Chapter 114

443 20 13
                                    

Eshang PoV

"Mom, hanggang kailan mo sila papahirapan? Lalo na siya?" tanong nang isang binata sa kaniyang Ina na napalingon sakaniya dahil sa kaniyang tanong.

Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa nila at napalingon lahat sa binata na seryoso ang mukha habang nakatingin sa Ina na napahinto bigla.

Nagkatitigan silang dalawa hanggang ang kaniyang Ina na ang bumawi nang paningin.

"Mom, alam mo ba. Gustong-gusto ko na naman magalit sa'yo kaso Ina pa din kita, pero-" Napakuyom ang binata nang mga kamao at naiiyak naman na ang kaniyang Ina.

Sabi nila, walang Ina na gustong mapahamak ang kanilang anak pero hindi lahat dahil may mga Ina din na ipapahamak ang anak para lang sa sarili nila.

Baligtad na 'no? Anak na ang umiintindi sa mga magulang imbes na ang mga magulang ang iintindi sa mga Anak.

Sabagay, nagiiba ang panahon kaya naman hindi malabong mag-iba ang karamihan.

Kung ang feelings mo nga sa isang tao nagiiba e, ito pa kaya.

Pero hindi naman sa lahat nang panahon, oras at pagkakataon, mga anak ang iintindi sa mga magulang.

"Mom, please, I'm begging you. Stop this shit." mahinang saad nang binata sa kaniyang ina at bahagyang napayuko habang kuyom na kuyom pa din ang mga kamao.

Gustong ilabas nang binata ang namumuong galit niya na naman pero dahil malaki ang respeto niya sa kaniyang Ina nakakayanan niyang magpigil nang hin-nanakit.

Sino bang Kuya ang gugustuhin na mapahamak ang kaniyang mga mahal na kapatid? Lalo na kung babae pa.

Hindi nakaimik ang kaniyang Ina. Nakatakip lang nang mukha ang kaniyang Ina gamit ang kaniyang mga palad habang mahinang umiiyak.

Bakit gano'n minsan? Bakit may mga Inang gustong mapahamak ang mga anak? May mga Inang pini-pressure ang mga anak. Bakit gano'n? Bakit minsan ang unfair nang ibang mga magulang sa kanilang mga anak? Bakit hindi na lang intindihin nang mga magulang ang kanilang mga anak.

Siguro ang unfair talaga ni life.

"Lance," pagtawag ni Maxima kay Lance na kuyom na kuyom na talaga ang mga kamao. Halatang gusto nang manapak nang kung sino pero mahahalata mo pa din ang pagpipigil niya na may gawing hindi maganda.

"Damm." mahinang saad ni Lance. "I hate this. Stop this. Shit! Nakakasawa na. Nagiging komplikado ang lahat dahil sa Putanginang planong ito!" kasabay nang pagkasabi ni Lance no'n ay ang pagkabasag nang vase na sinagi niya sa kung saan habang naglakad papalayo sa mga kasamahan niya. Mukhang nagulat ang lahat sa ginawa niyang 'yun dahil na din sa mga reaksyon nang mga kasamahan niya. Bigla na lang din nag-angat nang tingin ang Ina ni Lance.

"Mom," pagtawag ni Crissela sa kaniyang Ina na wala man lang reaksyon ngunit bakas sa mukha na mukhang may iniisip na kung ano na hindi alam nang kung sino dahil siya lang ang nakakaalam nito.

"Kilala mo ang anak mo Crissela kaya hayaan mo muna. Ayusin mo 'yang sarili mo, nagiging mahina kang muli. 'Wag mo ulit akong biguin." seryosong saad nang Ina ni Crissela para mabalik siya sa dating siya.

Tumayo ang Ina ni Crissela at tiningnan pa siya nito para siya'y magtaka. Gano'n din ang iba niya pang mga kasama.

"Ikaw ang mag-ayos nang lahat Crissela kaya paki-ayos niyang sarili mo. Nakakadisappoint ang kagaya mong wala nang kuwenta." hindi man sabihin ni Crissela pero bakas sa kanyang mukha ang sakit na binitawan mismo nang kaniyang Ina bago silang tuluyang iwanan.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now