EXO's Daughter - Chapter 5

5.6K 166 5
                                    

~Hyemi~

"Kakain na tayo ng breakfast" tawag sa amin ni Kai habang nagnanonood kami nila Chen, Sehun at Tao ng Cartoons sa sala.

Yung iba kasi buzy sa mga gawain nila pero nung narinig nila si Kai agad agad na nagsipagtakbuhan sila papunta ng kusina.

Matatanda na ba talaga sila?

Bakit parang mga isip bata pa din?

"Hyemi ya~~ halika na kain na tayo!" masiglang na tawag sa akin ni Tao. Sana ganyan din ang appa ko. Sana ganyan sya kalambing.

"Ne!" lumapit ako at kumain na din. Ang ingay nila kung kumain. Lahat sila nakakatuwa, laging masaya di tulad ko.

Tahimik lang ako hanggang sa matapos kaming kumain, di pa rin ako nagsasalita. Pakiramdam ko kasi di ako nararapat dito. Masiyahin sila, samantalang ako malungkot magdadala lang ako ng problema.

"uuwi na po ako.." magalang na sabi ko sa kanila. Nasa living room kaming lahat nanonood lang.

Pero ang totoo nyan hindi talaga ako uuwi ayoko lang na mahawa sila sa kalungkutan ko. Tsaka sigurado naman ako pag umuwi ako di na ako tatanggapin nila appa.

"wae? ayaw mo ba sa amin?" tanung ni Sehun.

"A-ani.. pakiramdam ko kasi di ako pwede dito" malungkot kung sabi sa kanila at yumuko.

"Aw.. wag mo ngang sabihin yan little princess, you are welcome here" ngiting sabi ni Chen gwapo.

"Oo nga little princess.. dito ka nalang sa amin" pag sang'ayun ni Luhan.

"P-pwe-dde ba?" nagaalinlangan kung tanung sa kanila. Kinakabahan ako sa sagot nila.

"oo naman pwede! pwedeng-pwede!"masayang sabi ni Suho.

"Talaga!"napatayo ako buhat sa kinauupuan ko at masayang nagtatalon talon ng marinig ko ang sinabi ni Suho.

Ako na yata ang pinaka masayang tao sa mundo. Sobrang as in! di ko ma'explain ang nararamdaman ko ngayun!!

Eto na siguro yung pinakahihintay kong araw sa buhay ko! Thank you Lord! Pakiramdam ko talaga isa na akung ganap na bata, limang taong gulang na bata!

Di ko namalayan na sa sobrang tuwa ko ay napaiyak na ko. First time sa buong buhay ko naramdaman kung hindi ako nag-iisa na may nagmamahal sa akin.

"Maraming Salamat!" sabi ko at nag'formal bow sa kanila habang umiiyak. "Maraming Salamat talaga!

~Baekhyun~

Nakakatuwa naman ang batang 'to! Mula nung sinabi ni Suho hyung na pwede sya dito ayan di mawala ang ngiti sa mga mukha. Mukhang tuwang tuwa sya na dito titira sa amin.

Tiningnan ko yung iba, halata din naman na tuwang-tuwa sila kay Hyemi. Nabigla pa kami nung nag formal bow pa sya sa amin. Batang 'to talaga oh!

Kakaiba talaga tong batang to!

"Hyemi ya~ little princess.. bakit ka umiiyak?" malambing kong tanung sa kanya ng tumayo na sya.

"kasi ngayun lang ako nakaramdam na di pala ako nag-iisa may magmamahal pa pala sa akin" sabi nya habang nakayakap ako sa kanya.

"ahh~ andito lang naman kami Hyemi 'wag ka mag-alala" nakangiting wika ni Kris hyung. Pati itong cold city guy namin ay napalambot ang puso kay Hyemi.

"Hyemi ya~ ako ang laging magproproprekta sayo pag may nang aaway sayo, arasso?" sabi naman ni Tao.

"lagi ka naming bibilhan ng laruan na gusto mo, kaya wag kana umiyak huh?" sabi naman ni Xuimin hyung.

"ako naman ang magluluto ng pagkain para sa'yo little princess" malambing na wika ni Kyungsoo.

"Wag kana umiyak huh? lagi kitang bibilhan ng bubble tea" sabi ni Sehun.

"salamat sa inyo.. maraming salamat" tapos niyakap nya ko ng mahigpit na mahigpit.

"GROUP HUG!" yun lang at lahat kami ay nagyakapan.

EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon