~ Hyemi ~
"Eomma.." mahinang sambit ko habang nakatitig sa labas. Nakita ko kasi sila ni unnie na naglalakad at masayang-masaya.
Nakakainggit naman silang tingnan ..
Masaya sila. Siguro kasi wala nako sa buhay nila. Wala nang Hyemi na gugulo sa kanila. Napansin kong kasama din pala nila si Appa.
Wow! Anu kayang pakiramdam kung ganyan kasaya ang pamilya mo?
Halatang sobrang saya nila. Isang pamilya. Isang kompleto at masayang pamilya.
Tama kompleto. kasi ako? Bunga ako ng isang pagkakamali. Bunga ng isang kasalanan. Kung tutuusin nga sampid lang ako. Isang sampid sa kanilang kasiyahan.
Pero..
Naaalala nyo pa ba ako?
Masaya ba kayo ngayong wala nako sa buhay nyo?
Hindi ba talaga ako importante sa inyo?
Wala ba talaga kayong pakialam sa akin?
Hindi nyo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss ko na kayo.. kahit lagi nyo akong sinasaktan kayo pa rin ang pamilya ko.
Andito ako oh .. tinitingnan kayo sa malayo habang kayo ay masayang naglalakad.. habang ako andito hanggang tinggin lang sa inyo .. hanggang tinggin na lang.
Gusto ko sanang bumalik.. sana .. pero nakita kong masaya kayo na wala ako, siguro nga ako yung nagbibigay ng problema sa inyo.
Wag kayong mag-alala kong yun ang ikakasaya ninyo hindi na ako babalik kahit masakit man..
"Little princess" narinig kong sambit ng aking appa.
Tumingin ako sa kanya. Tumingin ako isa sa mga taong tinuturing ko na ngayung pamilya. Isa sa nagbigay sa akin ng kasiyahan at pagmamahal na hinahangad ko. Sana ay hindi sila magbago.
Hindi ko na napigilan at umiyak ako at biglang yumakap sa kanya. Ang sakit kasi .. sobrang sakit ..
Biruin nyo sarili nyong magulang hindi ka man lang hinanap bagkos ay masaya pa ng nawala ka sa buhay nila..
"Shh.. tahan na.." narinig ko pang sabi ni Lay appa.
Sa Sobrang sakit na nararamdaman ko ngayun. Hindi ko na alam kung kelan titigil ang pagpatak ng mga luha ko ..
~ Lay ~
Magkatabi kami ngayun ni Hyemi sa sasakyan kasama ang ibang EXO-M. Nasa isang sasakyan naman ang EXO-K at kung tatanungin nyo kung bakit kasama namin si Hyemi malamang nanalo kami.
Napansin kong sobrang tahimik ng anak namin habang nakatitig sa labas. Hindi ko alam kong anu ang tinitingnan nya pero pakiramdam ko para syang nasasaktan.
"Little princess.." malambing kong sambit sa kanya.
Lumingon sya sa akin at biglang yumakap ng mahigpit nagulat pako ng umiyak na sya. Parang ang bigat-bigat ng dinadala nya.
"Shh.. tahan na little princess" sabi ko pa sa kanya.
"Hyung.. nasaan na tayo?" tanong ni Tao. Nagulat pa sya ng makitang nakayakap sa akin si Hyemi. "Anu nangyari hyung?" Nag-alalang tanong nya.
"Huh? Bakit? Anu nangyari?" Gulat na tanong ni Luhan. Nagising siguro sa ingay ni Tao.
"Si Hyemi hyung umiiyak" sagot ni Tao.
Tumitig naman sa akin si Luhan tapos tiningnan si Hyemi. Nakita kong puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.
"Sinung umiiyak?" Narinig ko pang tanung ni Kris.
"Si Hyemi" tipid kong tugon. Nakatulog na pala yung namin.
"Bakit?" Saad naman ni Chen siguro dahil na rin sa mga ingay kaya nagising. Lahat ng mga mata'y nakatingin sa akin naghihintay ng kasagotan. Huminga muna ako ng malalim bago ko sila sinagot.
"Hindi ko alam, napansin ko kasi kanina sobra nyang tahimik tapos ng tawagin ko sya bigla nalang nya akong yinakap at umiyak" puno ng pag-aalala ang boses ko.
Alam ko naman lahat kami na andito ay nag-aalala sa kanya.
"Baka kasi may naalala sya.." sagot nama ni manager hyung halata rin naman na nag-aalala sya.
Lahat kami napatingin sa isa't-isa. Walang nagsasalita pero lahat ng mga mata namin ay natatanong kung anu ba talaga ang nangyari.
BINABASA MO ANG
EXO's Little Princess
Fanfiction"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko. "Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata. Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay...