Still Ellyssa PoV
"Si Angie naman siya 'yung Sassy sa aming lahat." pagpapatuloy na kuwento niya pa habang nakadukdok na siya sa lamesa at umiiling iling.
Kung kanina ay natatawa siya ngayon naman umiiling kapag kay Angelica na .
"Sobrang maldita niya, mataray, suplada at higit sa lahat, palamura." Iling pang dagdag niya habang nakapikit na ang kaniyang mga mata.
"Parehas na parehas sila ni Shy nang ugali pero mas malala lang ang kay Shy. Si Angie Sassy Girl 'yan. Samantalang si Shy Gladitioral Girl, kapag nagsama ang dalawa tumakbo ka na." umiling na naman siya.
"'Yang dalawa na 'yan ang palaging magkasama 'magkaduo' kumbaga pero hindi sa pag aaral, kundi magkaduo sa away kaya kung ako sa'yo." nag-angat siya sa akin nang tingin ngunit nakapikit padin ang kaniyang mga mata.
"Kung ako sa'yo, 'wag na 'wag mong hahamunin si Shy o kaya si Angie. Nako ka!" Iling na saad niya na naman 'tsaka dumukdok ulit sa lamesa.
Iniintay ko ang susunod niyang sasabihin kaso wala na. Mukhang nakatulog na. Hindi man lang sa akin sinabi na matutulog na pala siya. Nag-intay pa ako sa wala.
Sabagay minsan hindi naman na dapat natin intayin ang taong walang kasiguraduhan na dadating.
Huh? Ano daw? Anong mga pinagsasabi ko?
"Paano ko naman 'to bubuhatin?" tanong ko sa sarili ko .
Hindi ko naman kasi siya pwedeng iwanan na lang dito. Bahala na.
"Hoy, Elay." Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla nalang akong gulatin ni Trisha na nasa aking tabihan na pala.
"Ba-bakit?" nauutal pang tanong ko.
"Tulala ka? Naiisip mo crush mo 'no? Ayeii." Nagpipigil naman ako nang ngiti nang sundot sundutin niya ang aking tagiliran.
Ang kulit talaga.
"Wala akong crush." Dahil mahal lang. Diretsyang sagot ko naman para mapangiwi siya at tumingin sa akin.
"Weh? Hindi ako naniniwala." Pinagmasdan niya ako nang mabuti para maipaglapat ko nalang ang aking mga ngipin.
Kinakabahan ako dahil baka mahalata niya ako dahil hindi naman kasi sila talaga normal na mga tao.
Akala mo may mga kapangyarihan sila sa bilis na kumilatis nang kilos at galaw nang isang tao, pero ang totoo wala talaga silang kapangyarihan. Sadyang may kakaiba lang sa kanila. Hindi ko nga alam kung normal lang ba sa kanila ang gano'n.
"Wala talaga." Pag-gigiit ko dahil ayaw kong makahalata sila.
Napasulyap naman ako bigla kay Cyrus at halos gano'n na lang ang ka ba ko nang nakatingin pala siya sa akin habang pinaglalaruan nang kaniyang isang daliri ang kaniyang labi.
Napakagat ako nang labi nang maramdaman ko bigla ang bilis nang pintig nang aking puso.
Gaano na ba ang nararamdaman ko sa kaniya? Bakit anlakas nang pintig nang aking puso?
Aaminin ko na hindi lang gusto ang nararamdaman ko sa kanya, 'mahal ko na ata siya' pero naguguluhan pa din ako. Ang isa pa natatakot akong masaktan nang dahil sa kaniya. Ayaw kung umasa pero 'yung puso at sarili ko gustong umasa.
"Rhianna is weird." biglang sabat bigla ni Kuya Jerick habang nasa akin ang kaniyang mga paningin.
Bakit nasa akin ang kanilang mga paningin? May dumi ba sa mukha ko?
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Bí ẩn / Giật gânThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.