Chapter 121

424 20 6
                                    

Still Kyla PoV

Tahimik lang akong umiyak habang nakasandal sa headboard ng kama habang nakatingin sa mahimbing na natutulog na si Terrence.

Bakit ganito? Bakit pumayag na naman ako na may nangyari sa amin? Bakit?

Akala ko ba Kyla tapos na kayo? Bakit ganito?  Bakit ka pumayag na naman?

Napahilamos na lang ako nang aking mukha at tahimik na naman na umiyak dahil wala naman akong nagagawa kundi ang umiyak na lang.

Magiging mahina na naman ba ako? Magiging ganito na naman ba ako?

Ayoko nang maging mahina at hindi lumalaban... Ayoko na naman maging kagaya nang dati na mahina ako na walang kalaban laban... Ayokong tanging pag-iyak na lang na naman ang kaya kong gawin.

Ayoko na...

"Stop crying, Kyla..." mahinang pagkausap ko sa aking sarili habang yakap ko ang aking mga tuhod habang may kumot ang aking katawan.

Ringggg.....

Napatingin naman ako sa gilid ng kama kung saan nando'n ang cellphone ko na tumutunog.

Kahit na nanginginig pa ako ay pinilit kong abutin 'yun hanggang sa makuha ko. At gano'n na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang pangalan ni Jerick do'n.

Pinunasan ko muna ang aking mukha at bahagya pa akong tumingin kay Terrence na mahimbing na natutulog dahil sa malalim na kanyang paghinga.

[Hello?] bunga ko at hindi ko inaasahan ang sasabihin nang nasa kabilang linya.

[David doesn't deserve you.] gano'n na lang ang pag-awang nang aking bibig dahil sa kanyang sinabi.

[Hindi ko...]

[You hurt him again, Kyla." mahinahon na saad niya at nakuha ko naman na agad ang kanyang ibig sabihin.

Napatakip na lang ako sa aking bibig at bigla na naman napaluha nang tahimik.

[Kung hindi mo kayang mahalin o gustuhin man lang si David. Huwag mo siyang paasahin dahil hindi niya deserve. Kung babalik balikan mo lang din naman ang tarantadong lalaking 'yan. Mas mabuti sigurong malaman niya na ang totoo na may anak kayo. At kung ayaw mo o nang mga kaibigan mo nasabihan sa kanya ang totoo. Ako mismo ang magsasabi. Kaibigan kita Kyla pero mas kaibigan ko si David.] magsasalita pa sana ako nang mamamatay na ang tawag na aking ikinakaba.

Napalingon muli ako kay Terrence na mahimbing pa din ang tulog. At kahit na masakit ang nasa gitna nang aking mga binti ay pinilit ko padin na ayusin ang aking sarili.

Hinanap ko agad ang aking mga damit at mabilis ko naman nahagilap ang mga ito at mabilis na isinuot. Wala na akong pakialam kung masakit ang aking nasa gitna.

Walang pasabi kong nilisan ang lugar na 'yun at iniwan si Terrence nang walang pasabi.

Kaba ang nararamdaman ko ngayon.

I'm sorry, David...

**********

Pagdating ko sa bahay ay sampal agad ni ate Rhianna ang bumungad sa akin nang hindi ko inaasahan.

First time.

First time akong pagbuhatan ni ate Rhianna nang kamay nang hindi sa laban.

Masasabi kong napakalakas nang sampal niya at wala siyang pakialam kung masaktan ako. Ramdam ko din ang galit niya dahil sa sampal na iginawad niya sa akin na first time niyang ginawa sa akin.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now