Chapter 110

498 18 15
                                    

Ellyssa PoV

Hindi ko kinakaya ang mga nakita ko kanina. Ang mga pangyayaring naganap kanina. Gano'n pala magalit si Kuya Jah.

Ikwinento nila Trisha kanina sa akin ang lahat, at 'yun 'yung lalaki na nakita ko na nagbigay sa akin nang letter sa mall noon. Hindi ako maaaring magkamali na siya talaga 'yun.

Hindi ko akalain na Girlfriend pala niya si Ate Rhianna. Pero papaano si ku- si Cyrus?

Nasaan na pala 'yun?

"Uhmmm... Manang," nahihiyang pagtawag ko sa kaniya at napalingon naman siya sa akin.

"Oh, Iha. May kailangan ka ba?" Nahihiya talaga ako na magtanong kung nasaan si Cyrus e.

"Alam niyo po ba kung nasaan si Cyrus?" Nahihiyang tanong ko at bahagya pa akong napakagat nang labi ng palihim.

"Nakita ko sila papunta sa rooftop. 'Yun ang alam ko iha, bakit? May kailangan ka ba?"

"Hehe, sge po, Manang. Salamat po." tanging sagot ko na lang at tinanguan naman ako ni Manang bago ako lagpasan

Sila?

Hindi kaya magkasama sila ni Ate Rhianna? Pero imposible dahil nawalan si Ate Rhianna ng malay at buhat-buhat siya ni Kuya Jah papunta sa room niya.

Sino kaya 'yung kasama niya? Atsaka sa rooftop? Ano naman ang ginagawa nila sa rooftop? E, umuulan pa man din.

Imbes na mag-isip nang kung ano-ano ay naglakad na lang ako papunta sa rooftop at unti-unti ko na lalong naririnig ang pagpatak ng ulan.

Mabuti na lang at humina na ang ulan hindi kagaya kagabi. Natanaw ko na agad silang dalawa. Hindi pa 'ko nakakapasok nang tuluyan. Kung hindi ako maaaring magkamali si Kuya Jerick ang kasama niya habang parehas silang nakasandal sa pader at basang-basa na ng ulan.

Hala, baka magkasakit pa sila.

Wala akong dalang payong pero tumingin ako sa paligid at may nakita akong payong sa gilid ng pintuan. Kinuha ko 'yun at maglalakad na sana ako papalapit sa kanila nang tuluyan nang mapaabante ako pabalik at magtago sa gilid ng pinto sa may hagdanan.

"Kaibigan kita, dude. Kaibigan ko din si Rhianna, pero ikaw ang mas iniintindi ko." Anong pinaguusapan nila? Tungkol ba kay Ate Rhianna? Kasi narinig ko ang pangalan niya, baka nga si Ate Rhianna.

Hindi ako sigurado.

"Masasaktan ka lang dude kung ipagpapatuloy mo ang nararamdaman mo sa kaniya." Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla akong makaramdam nang kirot.

Ang sakit.

"Kita naman nating lahat kung gaano nila mahal na mahal ang isa't isa. Ang unti-unting pagbabalik nang dating Rhianna ay bumabalik na nang dahil sa kaniya. Set her free Cyrus."

"Damm, I am fucking in love with her." Mas lalo akong napahawak sa dibdib ko.

"Kalma, Elay." Pagkausap ko sa sarili ko at kahit na gusto kong umalis dahil masama ang nakikinig sa usapan nang hindi ka kasali. Ayaw naman nang aking mga paa na humakbang.

Parang may mga sarili silang mundo na ayaw umalis sa pwesto.

"Antagal na niyang pagmamahal mo sa kaniya. Mga bata palang tayo peo nasusuklian niya ba ang pagmamahal mo?" bumilis bigla ang pintig nang puso ko dahil sa salitang narinig kung 'yun.

Kung hindi kayang masuklian ni Ate Rhianna ang pagmamahal ni Cyrus sa kaniya. Mas lalong hindi masusuklian ni Cyrus ang nararamdaman ko sa kaniya.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now