"Anung ginagawa mo?" Tanong ni Mr. Soo habang tinitingnan ngayon ang asawa nyang kinukuha ang susi ng sasakyan nila.
"Kailangan kong sundan si Jaehyun, papatayin nya si Hyemi!" sagot nya dito at patakbong pinuntahan ang sasakyan nila.
Sinundan naman sya ngayun ni Mr.Soo na madilim ang aura nito. Sasakay na sana ang asawa nya pero bigla nya itong hinablot.
"Anu bang ginagawa mo?! Kailangan kong sundan si Jae!" Nagpupumiglas nyang sabi sa hawak ng kanyang asawa.
"Hindi mo sya susundan." Madiing sabi ni Mr. Soo sa kanyang asawa na pilit na nagpupumiglas sa kayang hawak.
"Nahihibang ka na ba?! Mapapahamak si Jaehyun!!" Pinipilit nya pa ring makawala pero wala itong silbi dahil mas malakas ito kesa sa kanya.
"Si Jaehyun o si Hyemi ang mapapahamak?!"
"Anu ba ibig mong sabihin?!"
"SI JAEHYUN BA TALAGA O SI HYEMI?!" sigaw nito sa kanya.
"AKALA MO BA HINDI KO ALAM?! AKALA MO NA HINDI KO MALALAMAN NA IKAW! IKAW ANG NAGDONATE NG DUGO DOON SA BASTARDA MONG ANAK?!!!!" Sabi nya rito dahilan upang mas lalong humigpit ang kanyang hawak rito.
Napatigil naman ang kanyang asawa at nakita nya ang pagkagulat sa mukha nito dahilan para mas lalo syang magalit para dito.
Traydor yan ngayon ang tingin ni Mr. Soo sa kanyang asawa. Isang traydor para sa binabalak nila ng anak nya.
"Anu ba!! Masakit na!! Bitawan mo ko!!”
"SABIHIN MO SA AKIN, TOTOO DIBA? DI BA?!" Madiin nitong sabi sa kanyang asawa at nanlisik ang mata sa sobrang galit.
Aakalain mo isang nakakatakot na nilalang ngayun ang kaharap ni Mrs. Soo. Bigla syang natakot sa kanyang asawa.
Hindi ito ang asawa nya. Hindi ito ang lalaking minahal nya. Napailing sya at halata sa mukha nya ang takot. Ang takot sa asawa nya.
"OO!!! DAHIL HINDI NA TAMA ANG GINAGAWA NYO NI JAEHYUN!!" bulyaw ni Mrs. Soo sa kanyang asawa.
Ngayon nya lang nakita kong gaano kasama ang asawa nya. Manang-mana nga sa kanyang ama si Jaehyun pareho silang hayop.
"TRAYDOR KA!!!” sinampal ng napakalakas ni Mr. Soo ang kanyang asawa dahilan para mapahiga ito kanyang kinatatayuan.
Hinablot ni Mr. Soo ang buhok ng kanyang asawa at walang awang kinaladkad ito sa loob ng bahay habang ito ay patuloy na nagpupumiglas na makaalis sa hawak nya.
Hindi pa nakontento at hinampas pa nya ito isang baseball bat. Duguan at puno ng sugat si Mrs. Soo ngayun, nakakaawang pagmasdan.
Hindi nya akalain na kaya itong gawin ng asawa nya sa kanya.
"Ta...mmmaa... Naa.." Pagmamakaawa nya rito. Wala na syang lakas para makapanlaban sa kanyang asawa.
"MAAWA? NAGPAPATAWA KA BA?!” tumawa ito ng mapakla habang pinagmamasdan ang asawa nya.
"KUNG HINDI MO LANG SANA PINILI YUNG ANAK MONG BASTARDA HINDI SANA MANGYAYARI YAN NGAYUN!!” asik nya rito. Bawat salitang binibitaw nya ay parang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ni Mrs. Soo.
Hindi pa sya makontento sa kalagayan ng asawa nya ay sinipa nya ulit ito sa tyan. Sinampal ng paulit-ulit ng sobrang napakalakas. Habang nahihirapan si Mrs. Soo ay tuwang-tuwa naman si Mr. Soo sa kanyang nakikita.
Tila ba mas natutuwa itong makita na duguan at nag-aagaw buhay ang kanyang asawa.
"Iti..gii..l n..y.*cough*..nyo.. n...a ni *cough* Jaa..eeeh..yun.. a..a..ng gi..na..ga..*cough*..wa ny..o"
"PUTANG INA MO!!! MAS PINILI MO PA TALAGA YUNG ANAK MO SA LABAS!!!" isang malutong ulit na sampal ang natanggap ni Mrs. Soo.
Hahampasin sana ulit ni Mr.Soo ang kanyang asawa ng biglang may tumawag sa kanya.
"HELLO? ANU?!!! OO SIGE PAPUNTA NA KO DYAN!" at walang lingon at deritsyong lumabas ng bahay. Mabilis pa sa alas kwatro at pinaharorot ang sasakyan.
Iniwan nya si Mrs. Soo na duguan at nag-aagaw buhay. Ngunit bago pa man ito mangyari ay may dapat syang gawin. Ang gawin ang nararapat.
Ang gawin ang dapat ay noon nya pa ginawa. Ang gawin ang tama para kay Hyemi, para sa kanyang anak.
Agad nyang kinuha sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at tinawagan nya ang isang taong alam nya ay makakatulong sa kanyang anak.
"Hello?"
"Pa..pata..yin ni..la si Hyemi.."
"Hello sinu 'to?"
”pap..pa..pun..ta na si..la dy..an pa...pata..yi..n ni..la s..i hye..mi.."
"Sinung sila?Anu ba sinasabi mo?"
"I..lig..ta..s ny..o s..i Hy..eee..mi"
"Huh? Anu?"
"Hello? hello?!!!”
Sana po panginoon, iligtas nyo ang anak ko yun nalang ang tangi kong magagawa para sa kanya. Patawarin nya sana ako sa mga mali kong nagawa at hindi ko sya nagawang ipagtanggol. Sana ay ingatan sya ng mga taong nagmamahal sa kanya ngayun..
Panalangin ni Mrs. Soo para sa kanyang anak, si Hyemi bago man sya tuluyang bawian ng buhay.
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfiction"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...