."
"Magaling. Tsk. Iniisip ko nga lang ginawa mo na. Anak talaga kita."
Ngumiti naman sya sa akin. Tsk.
Sana talaga matuluyan na yung batang yun. Salot yun sa mundo. Salot sa pamilya namin.
Walang magandang nagagawa sa buhay namin.
Puro problema ang dinadala.
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfiction"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...