Chapter 104

583 22 20
                                    

Still Kyla PoV

Tumahimik bigla nang nandito na ako sa may sala. Sabado ngayon at walang pasok. Naalala ko na naman ang  nagyari kagabi. Umiyak siya dahil sa akin. Mahal niya lang naman ako pero nasasaktan ko s'ya.

"Good norning po, Tita Ninang." Ngumiti lang ako kay Aster.

Ano kayang ipapangalan ko kapag babae ang anak ko? Tapos kapag lalaki? 'Tsaka ko nalang siguro iisipin 'yun. Ang advance ko naman. Atsaka nandiyan naman sila kaso hindi ko pa sila nakakausap nang maayos.

Galit pa din sila sa akin.

"Good Morning too. Aster." bati ko naman pabalik.

Nahihiya akong umupo sa may single sofa sa kanan. Tahimik lang ang lahat, sila, habang nakatutok sa TV ang mga paningin.

"Manang, kanino mo po dadalhin 'yan?" biglang tanong ni Ate Rhianna kay Manang nang makita siya paakyat nang hagdan.

"Nako Iha, si David kasi. Nako! Antaas ng lagnat. Uminom pa ng alak kagabi. Nako, talagang batang 'yun. Ano bang nangyayari dun?" Bigla naman bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa narinig ko.

May sakit siya.

"Manang, ako na po magdadala niyan." singit ko at agad at lumapit kay Manang, kinuha ko sa kaniya ang tubig at gamot.

"Nako Iha, magpahinga ka na lang. Bu-"

"Ako na po...Pleasee.. " Mahinang pagmamakaawa ko. Wala naman nagawa si Manang.

Dahan-dahan akong umakyat pataas at nakita ko siya agad pagbukas ko nang pintuan. Balot na balot ng kumot habang nakatalikod at rinig na rinig ko ang pag ubo niya.

"Kumain ka na ba?" mahinahon na tanong ko sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Napakagat ako nang labi dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.

Naiiyak na naman ako.

Bumuntong hininga muna ako' tsaka sya nilapitan. Hinipo ang noo, at leeg niya.

"Antaas nang lagnat mo. Uminom ka muna nang gamot." saad ko pa 'ysaka inabot sa kaniya 'yung mga gamot at tubig.

"I'm okay. Leave me alone." Napakagat na naman ako nang labi para pigilan ang luhan nagbabadya.

Tumalikod siya sa akin .

Hindi talaga ako sanay na ganito siya. Gano'n ko na ba talaga siya nasaktan? Hinahayaan ko naman ang sarili ko na mahulog sa kaniya e, na mahalin siya, pero bakit ganito siya sa akin? Akala ko ba mahal niya ako?

Nasaktan mo siya Kyla. Nasaktan mo siya, kaya siya ganiyan.

Niyakap kosiya habang nakatalikod siya sa akin. Isinubsob ko ang mukha ko sa likod niya att umiyak nang tahimik.

"Sorry na... Sorry... 'Wag ka naman ganito... pleasee... Hi- hindi ako sanay. 'Wag ka naman ganito.." napahikbi ako nang mahina.

Kasalanan ko din eh. Ku-kung sana naapreciate ko ang pagmamahal niya hindi sana ganito. Okay sana kami. Bakit ba kasi hindi ako nakapagpigil? Bakit ba kasi bumigay na naman ako sa kaniya? 'Yan, may nasaktan ako sa kagagahan ko.

"Sorry na..." dagdag ko pa at hinigpitan ang yakap ko sa kaniya pero ilang minuto ang lumipas walang kahit na anong salita at tugon akong narinig mula sa kaniya para mapaiyak ako lalo.

"Da-David.."

"Iwan mo muna ako Kyla." madiin na saad nya para yakapin ko pa s'ya lalo nang mahigpit.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now