Chapter 142

353 11 2
                                    

Still Jaycel PoV

"Halatang hindi mo pinaghandaan ang laban na ito." kalmadong saad ni Ate.

Nyemas!

Pa-paano niya nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon, hah?!

Ghosh!!! Nakakalurky siya. Paiba-iba siya ng mood sa buhay.

"Don't you fvking dare to hurt my daughter." sumabat na si Kuya Aldrin na kaninang walang imik at nakikiramdam at minamanmanan lang ang pangyayari.

Shems, ano ng mangyayari ngayon?

Jaime Luices, bakit ba kasi ginagalit mo ang dragon? Imbes na kalmado ay magiging dragon sa galit dahil sa punyetang pinaggagawa mo.

Wala ka na bang magawa sa buhay mo at ganito ang ginagawa mo? Ansarap mong ilublub sa kumukulong tubig para hindi ka na makahinga. Idagdag pa ang pagiging lapnos ng iyong mukha.

Naiinis na nang-gigil ako sa kanya!

"Ang hinihingi ko lang naman sa'yo ay ang sumuko ka, Rhianna."

"Na hinding-hindi ko gagawin kahit kailan, Jaime Luices." napangisi naman si Jaime habang nakatingin kay Ate na nakangisi na din pala.

Sheta!!! Kabado ako bente.  Kinakabahan ako sa mangyayari ngayon, ano na ngayon?

Napatawa naman si Jaime, baliw na ata ang lalaking 'to!

"Ngayon mo gagawin da-'

"Baby..." natigilan siya sa pagsasalita dahil sa biglang pagsasalita ni Ate para magtaka sila. "Naririnig-"

"Mom," everyone heard Zoe's voice.

Nagtaka at nagulat ang lahat dahil sa mala-anghel na boses ni Zoe.

"Tita?" boses naman 'yun ni Max na anak ni Ate Zang

Bakit nadadamay ang mga bata? Bakit nila dinamay ang mga bata? Walang alam at kasalanan ang mga bata dito para idamay nila.

Masyado silang madaya at madumi makipaglaban sa amin.

"I told you Jaime. Maling mali ka na kinakalaban mo ang Empress." saad ni Ate habang nakangisi para mawala ang ngisi ni Jaime sa kanyang labi at mapaltan ng seryosong exspression ang kanyang mukha.

"Baby... makinig ka sa sasabihin ko." saad pa ni Ate at ang lahat ay nakatutok ang mga paningin kay Zoe kasama si Maxerick sa isang kulungan.

Kalmado lang at walang kahit na anong kaba o takot man ang makikita sa itsura ng dalawang bata na sadyang kataka-taka at kahanga-hanga.

Pero ang tanong sa aking isipan ay pa-paano nila nakuha sina Zoe at Maxerick. Ang alam ko ay nasa America ang dalawang 'to,

Pa-paano nila nahanap at nakuha sila?

Napaghandaan nga talaga nila ang laban na 'to na hindi namin napaghandaan at inaasahan tapos sila nakapaghanda.

Unfair!

"Do whatever want do you want, baby." lahat kami ay tutok sa nakakalat na screen sa itaas at sa dalawang bata na nasa isang silid.

Nakita ng lahat ang malawak na pag-ngiti ni Zoe habang kunot noo naman si Maxerick.

"Say that to your cousin." utos pa ni Ate sa kanya.

Alam kong nagtataka na silang lahat kung pa-paano nakakausap ni Ate si Zoe, kagaya namin ay may kwintas din si Zoe sa leeg pero si Ate lang ang nakakausap niya,

Hytick ang mga gamit namin. Simula ng malaman namin ang lahat ay madami na kaming nalaman at natutunan kaya naman ay hindi kami basta-basta mapapabagsak ng kahit na sino.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now