Exo's Daughter - Chapter 29

3.6K 88 13
                                    

Maraming nagbago simula ng dumating si Hyemi sa buhay ng EXO. Mas naging makulay at mas naging masaya. Naging isang malaking pamilya silang lahat.

Si Hyemi na noon ay naghahanap ng kalinga sa sarili nyang mga magulang ay nahanap nya ito katauhan ng EXO.

Nandyan ang kanyang labing dalawang appa na handa syang protektahan, alagaan at higit sa lahat ang mahalin sya ng buong-buo na parang tunay nilang pamilya.

Spoiled na nga masyado eh .. pinagpapasalamat nalang ng EXO na hindi lumalaki ang ulo ng anak nila at marunong pa rin tumanaw ng utang na loob.

Triple pa nga ang nangyari, hindi lang kasi ang Exo kundi lahat ng mga Kpop stars at staff na kakilala nya ay minamahal sya kahit nga si YG ay napamahal na din kay Hyemi.

Kilalang-kilala na si Hyemi sa buong South Korea. Sinu nga ba ang di makakakilala sa kanya eh sobrang sikat na kaya nya. Kilala sya bilang Exo Daughter.

Syempre anak ng Exo eh. Sikat ang mga tatay kaya sikat din ang anak.

Naks. Umaasenso si Hyemi.

Samot saring endorsements, photoshoot at commercial shootings ang natatanggap pero limitado lang ang tinatanggap ng mga appa nya kasi ayaw nilang mapagod ang anak nila.

Iniintindi pa rin nila ang kalusugan ni Hyemi at ayaw nilang ma'stress ito masyado sa trabaho.

Sobrang pinapasalamat ni Hyemi lahat-lahat ng biyaya nyang natatanggap. Sa sobrang dami nito ay halos malunod na sya sa tuwa.

Walang sidhing tuwa ang nararamdaman nya dahil kung dati ay namamalimus sya ng pagmamahal ngayun naman ay halos sobra pa sa hiniling nya ang ibinibigay..

Pero..

Paanu nalang kung biglang nagpakita ang pamilya ni Hyemi?

Paanu nalang kung bigla sya nitong kunin?

Paanu nalang kung lahat ng ito ay nawala?

May magagawa ba ang Exo?

May magagawa ba sila upang maagaw si Hyemi sa mga totoong magulang nito?

Paano na?

~Mr. Soo~

"Aba! Sikat na sikat na pala yung hinayupak na batang yun!" Nakangisi kung sabi habang nanonood ako ng T.V sa sala.

"Sinu?" Tanong ng asawa ko.

"Edi sinu pa yung batang walang kwenta mong sinilang dahil dun sa lalaking binuntis ka!" Sagot ko naman sa kanya.

Totoo naman kasing wala talagang kwenta yung batang yun. Akala mo kung sinu, nagpupumilit na maging pamilya namin.

Tsk. Sarap ng bugbugin nun eh. Lalong-lalo na pag nagmamakaawa na sya. Gustong-gusto ko yung mukha nyang nagmamakaawa.

Di ko alam kung bakit di ko kayang mahalin yung batang yun. Pagnakikita ko sya kumukulo agad-agad yung dugo ko.

Lalong-lalo na pag tinatawag nya akong appa. Tsk. Bwesit. Di naman ako yung appa nya ah.

She does not belong to this family. She is a nuisance.

"Talaga? Edi marami na syang pera ngayun. Mayaman na!" Biglang saad ng asawa ko.

Kahit naman binuntis sya ng lalaking pinagsamantalahan sya ay mahal ko pa rin ang asawa ko.

Hindi lang talaga yung batang yun. Yung batang di ko kadugo! At kahit kelan hinding-hindi ko sya matatanggap sa pamilya ko!!

Ang asawa ko ang biktima. Kaya dapat lang pagbayaran ng batang yun ang ginawang kasalanan ng kung sinu mang hinayupak na lalaki.

Nag-iisa lang ang anak ko at yun ay si Jaehyun. Soo Jaehyun. Yan ang pangalan ng anak ko wala ng iba.

Teka, tama ba ang narinig ko mayaman na nag batang yun?

Edi ibig sabihin, pag mayaman marami nang pera?

Pwede..

Mas lumapad pa ang ngiti ko. Aba! Pera na yung pinag-uusapan dito. Wala akong pakialam sa batang yun ang importante ay yung pera nya.

HAHAHAHAHAHA!

Pwedeng-pwede ko pala syang magamit para mas lalo kami magkapera. Mas lalo kaming yayaman.

Bat di ko agad naisip yun. Tsk. Ang talino talaga ng asawa ko.

Ang gagawin lang namin ay magpapakilala kaming totoong magulang ng batang yun at pwedeng-pwede na namin syang kunin.

At gagamitin upang mas rumami pa yung pera namin at magiging sikat pa kami sa South Korea.

Konting lambing lang sa batang yun tiyak na sasama agad yun sa amin. Uto-uto kasi yun at tanga pa.

"Maghanda ka, may kukunin tayong bata." Sabi ko sa asawa ko at nagkatinginan kami at sabay pang napangiti ng malapad.

"Sa wakas! Magiging mayaman na tayo!!!" Masayang sigaw ng asawa ko.

Napangisi naman ako sa sinabi nya. Nakuha nya agad ang plano ko.

"Anung meron?" Biglang sabi ng anak ko na kakarating lang.

"Anak!!!! Di ba gusto mo maging sikat at mapalapit sa Exo?!!!!"

"Oo Umma, bakit?" Halatang naguguluhan pa sya. Di pa nakukuha yung plano.

"Well, napagplanuhan ko na aagawin natin yung batang bastardo at papatrabahuhin natin ng todo.." nakangisi kong sabi sa kanila "tapos dadami pera natin magiging sikat pa tayo at sisiguraduhin kong magiging malapit ka sa EXO anak" bigla naman lumiwanag ang mukha nya.

"Talaga Appa??!!" Excited nyang sabi kaya tumango naman ako.

"Kyaaaaaaaaaaaaahhhhh~~~!!"

"Ang galing talaga ng asawa ko!!!! Waaaah!!!!"

"Titira na tayo sa malaking bahay at higit sa lahat magiging close pa kami ng Exo!!!!!"

"Waaaaahhhhh! Ang swerte natin anak!!!"

Pinagmasdan ko ang dalawang babaeng importante sa buhay ko na tuwang-tuwa sa naisip ko.

Humanda ka Hyemi. Kukunin na kita.

Humanda ka.

HAHAHAHAHAHAHA.

EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon