EXO's Daughter - Chapter 11

5.7K 150 24
                                    

Practice Room

Sayaw dito, kanta dun yan ang ginagawa ng EXO sa practice room. Malamang anu pa ba ginagawa dun db?

~Kai~

"Ok water break muna tayo!" At last narinig ko din sinabi yun. Para kasing habang buhay na kami ng prapraktice eh..

Mag'cocomeback na kasi kami next week kaya mas pinapabuti pa namin ang practice namin. Lalo na sa akin at kay Lay hyung na encharge sa pagiging dancing machine sa gropo namin.

Lumapit sa akin si Hyemi. Yep, tama kayo ng iniisip kasama namin sya dito ngayun at kasama yung malaking Yellow bird nya. At kung tatanungin nyo kung gaano kalaki yung bird na 'yun ay naku mas doble pa sa laki nya.

 At kung tatanungin nyo kung gaano kalaki yung bird na 'yun ay naku mas doble pa sa laki nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di ko nga alam kung bakit gustong gusto nya nun..

Inabot nya sa akin yung dalang towel at tubig, ngumiti naman ako at nagpasalamat. Ang sweet ng anak namin noh? Oh! Wag kayo maiinggit kasi -- .. ay mali dapat pala talaga kayong mainggit kasi walang katulad si Hyemi namin ..

Nag-iisa lang sya..

"Hyemi yah~" tawag ko sa kanya tumingin naman sya sa akin. "Lika dito sa tabi ko" lumapit naman sya sa tabi ko habang hinahatak sa likod yung malaking yellow bird nya.

Ang cute nya tingnan. Imagine isang maliit na bata na hinahatak yung malaking laruan nya.. ang cute talaga ng anak namin ..

"Po appa?" Oh db? Sobrang napaka'galang ng anak namin. Wala kayo nyan ..

"Na'cucurious lang si appa ah, bakit ba gustong gusto mo magkaron ng yellow bird?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas yung buhok nya sa likod.

"Kasi po, nung last last christmas po binilhan ng appa ko yung unnie ko ng ganito habang ako po wala .. nainggit ako appa, kaya sabi ko gusto din magkaron ng ganun" malungkot nyang sabi habang tinitingnan yung Yellow bird nya.

Nalungkot naman ako dun .. Bakit naman gagawin yun ng isang ama sa anak nya? Hindi man lang pantay yung pagtrato nya sa mga anak nya..

"Pero masaya na po ako ngayun kasi meron na akung katulad ng sa kanya at mas malaki pa" nakangiti nyang sabi pero pakiramdam ko parang may kulang.

"Gudto mo bang maglaro tayo?" Pag-iiba ko ng topic. Medyo malungkot kasi atmosphere namin.

"Sige! Anung laro appa?" Ayun masaya na ulit ang Hyemi namin.

"Kae Bae boo?" suggestion ko sa kanya.

"cge appa!" Masaya nyang sabi sa akin.

At nagsimula na kaming maglaro. Medyo tumagal din yung paglalaro naming dalawa and guess what?

Natalo ako ni Hyemi. Ahahaha! imagine isang bata tinalo ako? Pero syempre joke lang .. sinadya ko naman talagang magpatalo sa kanya. Mabait kasi ako :)

EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon