Still Erhianna PoV
"Love," pagtawag niya sa akin para mapahinto ako sa pang gagamot sa sugat niya.
Nakatitig syia sa akin kaya naman tinaasan ko siya nang kilay at alam niya na ang ibig sabihin no'n kapag ganito ako.
"Aisshh!" Inis na saad niya 'tsaka ginulo ang kaniyang buhok para mapataas ako lalo nang kilay.
Buang!
"Nabaliw ka na?" Inis na tanong ko sakaniya at madiin na idinampi ang bulak sa kaniyang balikat na ikinadaing niya naman.
Sige, masaktan kalang hayop ka! Mas masakit pa 'yan sa ginawa mong panloloko sa akin oras na mapatunayan ko talaga ang lahat. Malilintikan ka talaga sa akin sinasabi ko sa'yo. 'Wag na 'wag mo akong gagalitin dahil hindi basta ang galit kong hayop ka!
Tarantado!
"Mommy, you hurting Daddy." Napabuntong hininga naman ako nang mahina 'tsaka inayos ang pang-gagamot ko sa kaniya.
Naiinis lang ako.
"Sabihin mo sa akin lahat, Aldrin." madiin na utos ko sa kaniya at alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin.
"Kailangan niyang magsanay, Love. Siy-" Agad ko siyang sinampal sa mukha at hindi nya inaasahan.
Napatayo ako paharap sa kaniya at nilalabanan ang mukha niyang walang emosyon. Naagaw din namin ang lahat nang atensyon nila.
"Alam ko na ang lahat Aldrin, at hindi ako papayag." madiin na saad ko sa kaniya sa walang emosyon.
"He, ne-"
"Gago ka ba!" inis na saad ko sa kaniya at parang wala lang ang aking sinabi.
"Love, ca-" akma niya akong hahawakan sa magkabilang balikat nang lumayo ako.
"Aldrin, hindi ako papayag. Hindi! Hindi ko hahayaan na malagay sa panganib ang buhay nang anak ko." mahinahon na saad ko sa kaniya. Nararamdaman ko na ang pamamasa nang aking mga mata.
"I'm here Love. Hindi ko-"
"Hindi ako papayag sa gusto mo, Aldrin. Magkakamatayan muna kami ang sino man ang mag dedesisyon para sa anak ko." putol ko sa sasabihin niya.
"He is the first prince."
"I DON'T CARE, ALDRIN!" Malakas na sigaw ko na umalingawngaw sa buong silid.
"Wala kang karapatan na pangunahan ang mga desisyon ko para sa anak ko! Kinunsulta mo ba sa akin ang paghawak at paggamit niya nang espada hah? 'Di ba hindi? Nagdedesisyon ka para sa kaniya nang hindi ko alam!" nang-gigil na saad ko pa.
Naiinis ako lalo sa kaniya dahil nagdedesisyon siya nang basta-basta. Hindi madali ang nais niya, at isa pa ayaw kong mapahamak ang anak ko.
Kinuha niya ang lahat nang espasyo sa pagitan naming dalawa. Hinawakan niya ang aking mukha at pinagtitigan ako. Bahagya niya ding pinunasan ang mga luhang bahagyang tumulo mula sa aking mga mata.
"I'm sorry,"
"Aldrin, ayaw ko nang mawalan pa ulit nang anak. Sana naman naiintindihan mo ako." unti-unti nang nanginig ang aking boses at sunod-sunod nang tumulo ang aking mga luha.
Ayaw kong mawalan pa ulit nang anak kaya ganito ako.
"Shhhhhhhh..." Agad niya naman akong niyakap at marahang hinahaplos ang aking buhok at hinahalikan ang tuktuk nang aking buhok.
"I'm sorry. Sorry kung hindi ko man lang sinabi sa'yo. Im sorry."
"Ayaw ko lang mawalan na naman anak, Aldrin."
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mystery / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.