Still Krissiya PoV
Napabuga ako ng malakas na hangin na kanina ko pa gustong ilabas.
Halao halo na ang emosyon sa aking dibdib at halos hindi ko na alam ang aking gagawin matapos kong malaman ang lahat.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga narinig ko mula sa kanila, pero may parte sa aking dibdib na nasasaktan ako ng sobra at hindi alam kung anong dapat kong gawin at maaari kong gawin.
Damm this.
"Are you happy now?" napaaayos ako sa pagkakatayo at napalingon kay Mikee na nagsalita at sumulpot na lang bigla.
Alam ko ang punto niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. At hindi ako masaya.
Hindi... hindi na kailan man.
"Hindi." lakas loob na sagot ko naman sa kanya pero nginisian niya lang ako bago siya sumandal sa may railings.
"Hindi ko alam Krissiya kung bakit nagkaganyan ka. Ginawa naman lahat ni Ina para sa'yo, para hindi ka magaya sa Tatay mo." napakunot naman ang aking noo dahil do'n.
Si Mommy Roselyn lang naman ang nag-alaga sa akin noon at kinikilala kong Ina noon... pa-paanong.
"Kilala mo ba talaga ako, Krissiya?" she asked me again.
Naging tahimik lang ako at kahit na may naiintindihan na ako at pumapasok sa isip ko ay ayaw kong paniwalaan dahil... imposible...
"Imposible..." mahinang tanging nasabi ko na lang habang pinipilig ang aking ulo.
"Demonica Hellice Mikee Dela Ross..." napalingon siya sa akin.
"Montemayor." do'n na ako tuluyan napaatras at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
Hindi naman ako bingi para hindi maging tama ang narinig ko,
Isa siyang Montemayor...
Imposible talaga.... Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.
"'Yan ang tunay na pangalan ko." dagdag niya pa.
"Paanong nangyari?"
"Madami ka pang hindi alam, Krissiya. Madami ka pang hindi nalalaman kaya ihanda mo 'yang sarili mo at ayusin mo ang lahat bago pa mahuli." makahulugan na pagkakasabi niya na pa. "Madami ng napagdaanan ang kapatid mo, kaya may pagkakataon ka pang bumawi at mag-"
"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Ano ba talagang punto mo?" mariin na tanong ko.
"Dahil simula bata pa ang kapatid mong si Rhianna ay alam ko na ang mga nangyari sa kanya-"
"Sabihin mo sa akin..." nanginig ng bahagya ang boses ko para lingunin niya na naman ako at mas ngisian. "I-ikaw ba 'yun?" she nodded.
Fuck it.
"Hindi ko malalaman na si Rhianna ang batang pinatakas mo noon kung wala akong alam." she bit her lower lip at diretsyo akong tiningnan. "Sakim na ang Tatay mo. Demonyo na ang Tatay mo, kaya maging tapat ka dito sa totoong Pamilya mo. Madaming kasalanan ang Tatay mo sa kapatid mo kaya piliin mo 'yung tama." hindi ko pa din makuha ang punto niya kung bakit ito ang mga sinasabi niya sa akin.
"I d-"
"Kilala ko kung sino ang tunay niyang Ama." laglag na naman ang aking panga at napaawang ang aking bibig.
"How did- Fuck." nanginginig na pagkakasabi ko at hindi makalma ang sarili.
"Wala kang matatago sa akin, Krissiya. Madami akong nalalaman kaya piliin mo ang tama." pagkatapos niyang sabihin 'yun ay tinalikuran niya na ako.

YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Детектив / ТриллерThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.